Chapter One: Flowers and Chocolates

435 16 10
                                    

"FREYAAA!" Malakas at masiglang sigaw ni Catania habang tumatakbo papunta sa table ng kaibigang si Freya.

"Ay! Ang ingay mo, Ania." Iritang sabi ni Freya. Umalis na nga siya sa classroom dahil sigaw ng sigaw yung mga kaklase niya, hindi rin pala siya ligtas dito!

Ngumuso si Catania. "Naman! Ang mean mo, Freya!"

Nasa harapan na niya ang kaibigan. "Oh, Ania! Hello!" Bati ni Zero.

"Hey, Zero!"

"Hello, Ania." Bati naman ni Silver. Isa siya sa mga matalik na kaibigan ni Freya.

Nag-uusap sila ngunit hindi sila CLOSE.

"Hello, Silver." Nakangiti niyang bati.

Tuwang-tuwa si Silver dahil bumati sa kanya si Catania. Minsan lang bumati si Catania sa mga lalake at buti na lang eh, bumati pabalik ang babae.

Isa si Silver sa mga lalakeng lihim na nagkakagusto kay Catania.

Isa siyang heattrob sa school pero ni hindi niya magawang mag-confess sa isang babae. Hindi rin siya tumitingin sa ibang babae dahil na kay Catania lang ang atensyon nito.

"Uy, Freya! What time na ba?" Parang batang tanong ni Ania sa kaibigan.

Tumingin naman sa orasan si Freya. "Oras na para umalis ka sa harapan ko! Layas!" Ang buong akala niya eh, sasagutin ni Freya ang tanong dahil tumingin pa talaga ito sa orasan, UMASA SIYA.

"Freya naman! Umayos ka nga!" Nakanguso pa rin si Ania.

Freya rolled her eyes at tinignan ang babae. "12 pm na. Bakit? Gusto mo na naman umuwi noh?" Kilalang-kilala ni Freya ang kaibigan. Kapag nagtatanong ito kung anong oras na, ibig sabihin gusto nitong umuwi dahil may bago na naman itong na-discover na anime.

Tumango si Ania. "Papanoorin ko sana yung Assassination Classroom eh. Bagong labas lang yun."

"Che! Anime na naman. Lagot ka talaga kay Kuya Levi kapag bumagsak ka na naman sa test natin!" Si Kuya Levi ang nakakatandang kapatid ni Catania. Nasa bahay ito ngayon  ngunit babalik din agad sa States dahil sa trabaho.

"Naih! Sige na! Hindi na ako uuwi!" Nakasimangot siyang umupo sa tabi ni Zero. Na-dissapoint naman si Silver. Sana sa tabi na lang niya umupo ang dalaga.

"Ay! Oo nga pala," may kinuha si Freya sa ibabaw ng mesa. "Pinapabigay ng isa sa mga admirer mo." Ang inilabas niya ay isang imported na chocolate at isang bouquet ng bulalak.

Walang gana niyang kinuha kay Freya ang bulalak at chocolate. "Admirer? Ibig sabihin, gwapo?" Tanong niya at kinuha ang iniinom ni Freya na juice at siya naman ang uminom nito.

"Oo. At sa susunod, pwede bang bumili ka na ng sarili mong juice!" Hindi niya pinansin ang kaibigan.

Tinignan niya ang mga ito. Maganda sana ang mga bulaklak kaso pwede naman siyang magpabili eh.

Nakita niya ang subject teacher niya na pumasok sa cafeteria. Bigla na lang siyang may naisip!

Tumayo siya at nilapitan ang guro. "Ma'am Alfredo!" Tawag niya. Lumingon sa kanya ang guro at ngumiti. Inabot niya rito ang bouquet of flowers na hawak niya. "Diba po, mahilig kayo sa bulaklak? Sa inyo na lang po ito, Ma'am!"

"Talaga, Ms. Ferrer? Naku, salamat ah!" Tuwang-tuwa na kinuha ng guro ang mga bulaklak kay Ania habang ngiting-ngiti naman si Ania dahil nabawasan yung bitbit niya.

Nakangiti siyang bumalik sa table. Hindi makapaniwala sina Freya, Zero at Silver dahil basta-basta na lang nito binigay ang mga mamahaling bulaklak sa kanilang guro. Wala lang ba talaga sa kanya ang mga ginagawang efforts ng mga lalake?

"Oh, bakit mo binigay yung bulaklak?" Tanong ni Freya.

"Dagdag bitbit lang yun. At alam mo namang hindi ko hilig ang mga ganung bagay." Sagot nito.

"Eh, paano na iyang chocolate?" Tanong ni Freya sabay turo sa chocolate na nasa harapan nila.

Napaisip sandali si Ania. "Sayo na lang." Seryoso niyang wika.

Umiling si Freya. "I hate chocolates."

Sunod naman niyang tinignan si Zero. "Ikaw, Zero? Gusto mo?" Tanong niya. Umiling lang si Zero.

Huli niyang tinignan si Silver. "Ikaw, Silver? Gusto mo ba ng chocolate?" Nakangiting tanong ni Ania.

Napaiwas naman ng tingin si Silver. Gusto niya sana kunin ang bigay na chocolate ng dalaga ang kaso, nanggaling pala ito sa mga karibal niya.

"Hindi na, Ania. Salamat na lang." Nakangiti siya habang sinasabi ito.

"Ganun ba..." malungkot naman siyang umupo ng maayos sa upuan.

Pero nagliwanag ang mukha niya nang makita ang nakababatang kapatid na si Kent. Third year high school pa lamang ang kanyang kapatid at mas matangkad ito sa kanya at kay Freya.

"Kent!" Nakangiti niyang tawag sa kapatid.

Nakasimangot namang tinignan ni Kent si Ania. Ayaw niya sa pagiging hyper nito. Kilala si Kent bilang isang cold, walang pakialam sa mundo at napakasuplado sa mga babae.

"Ano na namang kailangan mo, Ate?" Iritang tanong ni Kent pagkalapit ng kanyang kapatid. Mukhang hindi bagay na tawaging ATE si Ania dahil mukhang MAS mature pa siya kesa sa Ate niya.

"Oh, sayo na lang." Inabot niya dito ang chocolate.

Tinignan ni Kent ang chocolate. At alam na niya kung saan ito nanggaling. Hindi siya nagdalawang-isip na kunin ito sa kapatid.

Tuwang-tuwa si Ania dahil kinuha ni Kent ang chocolate. Pero...

"NICO!" Tawag ni Kent.

Lumapit naman sa kanila si Nico. Si Nico ay matalik na kaibigan ni Kent. Opposite nga lang sila. Si Kent, suplado habang si Nico naman, makulit at masayahin.

Tinapon ni Kent ang chocolate kay Nico na ikinatuwa ng kaibigan. "Uy, chocolates! Salamat dito, Kent!"

"May kailangan ka pa ba, Ate?" Tanong niya sa kapatid.

Malungkot namang umiling si Ania. At parang zombie habang naglalakad pabalik sa table.

"Bakit sa dinami-dami ng tao dito sa cafeteria, sa kapatid mo pa binigay yung chocolate? Alam mo namang walang hilig si Kent sa mga ganyan eh." Wika ni Freya nang makabalik si Ania sa table.

"Yun na nga eh. Pareho kaming walang hilig sa chocolates. Eh, kanino ko pa ibibigay yun? Eh, ayaw niyo ngang tanggapin nung binibigay ko sa inyo!"

Inakbayan naman siya ni Zero na ikinaselos ni Silver. "Alam mo, Ania. Kapag may nagbibigay ng ganyan sayo, 'wag mong balewalain."

Sumimangot si Ania. Ang gusto niya lang kasi talaga, manood ng anime! Yun lang! Sapat na yun sa kanya.

"Bakit nga pala, nire-reject mo yung mga nanliligaw sayo, huh?" Tanong ni Freya sa kaibigan. Hanggang ngayon kasi, wala pa itong nagiging boyfriend na TAO. Puro ANIME.

"May iba kasi akong gusto." Nahihiyang sagot ni Ania. Oo. May gusto siya. Hindi anime kundi tao.

Napatingin naman bigla si Silver kay Ania. Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw niyang mag-confess dahil natatakot siyang ma-reject. Posible yun lalo na't may gusto na pala itong iba.

"Talaga? Tao ka rin pala talaga."

"Tao naman talaga ako nuh! Alam mo kasi, life would be so easier if only fictional characters exist."

"Sus! Kahit ilang beses mong hilingin yan, it won't happen." Sabi ni Freya.

Bumuntong-hininga si Ania. Oo na. Alam naman niya eh. "Sige na. Balik na ako sa room. Balik na rin kayo, kung gusto niyo." Wika nito sabay talikod at naglakad na palabas ng cafeteria.

His Otaku CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon