Chapter Nine: Freya and Kent

110 12 1
                                    

Hinihingal na si Freya katatakbo pero patuloy pa rin siya sa pagtakbo.

Kanina niya pa kasi hinahanap si Ania. Naiwan kasi nito ang cellphone nito sa desk nito. Buti na lang at nakita agad ni Freya.

Lumingon-lingon siya sa paligid at hinanap si Ania ngunit wala pa rin ito.

Lunch break na. Hinanap niya ito sa cafeteria ngunit sabi ng ibang mga estudyante, kasama raw nina Silver at Zero. At kanina pa nakalabas ng cafeteria.

Hanggang sa nakita niya si Kent. Naglakad siya papalapit dito pero agad ding napahinto.

Lalapitan ko ba o hindi? Tanong niya sa isip.

Kung lalapitan ko siya... nakakahiya! Tsaka kasama niya yung mga barkada niya! Mas nakakahiya yun!

Umiling siya. Hindi na siya magpa-pabebe o magpapakipot o ano pa! May pupuntahan siyang importante ngayon kaya kailangan na niyang magmadali.

"Kent!" Tawag niya dito.

Lumingon ito sa kanya at nagulat pa na makita siyang tumatakbo palapit sa kanila.

"Na-Nakita mo ba si Ania?" Hinihingal niyang tanong. "Hindi ko kasi siya makita eh. Kanina ko pa siya hinahanap!"

"Nakita ko siya." Nagliwanag ang mukha ni Freya. Sa wakas!

"Talaga? Saan?" Tanong niya habang pinupunasan yung mga pawis niya gamit ang isang kamay nito. Nakalimutan niya palang magdala ng towel.

Tinuro niya yung gate papasok sa garden ng school. "Garden." Tipid nitong sagot.

Napahinga naman ng maluwag si Freya. "S-Salamat."

Tumalikod na siya at akmang aalis na nang maramdaman niya ang kamay ni Kent na humawak sa braso niya na nagdala ng matinding kuryente sa katawan niya.

"Sandali." Napalunok siya at lumingon kay Kent.

"B-Bakit?" Tanong niya.

Binitawan siya ni Kent at may inabot sa kanyang tubig at towel. "Here. Inumin mo 'tong tubig and punasan mo yang pawis mo."

Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Maliban sa ito na ang pinakamahabang sentence na sinabi sa kanya ni Kent, naramdaman niya ang pag-aalala nito. Na kahit konti ay pinapahalagahan siya nito.

Kinuha naman niya ito. "T-Thanks. Sige." Sabi niya at tumakbo na papunta sa loob ng garden.

--

"Guys! Gusto niyong mag-stay muna sa bahay namin?" Tanong ni Ania.

"Pasensya na, Ania. Hindi ako pwede. May pupuntahan kasi ako today eh. Importante." Nalungkot naman siya sa sagot ni Zero.

Sunod niyang tinignan si Silver. "Sorry, Ania. Kahit gusto ko but, I can't. May dinner kasi ako kasama yung family ko eh. Sorry talaga." Mas nalungkot siya sa sinabi ni Silver.

Sunod niyang tinignan si Freya na may nakakaawang tingin. Sana naman, pumayag ito!

"Uhh..." napakamot ng batok si Freya. Hindi niya alam ang sasabihin. Hindi niya alam kung papayag siya o hindi.

Ngunit nung nakita niya ang pagmamakaawang tingin ng kaibigan, bumigay siya. Minsan lang naman din 'tong mag-imbita si Ania.

"Yey! Let's go na!" Natawa siya at hinayaan niyang hilahin siya ni Ania sa braso.

His Otaku CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon