Chapter Six: They'll help you!

118 11 0
                                    

Pagkatapos magpaalam nina Silver kay Ania, pumasok na sila sa loob ng kotse.

Tahimik lang sila nang biglang magsalita si Silver.

"Umm... Zero, Freya..." tawag niya sa mga ito. Lumingon naman ang dalawa at tinignan si Silver.

"Uhh... about dun sa sinagot ko sa inyo kahapon... about dun sa babaeng gusto ko..." yumuko ito dahil nahihiya.

"Oh? Yung sinabi mong Althea? Ano naman?" Tanong ni Freya.

"Bakit? Ipapakilala mo na ba samin?" Tanong ni Zero.

Umiling si Silver. "Umm... the truth is..." Aaminin na niya sa mga kaibigan ang totoo niyang nararamdaman para kay Ania. Nagi-guilty siya dahil nagsinungaling siya sa mga ito. "Hindi talaga si Althea yung gusto ko." Amin niya.

Namilog ang mga mata nina Freya at Zero. Kaya kahit nasa kotse, tumayo sila at nilapit ang mukha kay Silver.

"Eh, sino ang gusto mo?" Tanong ni Freya.

"Oo nga. Don't lie. Yung Campus Princess nuh?"

Umiling siya ng paulit-ulit kay Zero. Bakit ba nito pinipilit ang Campus Princess sa kanya? Hinding-hindi niya magugustuhan ang babaeng yun dahil ang yabang.

"Of course not! Si ano..." bigla niyang naramdaman ang pag-init ng kanyang magkabilang pisngi.

"Si Catania nuh?"

Nagulat siya at napatingin kay Freya. Nakangiti lang sa kanya.

"P-Paano mo nalaman?" Gulat na tanong niya.

Mas lumawak ang ngiti ni Freya. Kahit si Zero, napapailing na lang ngunit ngingiti-ngiti.

"Alam ko na simula pa lang." Sabi ni Freya.

"Si Freya lang pala! Naku, bro! Mahihirapan ka sa babaeng yun! Alam mo namang mas mahilig sa fictional characters yung kaibigan nating yun!" Sabi ni Zero at inakbayan pa si Silver.

"I know. Dun nga ako mahirapan eh." Napakamot naman ng batok si Silver.

"Don't worry!" Sabay silang napatingin kay Freya. "We'll help you!" Naka-thumbs pa si Freya.

"Oo nga!" Nag-bro fist yung dalawa. Napangiti na lang si Silver.

Oo nga naman—They'll help you.

--

"FREYA!" Walang ganang napalingon si Freya sa tumawag na si Ania.

"Hmm... ano?" Tanong niya habang kumakain ng lollipop.

Nasa cafeteria silang tatlo ngayon nang biglang dumating si Ania.

Ngumiti ito sa kanya. "Samahan mo ako sa labas! Magpapa-print ako ng picture ni Zen!"

"Ayoko." Bigla niyang tanggi. Bukod sa ayaw niyang lumabas, may inisip siya bigla.

"Ehh?! Bakit naman?!" Gulat na tanong ni Ania at napapalo pa sa table.

Kailangan na niyang lumabas dahil malapit-lapit nang mag-time! Ayaw niya ring lumabas ng mag-isa dahil natatakot siya.

Tumingin si Freya kay Silver at napangisi ng palihim. "Si Silver na lang ang isama mo."

Bigla na lang nabilaukan si Silver dahil sa narinig. Nataranta siya at hindi mapakali. "B-Bakit a-a-ako?!" Nauutal niyang tanong habang turo-turo ang sarili.

"Ikaw na p—" naputol yung sasabihin ni Freya.

"Halika na, Silver!" Kinuha bigla ni Ania ang kamay ni Silver at hinila ito palabas ng cafeteria.

Ramdam na ramdam ni Silver ang pag-init ng pisngi niya at ang pagbilis ng tibok ng puso niya habang nakatingin sa kamay niyang hila-hila ni Ania.

"Wooh!" Napasimangot siya ng biglang bitawan ni Ania ang kamay niya paglabas nila ng paaralan.

"Huy, bakit ka nakasimangot dyan?" Tanong ni Ania.

Binalik naman ni Silver ang ngiti niya sa labi kahit dissapointed pa rin siya. "Wala. Napagod lang sa pagtakbo." Sagot niya.

"Pasensya na. Nagmamadali kasi ako eh." Wika ni Ania.

"Ayos lang."

Nagsimula na silang maglakad papunta sa lugar kung saan pwedeng magpa-print ng pictures.

"Kaninong picture ba yung ipapa-print mo?" Tanong ni Silver para mabasag ang katahimikan sa kanilang dalawa.

"Ah," ngumiti muna si Ania bago sagutin ang tanong ni Silver. "Zen Wistalia. Kahit naman sabihin ko sayo, hindi mo naman kilala yun." Natatawang sagot niya.

Napakamot naman ng ulo si Silver at slight na ngumiti. "Pasensya. Pero pwedeng patingin ng picture?"

Mas lumaki ang ngiti ni Ania. Hindi niya inaakalang magkaka-interes ang binata. Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa at pinakita ang picture ni Zen Wistalia.

Nakita ni Silver ang isang nakangiting anime na lalake. Puti ang buhok at kahit sinong babae, kahit hindi Otaku ay magwa-gwapuhan talaga sa sinabing Zen Wistalia.

Napapatango-tango naman siya pagkatapos makita ang picture. Pero may isang tanong ang pumasok sa isip niya na agad din niyang tinanong sa dalaga.

"No chance na ba sayo ang mga lalakeng tao? Hanggang anime na lang ba?" Tanong niya.

Napatingin naman si Ania sa tinanong sa kanya. "Hmm... depende. Kung... ma-fall ako sa isang lalake."

Kung mafa-fall pa ako sa isang lalake. Yan yung nasa isip niya.


Natuwa si Silver pero at the same time, nalungkot. Alam niyang hard to get ang dalaga at hindi agad-agad nagpapaloko sa isang bola ng lalake.

Nakarating na sila sa kanilang pupuntahan. Nagpa-print na si Ania habang nakasandal lang si Silver sa pader habang naghihintay.

"Halika na, Silver." Napaayos siya ng tayo nang marinig ang boses ng dalaga.

Nakita niya itong may hawak-hawak na maliit na plastic at punong-puno ito ng pictures.

"Ang dami naman niyan." Sabi niya sabay turo sa plastic na hawak ni Ania.

Napatingin ang dalaga sa tinuro ni Silver at natawa ng mahina. "Ganyan talaga eh."

Naglakad na sila pabalik sa school nang...


*BELL RINGS*

"Patay! Late na tayo!" Napasigaw si Silver. At nataranta.

Siya naman ang humawak sa kamay ni Ania pero hindi na niya ito pinansin dahil nag-aalala siya. Baka pareho silang ma-late.

Narating nila yung classroom at hingal na hingal. Napaupo pa nga si Silver sa gilid ng pinto at hinihingal.

"Uy! Sayang takbo niyo. Wala tayong teacher ngayon." Natatawang sabi ni Zero sa dalawa at nilapitan ito.

"HUH?!" Gulat na tanong nung dalawa.

Lumapit naman si Freya kay Zero. "Hayaan mo na, tignan mo yung kamay nila oh. Hehe." Kinikilig na bulong ni Freya kay Zero.

Natawa naman si Zero. Tumingin ng palihim si Freya kay Silver. Tumingin naman agad si Silver sa kanya. Tinaas-baba naman niya ang kilay nila at nginuso-nguso yung kamay ni Silver na nakahawak sa kamay ng kaibigan.

Nanlaki naman ang mata ni Silver at namula na ikinatawa ng sobra ni Freya. Ang sarap kasi nitong tuksuhin!

Agad na binitawan ni Silver ang kamay ni Ania. Tumayo siya at pinagpag ang black slacks niya.

"Wala palang teacher." Mahina niyang sabi at naglakad na papunta sa upuan niya.

Natatawa-tawa naman sina Zero at Freya habang nagtataka si Ania sa ikinikilos ni Silver.

His Otaku CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon