Maria Selena Ocampo
I managed to get my mind focused on my studies matapos noon.
Nakwento ko din kay Pash yung--how should I be calling it ba? Date? Meet and greet? Jusko naman.
Right now, nagpapaka-genius muna si Pash dahil midterms week na din nila. Mangiyak-ngiyak pa siya noong hell week nila.
After ng class ko ngayong araw, nag-stay muna ako sa isang malapit na computer shop, one that's open for research and other non-games related activities, para makausap si Mommy.
Hindi ganun katagal nang makita ko na online na siya at maya-maya ay tumatawag na siya sa'kin.
"Hi anak," she greeted me. In-on niya kaagad yung video call kaya ganun din ang ginawa ko.
"Hi My. Kumusta?"
Naka-open lang yung webcam niya habang palakad-lakad siya sa tinutuluyan niya sa London. "My maupo ka nga," sita ko sa kanya.
"Hindi sige lang, nagbibihis lang ako," sigaw niya mula sa banyo. "Kumusta ka na?"
I sighed. "Okay lang. Katatapos lang ng exam week namin."
Naupo na siya sa harap ng camera at ngumiti sa'kin. "Oh how was it? Good?"
I nodded. "Okay naman. May dalawa akong highiest."
Kumunot yung noo niya. "Dalawa lang?"
Kumunot din noo ako. "Aba mahirap naman kaya yung iba," nguso ko.
Tumawa agad siya. "Joke lang. Good yan, 'nak. I'm always proud of you."
Napangiti ako. "Thank you, My."
"Oh wala ka bang bagong kwento?" She suddenly asked. Sumubo muna siya ng ice cream bago uli nagsalita. "Boylet? Wala?"
"Pag meron, ano gagawin mo?" I teased.
Nakatuon siya sa cup ng ice cream niya nang magsalita siya. "Patitigilin ka na sa pag-aaral," seryoso niyang sabi.
Napatigil ako. Shit. Napamura ako sa isip ko. Hala, lagot.
Tumingin siya sa screen. "Joke!" Tumawa siya. "Eh diba sinabi ko naman na sayo nun, I'm fine with you entertaining suitors. And, I won't mind if you'll have your boy friend na. You're old enough for that. Atsaka, I trust your standards anak. Alam ko namang hindi kung sino-sino lang yang jojowain mo."
Ngumiti ako sa kanya. Whoo, that was close. Akala ko malalagot na ko.
Eh teka, bakit ba kung umasta ako, parang guilty? Eh wala naman akong tinatago kay Mommy.
"Basta wag ka muna mag-aasawa," habol niya.
I tsk-ed. "Matagal pa yun. Atsaka, diba magpapayaman muna tayo."
She laughed. "Oo, at pauuwiin mo muna ako. Naintindihan mo?" Pa-tapang niyang tanong.
"Opo," sakay ko sa tapang-tapangan image niya.
"Oh, so meron nga? Ano pangalan? Is he handsome? O baka naman activist yan from your school? Talamak yan sa inyo." Tapos nanlaki mata niya. "Don't tell me, member ng frat yan? And then nag-oblation run na siya? Jusko, anak! Wag naman ganun!"
I made a face sa ka-praningan niya. "Magtigil ka nga My. Masyado kang praning," aburido kong kumento.
"Hindi, okay?" I said. "Hindi. Hindi sa lahat ng akala mo."

BINABASA MO ANG
It Might Be You
RomansaThis is a 'how it is to be in a relationship' kind of story Written by request Written for MarcelliVictoriene