Chapter 7

2.5K 64 33
                                        

Chapter 7

Ivy's POV

Ano ba yan ang ingay naman?! Umagang umaga may nakatok sa pintuan ng kwarto ko!

Inis na tumayo ako at tinungo ang pinto para buksan.

"What do you want?" Medyo papikit pikit ko pang tanong.

"Fix yourself. We need to talk." 'Yun lang ang sinabi niya at umalis na.

Umupo ako sa tapat niya.

Wala siyang sinabi at inilagay sa harap ko ang isang brown envelope. Alam ko na kung anong laman 'nun pero tinignan ko parin.

Annulment papers...

"I want you to sign those papers." Walang prenong sabi ni Bryce.

"Where's Sofie?" Tanging lumabas sa bibig ko.

"She went to California to fix her job. It will take two months before she came back. Why?" Takang tanong ni Bryce.

Two months? Kaya ko ito.

"Before I sign these papers, I want you to act like a loving husband to me in just two months. That's all." Sabi ko sa kanya at tinignan siya diretso sa mata. 

"What? Are you serious, Ivy?" 'Di makapaniwalang tanong ni Bryce.

"I'm serious here, Bryce. Do I look like I'm kidding?" Hindi niya ako sinagot.

"So I was saying, I won't sign these papers if you would not accept my deal." Tinatagan ko na ang boses ko.

Akin ka naman this past 5 years eh, 'bat hindi natin tapusin ang relasyon na ito, maramdaman ko man lang na naging akin.

Bumuntong hininga muna siya bago sumagot, "Sige, payag ako. Pero sa loob lamang ng dalawang buwan."

"Alam ko iyon. Marunong naman akong tumupad sa usapan. Pirmahan mo na 'yan para pirma ko nalang ang kulang."

Pinirmahan na niya ang annulment papers. Ayan na, malapit na kaming matapos.

"Oo nga pala. Congratulations, magiging tatay ka na." Halata sa boses ko ang pagiging sarkastika. "Kaya siguro gusto mo nang makipag hiwalay sa akin kasi magkakaroon ka na ng anak, masakit nga lang kasi hindi sa akin." Nakangiti ako ngayon ngunit hindi parin maiiwasan na tumulo ang luha ko.

Dali dali kong pinunasan ang luha ko. Mamaya sabihan pa niya ako ng madrama.

"Don't do anything with Sofie, Ivy. I'm telling you." Galit na sabi ni Bryce. Ano raw?

"What? Don't tell me you don't trust me? I can leave this marriage without causing any harm. Hindi ako ganoong tao." Hindi makapaniwalang sagot ko sa kanya.

"Oo, masakit sa akin na magkakaroon ka na ng anak sa ibang babae pero hindi sumagi sa isip ko na idamay ang bata sa problema ko sa inyo. Babae din ako, alam ko ang pakiramdam ng mawawalan ng anak." Mawalan ng anak? Hindi magkaka-anak kako.

"Okay na ang deal natin. Mag-ayos ka na ng sarili mo. Aalis tayo." Sabi ko sa kanya. Ngumiti ako sa kanya ng parang walang nangyari at tumayo na.

Balak kong pumunta sa amusement park. Nung hindi pa kasi nawawala ang alaala ni Bryce, madalas kaming pumunta sa amusement park na parehas namin gusto.


Marami rami na ang rides na nasakyan namin. Masasabi kong nag-enjoy naman si Bryce. Mabuti naman.

Kasalukuyan kaming kumakain ng cotton candy ng madaan namin ang Ferris Wheel. Nakapag picture kami dito ni Bryce noon nung hindi pa nawawala alaala niya. Saktong nakain pa kami ng cotton candy katulad noon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pitiful WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon