Chapter 5

1.4K 34 1
                                        

Chapter 5 


Ivy's POV


Nagising ako ng maaga. Syempre, buhay ng may asawa. Kailangan  paghandaan ang kanilang asawa. 

Pero pagkababa ko may tao na sa kusina. Si Sofie...

Tumigil ako sa likod ni Sofie. Naramdaman niya siguro na may nakatingin sa kanya kaya lumingon siya sa akin.

"Oh, ikaw pala Ivy. Good Morning. Ako na nagluto ng almusal kasi sabi ni Bryce namiss na niya luto ko. Upo ka muna diyan, malapit na ito." Sabi ni Sofie. Sinunod ko naman siya. 

Mabait naman si Sofie, maldita nga lang...

"Sofie, pwede bang magtanong?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah, sure. Ano yun?"

"Kailan pa naging kayo ni Bryce?"

Natigilan siya. Parang nag-iisip pa.

"Hmm.. Bago kayo ikasal, kami na. Bakit mo natanong?" Nang-aasar na tanong sa akin ni Sofie.

Bago kami ikasal? So it means matagal tagal na rin yung relasyon nila. Aray...

"W-wala.." Tanging sagot ko nalang.

Nakarinig kami ng yabag ng paa pababa. Gising na ata si Bryce!

"Good morning, Bryce!" Masiglang bati ko. Pero nilagpasan lang niya ako. At dumiretso siya kay Sofie...

"Good morning, Babe." Bati ni Bryce kay Sofie tapos hinalikan niya pa sa lips.

Niyakap ni Sofie si Bryce tapos binati niya pabalik. Nakangising tumingin sa akin si Sofie. 

Kung pwede ko lang higitin yung buhok ng bruhang yun ginawa ko na eh. Kaso andito si Bryce, baka sumama tingin niya sa akin. Masama na mga papasamain ko pa.

"Babe look, nagluto ako para sa iyo oh." Sabi ni Sofie habang pinapaupo siya sa isa sa mga upuan.

"Talaga, Babe? Nako, siguradong masarap yan kasi ikaw yung nagluto." Nakangiting sagot ni Bryce. Bakit kapag kay Sofie ngumingiti sita? 'Bat sa akin hindi?

"Tara, umupo na tayo. Ivy, sabay ka na sa amin." Alok niya sa akin tapos umupo na rin siya sa silya katabi ni Bryce.

Sumunod nalang ako sa kanila para hindi ako magmukhang bastos. Magalit pa sa akin si Bryce. 

Habang nakain ako, nagsusubuan si Sofie at Bryce. Parang sila ang tunay na mag-asawa kung titignan mo sila. 

"Bryce, magpapaalam lang sana ako. Pupuntahan ko si Mommy mamaya sa Hospital, pwede ba?" Malumanay na paalam ko sa kanya. 

"Do what you want, Ivy. I don't even care." Malamig na sagot ni Bryce.

Ngiti nalang ang sinagot ko.


Tapos na ako maghanda at ready to go na ako. Kinuha ko na yung sling bag ko tapos lumabas na ako.

Lalagpasan ko na sana yung kwarto ni Bryce pero may naririnig akong kakaibang ingay.

Nilingon ko ang pintuan ni Bryce at naiwan itong naka bukas ng konti. Lumapit ako doon at sinilip kung anong nangyayari. 

Sana pala hindi ko nalang sinilip...

"Bryce, ano ba. May pasok ka pa eh." Malanding saad ni Sofie.

Pitiful WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon