Chapter 2

2.1K 48 1
                                    

Chapter 2

"WHAT?! Eh gago pala yang asawa mo eh! Nagawa pa niyang mag-uwi ng babae! Ang grabe pa dito, kinama pa niya! Aba! Baka hanggang ngayon hindi parin 'yon tumigil ha!" Sigaw ni Mauie ng ikwinento ko lahat sa kanya. Oo, lahat lahat. Simula kaninang umaga hanggang sa pag-alis ko.

"Ano ba 'yan Mauie.. Parang first time mo namang marinig yung kwento ko. Eh halos araw araw ko na ngang naikekwento sayo yung ganyang bagay eh.." Yes, araw araw po. Kaya nga may eyes bags na ako eh. Alas dose na kasi ako natutulog.

"Eh ayun na nga eh! Araw araw mo na ngang kinukwento yan eh, ibig sabihin araw araw narin 'yang nangyayari. Sabihin mo nga, diba nagsasawa ka na sa kakasermon ko kasi paulit ulit nalang? Ikaw, 'di ka ba nagsasawa diyan? Araw araw nalang Ivy. Syempre, bitaw bitaw rin pag may time" Naiinis niyang saad. Hayy.. Kung pwede lang Mauie. Kung pwede lang...

"Mauie naman.. Alam mo namang.. " Hindi na natuloy yung sasabihin ko kasi pinutol na niya ito

"Ano? Ganto ba sasabihin mo? "Alam mo namang mahal na mahal ko yung asawa ko diba?" o "Alam mo namang 'di ko kayang iwan yung asawa ko, diba?" Ano? Alin 'dun?" Sarkastikong sabi niya. "Yung pangalawa" Nakayukong sabi ko.

"Hay Ivy, 'di ka ba naaawa sa sarili mo? Ako kasi awang awa na. Ivy, bumitaw ka na. Limang taon narin ang nakalipas. Sabihin nating ikaw ang dahilan kung bakit naghiwalay si Chammy at Bryce. Pero kung hindi parin maka move on si Bryce, ikaw nalang. Lumayas ka na sa bahay niyo at umalis na. Please, Ivy" Sabi ni Mauie sabay hawak sa kamay kong nasa ibabaw ng lamesa

Dahan dahan ko naman inalis yung kamay kong nasa ibabaw ng lamesa dahilan para matanggal sa pagkakahawak ni Mauie

"Mauie..."

Bigla namang pinalo ng malakas yung table na ikinagulat ko.

"BWISET! Bwiset Ivy! Ano, sorry nanaman?! Palagi nalang Ivy! Pwede ba Ivy, kahit minsan mag-isip ka naman. Palagi nalang kasi puso yung pinapagana mo eh!"

Nanahimik na muna kami saglit ni Mauie. Pero maya maya nagsalita ulit siya

"Ivy, pwede kahit ngayon lang? As in ngayon lang. Try mo namang dedmahin yung magaling mong asawa? Please naman, kahit ngayon lang." Pagpapakiusap ni Mauie sakin.

Matagal tagal din akong nagisip pero alam ko na ang sagot ko

"I'll try.."

Pauwi na ako sa bahay. Pagbukas ko ng pinto, nakita kong nakaupo si Bryce sa sofa habang nanonood.

Gaya nga ng sinabi ni Mauie, dinaanan ko lang siya.

"Where have you been?" Tanong ni Bryce na ikinatigil ko.

"Diyan lang.." Tipid kong sagot at tinuloy ko ang paglakad paakyat.

"TINATANONG KITA NG MAAYOS! Asan ka galing?!" Hindi ko napansing nasa likod ko na pala si Bryce at  mahigpit na hinawakan ang braso ko.

Sa sobrang inis ko sa kanya, agad ko namang iwinaksi ang braso ko at inis na hinarap siya

"Bwiset naman oh! Galing ako sa 7Eleven! Nakipagkita ako kag Mauie. Nakakahiya naman kasi, may nangyayari na kasi duon sa inyong dalawa at tingin ko sarap na sarap na kayo kaya naiisipan ko munang umalis para hindi makaabala. Oh ano, masaya ka na?!" Inis na sagot ko sa kanya. Minsan kasi nakakainis na siya eh!

"Ah ganon? Marunong ka nang lumaban ha? Gusto mo bang makatikim ha?!"

Dahan dahan kong tinangga yung pagkakahawak ko sa kanya.

"Hayy.. Bryce, pwede ba? Ipagpa bukas mo nalang yan. Ayoko na. Di ko na kaya. Pagod na ako.." Sabi ko sa kanya at pumunta na sa kwarto ko.

Hayyy.. Siguro matutulog nalang ako. Ayoko munang mag-isip ng bagay bagay..

Pagdating ko sa kwarto at patalon akong humiga.

Hayyy.. Isang nakakapagod na araw.

*ring ring*

Ay, bat may tumatawag parin?

Calling Yaya Meny..

Luuh? Bat tumatawag si Yaya ngayong alas dose ng gabi?

Sinagot ko ito at nilapit ang telepono sa tenga ko.

"Oh ya? Bakit po kayo napatawag? Gabi na po ah. Bakit gising parin kayo? Baka po mapano kayo." Nag-aalalang sabi ko kay Yaya.

"Ivy Anak, s-si Madame.." Tukoy ni Yaya kay Mommy

Bigla naman akong napabangon ng binanggit ni Yaya si Mama

"Bakit po?! Anong pong nangyari kay Mama?!" Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Bigla ko narinig sa kabilang linya ang biglang hagulgol ni Yaya.

"Y-yaya naman e-eh. S-sabihin mo na. P-please?" Naluluha narin ako. Paano nalang kung... Hindi! Hindi.. malakas si Mama.

"Sinugod siya sa ospital dahil sa sakit sa puso niya. Iha! Pumunta ka rito. Kailangan ka ng Mama mo. Kahit ngayon lang anak. Kahit ngayon lang. Sige na anak." Pakiusap ni Yaya.

Bigla akong nakonsyensya. Kung hindi dahil sakin, hindi masusugod si Mama sa ospital. Dahil siguro sa pagaalala niya sa akin nasugod siya sa ospital.

Limang taon narin kasi akong hindi bumibisita at nakikita  si Mama.

"Opo Yaya. Pupunta ako. Pakitext nalang po kung saang ospital po." Sagot ko habang nagaayos

"Sige Iha. Maraming salamat Iha."

"Sige po." Tapos binaba ko na.

Lumabas na ako sa kwarto ko at pumunta sa kwarto ni Bryce.

Kumatok ako ng tatlong beses at narinig kong sumigaw si Bryce ng pasok kaya binuksan ko ipinasok ko ang ulo ko.

"Ahmm. Bryce, pwede paheram ng susi sa kotse mo?" Tanong ko. Sana payagan ako. Sana..

"Hindi." Mabilis at malamig na sabi ni Bryce

"Ano?! Utang na loob naman Bryce oh! Kahit ngayon lang naman eh! Pagbigyan mo naman ako! Please!" Pinagdikit ko na yung dalawa kong palad.

"Ano?! Pag pinahiram ko sayo pupunta ka sa Lalake mo?! Pagsinabi kong hindi HINDI!" Galit na sigaw ni Bryce. Hanggang ngayon ba naman ganyan ang iniisip niya?

Bigla nalang akong napahagulgol sa sinabi ni Bryce. Hindi dahil sa sakit ng sinabi niya. Kundi dahil sa pagtatalo namin. Paano kung hindi ko na maabutan si Mama? Madadagdag nanaman yung galit sakin ni Papa.

"Bryce naman! Nasa ospital si Mama! Kailangan ko siyang puntahan. Tsaka bakit mo ba ako inaakusahan ng mga bagay na hindi ko naman gawain?" Natahimik naman siya

Hayy.. Kung ayaw niya, wag niya. Hindi ko aaksayahin ang oras ko sa kanya.

"Sige. Naiintindihan kita. Magcocommute nalang ako. Thank you nalang." Sabi ko tapos sinara ko yung pintuan niya at lumabas na ng bahay.

Mag tataxi nalang ako. Sana naman hindi pa huli ang lahat.

-------

A/N

Hi guys! Im baccck! Sorry sa mahabang paghihintay. Lol :p

Pero dont worry guys, maybe once a week na ako mag aupdate.

Thank you sa mga nagcocomment :)

- Azamiii

Pitiful WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon