Chapter Eight: Festival

121 9 0
                                    

Ngayon na ang festival ng paaralan nina Ania.

Iniisip niya, mas masaya siguro kung parang pang-japan lang yung festival nila.

Pero hindi eh.

Pero pipilitin niyang i-enjoy ang sarili. Kasama naman niya ang mga kaibigan niya eh.

"Marami pala silang booths na tinayo dito eh." Napatingin siya sa paligid at oo nga, maraming booths na tinayo.

Tulad ng wedding booth, jail booth... pero wala siyang makita na KISSING BOOTH. Pwede ba yun? Syempre hindi.

"Oo nga. Punta tayo mamaya dyan sa wedding booth, Freya!" Masiglang-masigla naman itong si Zero.

Tinignan siya ng masama ni Freya. "Utot mo."

Natawa ito dahil mukhang na-MISUNDERSTOOD siya ng kaibigan. "Ano ka ba! Punta tayo dyan dahil ang alam ko, section nina KENT ang nagpatayo niyan!"

Namula naman si Freya. Sa kahihiyan at sa pagbanggit nito sa pangalan ng nakababatang kapatid ni Ania.

Napaisip naman si Ania. "Oo nga nuh!" And she snapped.

"Ano? Punta tayo mamaya dyan?" Tanong ni Zero.

"S-Sige! Ikaw bahala." Umiwas ng tingin si Freya. Pangalan pa lang ni Kent, kinikilig na siya. Paano na lang kaya kung makikita niya ito harap-harapan? Baka hindi lang panga niya ang malalaglag. Baka pati bra at panty na suot niya!

--

"Uy, Silver! Busy mo ah!"

Nakita nila si Silver na naglalakad habang may binabasa sa cellphone. Kunot ang noo nito at ang lalim ng iniisip.

Tumingin ito sa direksyon nila at napangiti. "Uy! Kayo pala." Lumapit ito sa kanila.

"Anong ginagawa mo ngayon?" Tanong ni Freya.

Napakamot naman ng ulo si Silver. "Ehh, kasi pinapakanta nila ako mamaya sa stage."

Nagulat naman silang tatlo. "TALAGA?! Maririnig ka na namin na kumanta for the first time?!"  Gulat na tanong ni Freya. Hindi pa kasi nila ito naririnig na kumanta kahit na isang beses. Kaya nagulat talaga sila nang kakanta ito sa stage mamayang gabi.

"G-Ganun na nga. Pero... hindi ako makapili ng kanta. Pwedeng kayo na lang?" Tanong nito.

"Sure!"

Pumunta sila sa rooftop ng school. Ang ingay nina Zero at Freya dahil nag-aaway sila kung ano nga ba talaga ang kakantahin ni Silver mamaya.

"Hindi nga! Mas maganda kung 3000 miles ng Emblem3 yung kakantahin ni Silver!"-Freya.

"Hindi! Mas okay yung Superman ni Joe Brooks!"-Zero.

Napapabuntong-hininga na lang si Silver. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin para patigilan ang dalawa sa pag-aaway.

"The two of you, shut up! Hindi kayo nakakatulong eh!" Napatingin naman sila kay Ania.

Tumigil yung dalawa sa pag-aaway ngunit nagtitinginan naman ng masama. Umupo sila sa tabi ni Ania.

"Paano kung isang kanta ang kantahin mo na gusto mong sabihin o ano. Sa taong gusto mo o kahit kanino. Yung parang sinasabi mo sa kanya ang tunay mong nararamdaman gamit ang kantang yun."

Nagtinginan sina Freya, Zero at Silver sa sinabi ni Ania. Gagamitin ang isang kanta para maiparamdaman sa taong gusto ang totoong nararamdaman?

Biglang napangisi si Freya at Zero.

"OMG! You're a genius, Ania!" Sabi ni Freya at niyakap ang kaibigan ng mahigpit.

His Otaku CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon