Chapter Three: First Day sa Hot spring

203 13 0
                                    

"Ania... Ania..."

Napamulat ng mata si Ania nang maramdaman niyang may yumuyugyog sa kanyang balikat. Pagtingin niya.... si Silver!

Napaupo siya ng diretso at kinuskos ang magkabilang mata. "Uy, Silver... nandito na ba tayo?" Mahina niyang tanong. Mahina pero sapat na para marinig ni Silver.

"Oo. Nandito na tayo. Kunin mo na ang gamit mo at papasok na tayo sa loob."

Sa narinig niya, kinuha niya agad-agad ang kanyang bag at bumaba ng kotse.

Pagkatingin niya sa hot spring....

"OMG! HOT SPRING PA BA 'TO?! ANG LAKI!" Mangha niyang nasigaw. Napatakip naman siya ng bibig pagkatapos. Naman! Dapat sa isip lang yun eh!

Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Silver. Napatingin siya dito at ganun din si Silver. "Buti naman at nagustuhano yung lugar."

Tumango-tango siya ng ilang beses. "Oo! Ang laki at ang ganda!" Parang bata niyang sabi.

Natawa ulit si Silver. Niyaya na niya si Ania papunta sa loob. Habang yung dalawa nilang kasama eh, manghang-mangha rin sa nakikita. Labas pa lang kasi, pang-japanese na yung style! Paano pa kaya sa loob?!

Pagpasok nila, may mga nakita silang babae na naka-kimono. Pare-pareho sila ng suot. Kulay pink na may design na cherry blossoms. Simple pero kung titignan, pang-mamahalin!

"Irrashai mashita!" Sabay-sabay na bati nilang lahat at nag-bow sa kanila.

Nagningning naman ang mga mata ni Ania. Para lang siyang nasa Yamato Nadeshiko! Yung way kasi ng pag-bow ng mga trabahador sa hot spring na pinuntahan nila eh, parehas ng pag-bow ng mga trabahador ng hot spring na kanilang pinuntahan.

"Nasaan si Grandpa?" Tanong ni Silver sa isang may edad nang babae.

"Umalis sila kasama ang Mama at Papa mo. Kasama rin nila ang iyong Lola. Pinapasabi niya na mag-enjoy lang daw kayo at ng mga kasama niyo." Sagot nito.

Tumango si Silver. "Umm... pakidala na lang ng mga ito sa rooms namin." Utos ni Silver.

Akmang bibitbitin na ng mga babae yung mga bags nila nang pigilin sila ni Ania.

"Umm! Ako na lang po ang magdadala ng mga gamit ko sa magiging room ko!" Sabi niya at kinarga ang sariling bag. Gusto niya kasing makita na ngayon ang style ng magiging room niya. Ignorante talaga si Ania -_-

"Pero... trabaho po namin yan, Ma'am." Sabi sa kanya ng isa sa mga bumitbit ng gamit nila.

"Hindi na. Kaya ko na ito!" Wika niya.

"Bitiwan niyo na ang mga yan. Kami na lang pala ang magdadala." Utos ni Silver. Binitawan naman nila agad and they slightly bowed to Silver tapos umalis na sila.

Ngumiti si Silver kay Ania at dinala na nila ang kanilang mga bag sa kanilang kwarto.


Pagpasok nila sa loob...

"WOOOOW! Pang-japanese talaga!" Manghang-manghang sabi ni Ania habang tinitignan ang kabuuan ng kwarto.

"KOTATSU!" Sigaw niya sabay turo sa kotatsu na nakita niya.

Tumakbo kaagad siya dito at umupo. Waaa! Dream come true. Hindi mabura ang kanyang ngiti sa kanyang labi.

Natawa naman yung tatlo niyang kasama.

--

Nasa hot spring na si Ania kasama si Freya. Sa kabilang hot spring naman, nandun si Silver kasama si Zero.

His Otaku CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon