Chapter Four: Second Day sa Hot spring

147 9 0
                                    

Bukas na ang uwi nina Ania. Gusto pa sana nilang i-extend ang pag-stay dito kaso lang, may pasok na sila bukas.

"Laro tayo!" Yaya ni Zero. May hawak siyang bote ng alak na walang laman. Saan naman niya napulot yun?

Nakahiga ako sa tatami mats ngayon habang nagbabasa ng manga. Hindi pwedeng walang manga nuh!

"Anong laro naman yan?" Tanong ni Freya na kasalukuyang kumakain ng sushi kasama si Silver.

"Truth or Dare!" May biglang gumuhit na ngisi sa labi ni Zero. Napapailing naman si Ania habang na-excite naman yung dalawa.

"Sige, sige! Game kami dyan! Wait lang. Tapusin lang namin itong kinakain namin." Sabi ni Freya at minadali ang pag-kain.

Pagkatapos nilang kumain, umupo na si Zero sa kotatsu. Habang wala namang balak sumama ni Ania dahil gusto niyang tapusin muna ang binabasa.

"Huy, Ania! 'Lika na. Laro tayo!" Yaya ni Zero.

Tinignan niya ang mga ito at umiling. "Pass muna ako dyan. Tatapusin ko pa 'tong binabasa ko eh." Binalik na niya ang tingin sa binabasa.

"Ang KJ mo! Sige ka, isusumbong kita kay Kuya! Isusumbong ko sa kanya ang pagka-late mo sa school!" Banta ni Freya.

Bumuntong-hininga siya. Blackmailer. Isip niya. Tumayo siya at tinago sa bag ang binabasa. "Ito na po, tatayo na."

Nakasimangot siyang umupo sa tabi ni Freya. Kaharap niya si Silver na ngiting-ngiti dahil sumama siya sa laro.

"Okay! Let's start!" Inikot na nila yung bote at dinadasal ni Ania na sana eh, hindi sa kanya titigil ang pag-ikot ng bote. Kilala niya ang mga kaibigan. Magpapagawa sila ng mga bagay na nakakahiya kapag dare ang piliin mo. Habang magtatanong sila ng mga mahihirap na tanong kapag truth ang pipiliin mo.

Tumigil ang pag-ikot ng bote kay....

"AH! Zero!" Napahinga naman ng maluwag si Ania. Kinakabahan talaga siya. At mas dapat siyang kabahan dahil siguradong maya-maya rin, sa kanya rin titigil ang pag-ikot ng bote.

"Truth or dare?" Tanong ni Freya.

"Truth, truth." Sagot ni Zero. Napangisi si Freya na nagpataas ng balahibo kay Ania. Sana lang talaga, hindi si Ania ang magtatanong sa kanya dahil truth ang parati niyang isasagot. Ibang klase pa naman 'tong magtanong si Freya!

"Isang tanong, isang sagot. Sino yung babaeng nakita ko na kasama mo sa mall noong isang araw?" Tanong ni Freya.

Napatingin naman yung dalawa sa kinakabahan na si Zero. Sa larong ito, hindi ka dapat magsinungaling. "Ah, kaibigan yun ng pinsan ko." Sagot ni Zero at kinakabahan pa rin.

"Okay." Sabi ni Freya. Ngunit bumulong ito sa kanyang sarili. "Kaibigan daw ng pinsan niya? Kaya pala kailangang naka-holding hands."

Inikot na ulit yung bote at tumigil ito kay Silver. "Truth or dare?" Tanong ni Zero.

"Truth." Mukhang lahat sila, magtru-truth ngayon. Walang gustong mag-dare dahil siguradong ipapahiya lang ang sarili.

"Hmm.." Nag-isip sandali si Zero ng pwedeng itanong. "Isang tanong, isang sagot. May nararamdaman ka ba para sa Campus Princess natin?" Tanong ni Zero.

Napatingin naman si Zero sa nakangiting si Ania. Balitang-balita pala ngayon ang tungkol sa Campus Princess ng school at sa kanya. Ang totoo niyan, itong si Yna(Pangalan ng Campus Princess) ay may gusto sa kanya at pinipilit nito ang sarili sa kanya. Pero... isang babae lang yung gusto niya. At si Ania yun. Wala nang iba.

"Wala. Dahil may iba akong gusto." Sagot niya.

Napangisi si Zero sa sagot ng kaibigan. "Heh? Gusto ko na tuloy sayo umikot ulit yung bote at nang nalaman ang babaeng gusto mo."

Kinabahan ng bongga si Silver. Mali yung sinabi niya! Tsk. Pero nandyan na yan. Ayaw niyang umamin ngayon kung sino yung babaeng gusto niya. Not now.

Inikot na ulit yung bote. At tumigil ito kay Ania. Napalunok naman si Ania. Patay! Mukhang si Freya ang magtatanong sa kanya!

"Truth or dare?" Si Freya nga!

"Truth." Sagot niya.

Kaya mo yan, Ania! Sagutin mo ng honest yung mga tanong niya! Sabi niya sa isip.

"Sino yung lalakeng nagpapatibok ng puso mo ngayon?" Seryosong tanong ni Freya sa kaibigan.

"Si Jellal Fernandes ng Fairy Tail!" Diretso niyang sagot.

Freya rolled her eyes. Tsk. Mali ang tanong niya. Dapat nilagyan niya ng TAO. Dahil puro anime lang ang pumapasok ng isang 'to. Sayang!

"Walang kwentang sagot! Iikot na yan!" Asar na utos ni Freya.

Napanguso naman si Ania. Paano namang naging walang kwenta yung sagot niya? Totoo namang si Jellal Fernandes ang tinitibok ng puso niya. Na-love at first sight nga siya dito eh!

Inikot ulit yung bote at tumigil ito kay Freya! Ehe. Babawi siya. "Truth or dare?" Tanong niya.

"Truth." Walang ganang sagot ni Freya. Napangisi siya.

"Kung liligawan ka ni Kent, okay ba sayo?" Nakangisi niyang tanong.

Nanlaki ang mga mata ni Freya. Oo nga pala! Alam ni Ania na may crush ito sa nakababatang kapatid niya!

Napatingin yung dalawang lalake sa kanya. Hinihintay ang sagot na ibibigay niya. Hindi sila makapaniwala sa tinanong ni Ania!

Iniwas niya ang kanyang tingin. "Wala! Child abuse yun!" Pasigaw niyang sagot na agad ding nahalata ni Ania na nagsisinungaling ito.

"Okay." Sabi niya. Hindi niya pakikialaman ang dalawa. Pero kapag kailangan na niyang makialam, makikialam siya.


Inikot ulit yung bote at kay Silver tumigil ang pag-ikot. Napalunok si Silver at napapailing sa isip niya. Patay! Ang malas naman niya!


"Oh, truth yan, diba? So, who is this lucky girl na gusto mo?" Tanong ni Zero.

Napalunok ulit siya at napatingin kay Ania na naghihintay ng sagot niya. "Umm... si..." Sasabihin na ba niya? Pero napaka-wrong timing naman! At baka iwasan siya ni Ania pagkatapos nito. Hindi niya kakayanin yun!

"Si..." Biglang may isang taong pumasok sa isip niya.

"Si Althea! Yung kababata ko." Sabi niya. Wala ma siyang ibang nagawa kundi gamitin ang pangalan ng kanyang kababatang si Althea. Nasa States ito at dun nag-aaral.

Nagulat naman si Ania sa sinagot ni Silver. Kaya siguro wala siyang nililigawan. Kaya siguro hanggang ngayon, wala siyang girlfriend. Dahil pala sa kababata niya. Ang swerte naman nung babaeng yun!

"Oh? Gusto naming makilala ang babaeng yan, someday." Sabi ni Zero.

"Sige." Nakatungong sabi ni Silver. Akala nila, nahihiya ito dahil sa binanggit nito ang pangalan ng gusto niya. Pero ang totoo, nagi-guilty siya dahil nagsinungaling siya.

Pero wala siyang magagawa dahil yun ang sinagot niya. Paninindigan na muna niya ito. Sa ngayon.

"Tapos na ang laro! Kakain na tayo!" sabi ni Freya at tumayo sa kinauupuan at nag-inat-inat pa.

Tumayo na rin yung tatlo dahil oras na din pala ng pag-kain ng lunch.

His Otaku CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon