ARIMA POV
*RIIIIINNNGGGGG*
Tapos na naman ang klase namin. Uwian na din sa wakas makakapanuod na naman ako ng anime sa bahay .
Naglalakad ako papunta sa sakayan ng Jeep . Para makasakay at makauwi na.
Nakita kong may lalaking nagtitinda ng Ice Cream napaka tanda nya na siguro base sa itsura nya ay mga nasa 70yrs old na sya . Naawa ako sa matanda kaya lumapit ako at bumili ng Ice Cream.
Manong Pabili nga po ng isang Ice Cream . Sabi ko
Kumuha ng ice cream yung matanda at ibinigay nya na sakin.
Manong mag kano po ?
Libre lang yan anak .
Ha? Bakit libre manong? Nag papakahirap ka mag tinda dito tapos libre lang po ito?
Di ko kaylangan ng pera iho ang gusto ko lang ay mag pasaya ng mga tao. Ano pa gagawin ko sa pera eh kunting oras nalang ang natitira ko dito sa mundo. Matanda na ako iho di ko alam kung hanggang kaylan ako dito sa mundong ito . Baka nga mamaya bigla nalang akong masagasaan dito eh.
Salamat po manong.
Oh? Iho bat ka naiyak ? Pangit ba lasa ng ice cream ko ?
Di ko napansin na tumulo na pala ang luha ko. Siguro na naalala ko kay manong yung lolo ko . Napakabait din ng lolo ko lahat binibigay nya sakin kahit nahihirapan sya .
Pinunasan ko ang luha sa mata ko .
"Sana mag tagal pa ang buhay ni manong"
Sumakay na ako ng Jeep at umalis na.
*****************
*SOMEONE'S POV*
'Boss sigurado kana ba talaga dito?Baka mamaya kung anong mangyari sakin may pamilya ako boss"
"Wag kang mag alala sigurado ako dito . Ikaw ang unang magiging pinaka malakas na sandata ng pilipinas"
Napalunok sa sobrang kaba ang sundalo at pumikit nalang.
"Boss kung sakaling may mangyayaring di maganda sakin . Pakiusap sabihin nyo nalang sa aking pamilya na ako ay namatay sa gera"
Masusunod. Ngumiti ang Scientist at kinuha nya na ang kanyang injection .
Dahan dahang itinusok sa pulso ng sundalo ang injection nyang hawak .
Ilang segundo lang ay.
AHHHHHHHH. BO-BOSSS ANO NANGYAYARI SAKIN? PARANG MAY MALI. AAAAAAAAAHHHH.
Nagulat ang scientist at napa atras. Natahimik ang sundalo at biglang namatay.
Nanginginig nyang tinawag ang kapwa scientist nya at inutusang ilibig ng maayos ang bangkay ng sundalo.
"Saan ako nag kamali? Pano ng yari yun?" Kabadong sabi ng scientist na nakapatay ng tao dahil sa kanyang experimento"
Kinuha na ng dalawang scientist ang bangkay ng sundalo.
At daling dali silang lumabas para mailibing na ang bangkay
Yung isang scientist ang nag hukay ng lupa kung saan ililibing ang sundalo.
At
Yung isang scientist naman ang nag babantay sa bangkay.
BINABASA MO ANG
Planet Z
Horror"Eto ang kwento ng mga Normal na magaaral sa United Havard Academy ngunit darating ang araw na di nila akalaing mangyayari" Kung saan antanging masisilayan nila sa mundong kanilang ginagalawan ay mga Taong walang Buhay . Makakaligtas kaya sila sa m...