9

116 7 4
                                    

Maria Selena Ocampo

I started the day early for packing my things para sa pag-uwi ko ng Baguio. Medyo madami din akong damit dito since wala namang prescribed uniform sa PPSU.

I was able to pack my things in one small luggage, one huge backpack, and my trusted duffel bag.

Nag-paalam na ako sa landlady and returned the keys. Ni-refund ko na din yung advances at deposits ko noon na hindi ko din na-consume.

Nag-taxi na ako papunta sa bus terminal. Ay hindi, I bought some snacks first to keep me satisfied. Mahabang biyahe kasi 'to, mahirap nang magutom.

I'm happy na hindk ganun ka-haba yung pila sa bus. After I bought a ticket, hindi pa nag-iinit yung pwet ko sa upuan, pinasakay na agad kami sa bus.

After I've settled, and lucky me sa tabing bintana ako na-upo, I messaged Mommy and told her that I'm already on my way home to Baguio.

Tinext ko na din si Pash na uuwi na ako sa'min.

Tapos tinawagan ko na sila tita sa Baguio.

"Hello, Mama?" I said.

"Hello, Selena?" Spoke a mid-aged woman from the other line. "Oh kumusta na?"

"Pauwi na po ako," I informed my auntie. "Nakasakay na po ako ng bus."

She sounded surprised with her gasp. "Hindi ko naalala na ngayon ka nga pala uuwi! Nako!"

Tinawanan ko siya. "Sus, kunwari pa po kayo. Di ko naman kayo sinabihan kung kelan ako uuwi."

Natawa si Mama sa kabilang linya. "Ito naman, kill joy."

Aba at nasabihan pa ng KJ! Napatawa ako.

"O siya sige 'nak. At lilinisin na namin yung kwarto mo dito. Lulutuan na din kita ng hapunan, ha?"

I nodded kahit hindi niya kita. "Sige po. Thank you po, Ma."

"O sige mag-iingat ka ha? Mag-text o tumawag kung nasaan na para masundo ka ni Cholo sa terminal," she said. "Ingatan ang mga gamit. Ang cellphone at wallet, wag ilalabas lang kung saan. Mag-cr at kumain ka din kapag nag-sstop over ang bus ah? Mag-iingat," litanya niya sa mga bilin niya.

Pareho talaga sila ni Mommy.

Tumango nalang ako at um-opo saka binaba yung tawag.

Tinext ko nalang din si kuya Cholo, panganay ni auntie, para alam niya na uuwi na ako since siya daw ang magsusundo sa'kin mula sa terminal.

After some more minutes of waiting, we went on the road.

And after the long hours of travel, nakarating din ako ng Baguio. Agad kong tinawagan si kuya Cholo na pumunta na ng terminal dahil malapit na ako.

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon