7

120 9 14
                                    

Maria Selena Ocampo

"OMG, kinakabahan ako," halos pang-sampong beses na sabi ni Pash habang naghihintay kami dito sa dorm ko ngayon.

"Baka sungitan ako!" Bulalas niya. Kung sabagay, she doesn't really do well with the suplado types. Kaya gusto niya yung mga playful, friendly, for short, the total opppsite of my type of guys.

"Hindi yan," sabi ko nalang. "Hindi naman siya suplado."

"Baka sa'yo lang," irap niya. Napa-angat ako ng tingin ko sa kanya sa sa salamin. "Ano? Syempre bet ka nun, hindi talaga yun magsusuplado sa'yo."

I just shook my head at what she said. I was busy finding my umbrella. Fibrella pa man din yun. Mahal bili ko dun.

"Have you seen my umbrella?" Tanong ko kay Pash.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Bat mo naman hahanapin sakin payong mo? Di ko nga alam itsura nun eh."

I just rolled my eyes at her. Walang kwenta.

"Huy pero what if di siya pumayag na isama ako?" Kung makapag-alala naman 'to, akala mo parang batang magpapa-ampon eh.

"Edi wag siya pumayag. Problema ba yun?" I said, as a matter of fact. "Atsaka kung ayaw niya na kasama ka, edi sa'yo ako sasama. Tayo ang mag-date ngayon."

Naupo na ako sa swivel chair ko at hinarap siya na prentang-prentang naka-upo sa kama ko.

"Ginawa mo pa talaga kong rebound. Walangya ka," she replied.

"Arte mo," busangot ko sa kanya.

Not long after that ay may nadinig kaming busina mula sa baba ng building. Syempre binalewala lang namin yun. Malay ba namin kung sino binubusinahan nun.

"Uy, yan na ata," bulong ni Pash. Tapos nag-ring yung phone ko and saw Lucian's name flashed on my phone.

Napatingin ako kay Pash na inaabangan yung susunod kong gagawin. Tapos sinagot yung tawag.

"Hi," bungad niya. "Andito na ko sa baba ng dorm mo."

I'm really, really confused kasi the way he sadi that, parang kinulang ng endearment sa dulo. Di niya pa sinagad hanggang 'Andito na ko sa baba ng dorm mo, luv' ganon ba.

I nodded. "Sige, I'll be there in a bit. Wait lang," tapos I ended the call. Niyaya ko na agad si Pash na bumaba. Bahala na yung payong ko. Hindi naman siguro uulan.

Parang naka-asukal si Pash sa sobrang likot. Hindi daw kasi siya mapakali, pero naeexcite siyang ma-meet si Lucian. Ewan ko dyan, baliw.

From the lobby of our building, nakita ko na si Lucian na nakatayo sa labas ng sasakyan niya. And even from afar, I can sense his appeal even with his simple but striking casual get up. Ang lakas maka-good boy ng outfit niya. Maroon na polo shirt tapos black na casual men's shorts tapos naka white siyang Adidas, I guess, na rubber shoes.

He was looking around, busy focusing on other things, nang bigla siyang napaharap sa direction ko at napangiti.

So I did the normal thing, nginitian ko din siya. Medyo nabalewala ko na nga si Pash na kanina pa ako dinadaldal.

And when we reached Lucian, natahimik bigla si Pash. Oh ano na, san na napunta lahat ng daldal niya?

"Hi," bati ni Lucian tapos he was leaning forward tapos na-tuod nalang ako dahil sa gulat as he planted a soft kiss on my cheek.

Nanlaki yung mata ko nang humiwalay siya at humarap samin. Napatawa siya sa nakita niyang reaksyon ko. Natutuwa siya na naapektohan ako sa mga pinaggagagawa niya, ganun ba yun?

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon