Hugot #4

253 8 0
                                    

Hello po Magagandang Readers! :)
Salamat po sa mga nagbabasa nitong story ko.
Don't forget to vote. Comment din kayo and Share niyo rin. ❤

***

Hugot #4


POV ng Maganda:


Seriously?!


   Ano bang meron dun sa transferee at buong university ay hinihintay ang pagdating ng kung sino man yon? Hindi lang si Mitsu, Ana at, oh sige sama na natin si Jam ang excited sa unang pagpasok niya kundi halos lahat ng babae (except sa magandang ako) dito sa Eastern University.

    Hindi artista pero pinagkakaguluhan. Aba matinde!
Peymus si Kuya! Peymus!

   Nandito kami sa may gate at Leche! Ang init! Pinagpapawisan ang magandang ako dahil diyan sa pabebeng transferee na yan. Napakatagal dumating! >.<

   Isa pa tong si Mitsu, masyadong atat makita yung transferee at di pa nakuntento sinama pa kami!!! Leche talaga to the nth power!

   Ano bang mapapala ko? Uunlad ba ang ekonomiya ng Pilipinas kapag nakita ko siya?! Tsk!

"Chill lang girl, parating na siya, malapit na." Sabi ni Mitsu

"Sus! Kanina pa yang malapit na yan! Anong petsa na?!" Mataray kong sagot kay Mitsu...

"Nataas na naman yang high blood mo Jannah ha! Konting tiis na lang makikilala mo na rin yang magiging Forever mo." Pang-aasar sa akin ni Mitsu

"Che! Walang Forever! Punta na kong room, ang init dito. Dyan na kayo!" Sabi ko

  Narinig ko pang tinatawag nila ako. Hmp! Di ko pinansin, seryoso talaga sila sa plano nila sakin. Ano yon?! Ibubugaw ako? Grabe sila...


   Naglakad na lang ako papunta sa building ng College of Education na building namin. Mga 15 minutes na lang time na, pero ang mga estudtante, Ayun! Nandoon sa labas ng university at inaantay yung transferee... Halos mga lalaki lang ang nasa loob at pati na rin mga salalaki. Yung mga babae at binabae andun oa sa labas.


Makikita ko rin naman siya dahil College of Education din siya at blockmate ko pa. Ewan ko ba kung anong utak meron yung tatlo kong kaibigan at nagpapakahirap doon.


  Umupo na lang muna ako dito sa study hall at nanahimik. Wala masyadong tao at ang peaceful. Then it hit me...


Dito ang tambayan namin...


Ang bigat ng pakiramdam ko. Naalala ko yung mga pinag-gagagawa namin dito. Dating place namin ito dito sa school. Dito kami lagi kumakain, nag-aaral, nagku-kulitan at ito rin yung place na sinagot ko siya...

Aish! Jannah sinaktan ka niya. Niloko at pinagpalit pa sa iba. Bakit ba hindi mo siya makalimutan? Leche!


Reyna Ng Mga Hugot! (ON HIATUS) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon