Hugot #3

505 10 0
                                    

POV ng Maganda:

Rise and Shine Jannah... *o* (hikab yan... Ahahaha)

Hay! Sarap ng tulog. Kakagising ko lang ng may biglang pumasok na hambog sa maganda kong kwarto.

"Kaya pala biglang lumakas yung hangin nandito ka. Anong kailangan mo?" Mataray kong sabi kay

"Tss... Good morning din ha." Sarcastic yung pagkakasabi niya sabay irap.

"Bading" mahina lang yung pagkakasabi ko pero alam ko narinig niya.

Sinaman ako ng tingin ng kuya kong kupal. Hahaha... Ang sarap talaga asarin ng lalaking ito.

"Pasalamat ka babae ka at bunso ka pa kung hindi matagal ka ng baldado sa akin kahit kapatid kita."

"Oh tologo?" Mapang-asar kong sabi. Nag-smirk siya tapos tumabi sa akin sa kama hindi pa kasi ako nabangon. Bali nakaupo kami sa kama ko.

"Hindi kita pinapatulan kasi alam ko namang broken hearted ka. Dapat hindi pinapatulan ang mga bitter."
Tapos humagalpak siya ng tawa at hinampas pa yung likod ko. Leche! Masakit ha...

"Ano ba kasi ang kailangan mo Jino?" Mataray kong sabi

"Respeto naman uy! Kuya mo ko. Tss.."

"Fine! KUYA Jino, ano po ba kailangan niyo sa akin?"

" Pabebe... Bumangon ka na jan, sabi ni Mama ikaw daw muna tumao dun sa tindahan mamimili daw kasi siya ng paninda. Si Papa umalis na at ako may klase na ko ng umaga. Dahil tutal naman hapon pa pasok mo, ikaw na muna ang in charge. Malinaw ba Jannah? "

"As if may choice ako..." Napipikon na si Jino, sasapukin na sana niya ko pero pinigilan niya.

"Alam mo namimiss ko na yung dating Jannah, yung walang arte, simple pati masaya." Malungkot niyang sabi

"Jino wala na yun. Lahat ng tao nagbabago. Walang permanente sa mundo." Mapakla kong sabi

" Tama, lahat nagbabago, pero bunso may choice ka eh. Pwede naman maging simple at masaya ang buhay mo pero mas pinili mo mamuhay sa sakit na iniwan sayo nung Migo Rilla na yon." Eto na naman kami. Haist!

Reyna Ng Mga Hugot! (ON HIATUS) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon