ARIMA POV
Nasa kotse kami ngayon .
Di parin kami makapaniwala sa nangyari kay erika di namin inaasahan yun .
("Ano na plano natin san tayo pupunta?")Sabi ni chelsea
("Kawawa naman si emir")
Tulog si emir sa backseat ng sasakyan kitang kita sa mata nya ang pamamaga dahil sa kanyang pag iyak.
("Sa tingin nyo tama ba yung ginawa ko kanina? Hininto ko ba dapat ang sasakyan?")
Mas mabuti na yata yun para sa kanya. sabi ko kay chelsea
("Pumunta nalang muna tayo sa bahay namin meron dun na mga armas ng daddy ko baka pwede natin magamit yun")
Tumango nalang si chelsea at nag drive.
Ano kayang mangyayari kay emir pag ka gising nya ?
("Siguradong mahihirapan syang mag move on sa nang yari")
Tumahimik nalang kaming lahat.
Matutulog muna ako pagod ako sa mga nangyari ngayong araw.
Pag pikit ko ng mata ko naiisip ko sila mama at andrei.
"Sana ligtas sila , sana walang masamang nagyari sakanila ? Sanaa.."
At nakatulog na ako.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Arima gising andito na tayo.
Minulat ko ang mga mata ko andito na pala kami sa bahay nila ken grabe sobrang laki.
("Tara na . Pumasok na tayo!")
Nasa labas na pala ng kotse sila ken at joy at nag dodoorbell na sa dambuhalang gate nila.
Teka asan si emir? Tanong ko kay chelsea .
("Ayun siya oh !")
Tinuro nya si emir . nakaupo sya sa natumbang puno habang nakatulala sa mga bituin , may mga luha sa mata at parang kinakausap nya ang sarili nya.
Anong nangyari sa kanya?
("Pag kagising nya bumaba kagad sya ng kotse at pumunta dun sa inuupuan nya ngayon , sinubukan namin syang kausapin pero parang wala siya sa sarili")
Kawawa naman sya siguro na aalala nya si erika.
("Oyyy ! Tara na mag sipasok na kayo.")Sabi ni ken
Bumaba na kami ni chelsea ng sasakyan at napansin kong parang nasa bundok kami , tagong tago ang bahay nila.
Emir halika na dito!
Tumayo si emir at naglakad papunta sa direksyon namin.
Emir na walang ka emoemosyon sa mukha.
Lumapit ako kay ken
Ken dito pala bahay nyo bat parang anlayo sa mga ibang bahay?
("Hindi ito ang tunay naming bahay andito lang kami pag weekend , dito kami nag bobonding ng pamilya ko")
Ahhh.
("Good evening po sir . Ano po nangyari sa kamay nyo?")
Sabi ng maid na sumalubong kay ken.
("Ate glo. pakitawag naman si daddy ipapatingin ko lang tong kamay ko")
("Masusunod po sir.")
BINABASA MO ANG
Planet Z
Horror"Eto ang kwento ng mga Normal na magaaral sa United Havard Academy ngunit darating ang araw na di nila akalaing mangyayari" Kung saan antanging masisilayan nila sa mundong kanilang ginagalawan ay mga Taong walang Buhay . Makakaligtas kaya sila sa m...