Chapter 1
After 5 years...
"Sana magustuhan niya to." Bulong ko sa sarili sabay lapag ng niluto kong almusal
Nakita ko namang naglalakad na siya pababa habang inaayos ang kanyang necktie. Ang gwapo talaga ng asawa ko.
"Bryce, kain ka muna ng almusal bago ka umalis." Sabi ko pero hindi niya ako pinansin at diretsong pumunta sa shoe rack namin tapat ng pintuan palabas.
"Di ka ba kakain man lang bago pumasok? Baka mamaya gutumin ka niyan sa trabaho mo." Sabi ko sa kanya sabay hawak sa balikat niya pero marahas niyang tinanggal ang kamay ko.
"Wag mo nga akong hahawakan! Baka mahawa pa ako sa kadumihan mo eh! Tsaka mas gugustuhin ko pang magutom kesa ang kainin yang niluto mo. Mamaya may lason pa yan eh. Patayin mo pa ako." Sabi niya sabay tumayo na. "Makaalis na nga dito. Nakakasuka yang pagmumukha mo. Buti pa sa office, puro sexying empleyado lang makikita ko."
Sabi niya sabay balibag ng pinto palabas
Eto nanaman tayo....
Pinuntahan ko ulit yung pagkain na naiwan sa dining room
Sayang naman yung pagkain...
Jusko. Di pa ako nasanay. Para namang sirang plakang paulit paulit yung buhay ko.
Palaging ganto ang set up
Mag luluto ako sa umaga pero hindi niya kakainin
Uuwi ng gabi na, may kasama pang babae.
Pag gigisingin ko siya para pumasok, sisigawan lang ako.
Hayyy.. I guess i'll give this to abandoned children.
Nilagay ko nalang muna sa topperware yung pagkain ni Bryce at umakyat na sa taas para maligo.
----
"Ate Ivy!!"
Sinalubong agad ako ng mga bata ng yakap at matatamis na ngiti
"Hello mga bata. Nakapag almusal na ba kayo?"
"Hindi pa po."
"Ay tamang tama! Samahan niyo akong kumain. So, tara na?"
"Sige po!"
---
Mga alas syete na ako ng gabi naka uwi pero wala parin si Bryce.
Asan nanaman yung lalaking yon? Hindi pa siya umuuwi. Baka gutumin na siya niyan.
Habang naghihintay ako sa salas bigla nalang nagbukas ang pinto.
Isang babaeng maganda't sexy ang pumasok. Akay akay ang aking asawa. Nagtatawan sila at parang hindi ako napansin..
Ano nanaman ang gagawin nila?
'Sira ka ba? Malamang gagawa nanaman sila ng milagro sa kwarto ng asawa mo' Sigaw ng utak ko
Oo nga naman. Alam ko na naman kung anong gagawin nila eh. 'Di na kailangang magtanga tangahan.
"Excuse me, MAID, pwedeng pakuha ng maligamgam na tubig at bimpo. Padala nalang sa kwarto niya. " Maid? Kanun na ba ako kamanang magdamet at natawag akong MAID? Pero di bale, sakyan nalang naten yung TRIP niya
"Sige po Ma'am. Andun po yung kwarto ni Sir sa kaliwa, pangalawa sa dulo." Pagtuturo ko sa kwarto ni Bryce
"I know. Di na kailangang ituro pa. Tss.. Bilisan mo na't kumuha ng mainit na tubig!" Sigaw niya sakin at umakyat na sa taas. Tss.. may gana pa akong tarayan, baka gusto niyang itapon ko sa kanya yung mainit na tubig sa mukha niya. Makikita niya.
BINABASA MO ANG
Pitiful Wife
General FictionShe is all alone. She wants to be happy. But what if her happiness give her nothing but pain? Will she stop? Or she will continue love him even if she suffer to much pain?
