Chapter 6
Nasa tabi ng dagat ang mag-asawa, sabay silang naglalakad pauwi.
"Mahal, buti't nakabili tayo ng bigas at ulam bago dumilim. Kainin mo ito mamaya lahat para sa iyo at sa magiging anak natin." Sabi ng lalaki sa kanyang asawang buntis at hinaplos pa ang kanyang tiyan.
"Grabe ka naman sa akin, Mahal. Parang pinapalabas mo pang matakaw ako." Nagtatampong sagot ng Babae.
"Ikaw naman, Mahal. Kahit ikaw pa ang pinakamatakaw na babae sa mundo, ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko." Sabi niya sa kanyang asawa at hinalikan pa sa labi.
"Talaga? Sabi mo iyan, Mahal ah." Nakangiting sabi ng babae at lumingkis pa sa braso ng asawa.
Dumako ang tingin ng babae sa dagat ng may mapansin siyang babaeng naglalakad sa dagat papuntang kalaliman.
"Mahal, tignan mo yung babae oh. Mukhang magpapakamatay ata!" Nag-aalalang sabi ng babae tapos itinuro ang babaeng patuloy paring naglalakad.
"Ano ba naman yang iniisip mo, Mahal. Siguradong maliligo lang yan." Sagot naman ng lalaki at magpapatuloy na sana sa paglalakad pero pinigilan siya ng asawa niya.
"Sinong matinong tao ang maliligo sa gantong oras?! Tara nga't lapitan natin!" Hinila na ng babae ang kanyang lalaki papunta sa pampang ng dagat. Napakamot nalang ng ulo ang lalaki.
"Miss! Miss! Delikado na diyan! Baka mapano ka!" Sigaw ng babae sa babaeng nasa dagat ngunit tila yatang wala itong naririnig.
"Miss! Miss! Uy Miss, delikado na diyan! Baka anurin ka ng alon. AY! MISS! MISS, ASAN KA NA! Mahal, bilisan mo. Sagipin mo yung babae dun. Bilis!" Pinilit ng babae ang lalaki na lumusob na sa dagat para sagipin ang babae.
"Ehh. Ayoko nga. Mamaya ako naman ang anurin ng alon eh!" Sagot ng lalaki na agad naman naka tanggap ng batok galing sa asawa.
"Magpakalalaki ka nga! Tulungan mo yung babae! Kahit minsan nga magkaroon ka naman ng malasakit sa asawa mo! Bilisan mo! Baka tuluyan na yun malunod at anurin ng alon!" Hindi na nakapagpigil ang lalaki at sinunod nalang ang utos ng asawa.
Swerte't naligtas ng lalaki ang babae ngunit wala itong malay.
Inuwi ng mag-asawa ang babae sa bahay nila at hinintay na magkamalay ito.
Bryce's POV
Andito ako ngayon sa mini bar namin sa bahay at umiinom. Gabi na, asan na kaya si Ivy?
Bakit ko pa nga ba iniisip ang babaeng yun. Baka mamaya naisipan na 'non na iwan ako. Mabuti naman kung ganoon. Pero bakit parang may naramdaman akong kurot sa puso ko?
Nagulat ako ng may pumulupot na braso sa leeg ko habang hinahalikan ang tenga ko.
"Babe, anong oras na. 'Bat ayaw mo pang umakyat?" Bulong ni Sofie sa tenga ko.
Hinarap ko si Sofie at hinalikan. Tumugon naman siya sa halik ko.
Hindi nagtagal ay bumitaw ako sa halikan namin.
"Mabuti pa't ituloy natin ito sa taas." Bulong ko sa kanya habang tinitignan siya sa mata.
Hindi na siya sumagot at pumunta nalang kami sa kwarto para ituloy ang dapat ituloy.
Ivy's POV
Unti unti kong iminulat ang mata ko. Una'y malabo ang paningin ko pero kalaunan naman ay luminaw na ito.
Nasaan ako? Hindi ito ang bahay namin Bryce dahil hindi gawa sa kawayan ang bahay namin.
Napa balikwas ako ng bangon at muling iginala ang tingin ko sa buong bahay.
BINABASA MO ANG
Pitiful Wife
Fiksi UmumShe is all alone. She wants to be happy. But what if her happiness give her nothing but pain? Will she stop? Or she will continue love him even if she suffer to much pain?
