Chapter Twelve: Confession

128 10 0
                                    

FREYA

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Shit! Gusto rin ako ni Kent! God!

"KENT!!" Malakas kong sigaw sa kanya. Papasok pa lang siya sa classroom nila at buti na lang nakaabot ako at natawag ko pa siya.

Tumigil siya sa pagpasok at nilingunan ako. Kahit malayo-layo siya, nakita ko pa rin na tinakpan niya yung bibig niya para hindi makita ang pisngi niyang namumula.

I like you too. I mouthed.

Mukhang naintindihan naman niya dahil nanlaki ang mga mata niya at bigla na lang siyang tumakbo papunta sakin.

Pagkalapit niya, bigla niya akong niyakap. Naramdaman kong may tumulong luha galing sa mata ko. Ang saya ko! Kahit sa panaginip, hindi ko naisip na mangyayari ang ganito sa buhay ko!

ANIA

Nakangiti ako habang pinapanood yung kapatid at kaibigan ko. Mukhang umamin na yung kapatid ko ah.

"Oh, mukhang sila na ah." Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Zero.

"Oo nga." Natatawa kong sabi at tumingin ulit sa kanila.

Ano ba yan! Nauna pa yung nakababata kong kapatid na magkaroon ng lovelife! Hahaha.

"Selos ka nuh? Pakasal ka na sa isa sa mga anime na gusto mo."

Natawa naman ako sa sinabi ni Zero. Loko-loko talaga 'to. Pero kung pwede lang, why not? Mas okay pa nga siguro yun kesa sa real life. Sakit sa ulo.

"Loko ka, Zero. Maghanap ka na lang nga ng sayo." Sabi ko sa kanya.

"Darating din yan sakin. Ang una nating gawin ay..."

Nagtinginan kaming dalawa. "TUKSUHIN YUNG DALAWA."

Natawa kaming pareho at tinawag yung dalawa. "KENT! FREYA!"

Tumingin sila papunta samin. Gumawa ako ng heart shape gamit ang kamay ko. Ganun din si Zero.

"AYIIEE~SILA NA DAW~" tukso namin.

"Che! Selos lang kayo!"

Natawa naman ako sa isinigaw ni Freya. At binelatan pa talaga kami ni Zero. Hahaha!

"So, sila na nga talaga?"

Si Silver! Hindi niya kasama si Althea ah.

"Yeah." Nakangiti kong sagot sa kanya.

Tumabi siya sakin at kumaway dun sa dalawa. "HEY! CONGATULATIONS!"

"Thanks, Kuya! Umamin ka na rin kay you know!"

Oo nga, Silver. Umamin ka na. Umamin ka na kay Althea. Para matapos na 'to.

"I will!"

"Ay, Zero! Samahan mo ako sa cafeteria. Bibili lang ako. Dali!" Sabi ko kay Zero at hinila siya palabas ng classroom. "Sige, Silver! Atode!"

(A/N: Atode=Later)

Bakit? Bakit ako umiiwas?

--

5:00 na at konti na lang yung mga estudyante na nasa loob ng campus. Nakatulog kasi ako sa clinic kanina. Wala. Trip ko matulog.

Tumatakbo ako ngayon papuntang classroom dahil nandun pa ang bag ko. Tapos umuulan pa ng malakas. Aish!

Pagdating ko sa classroom, papasok na sana ako nang matigilan ako nang marinig ko ang boses ni Althea sa loob ng classroom.

His Otaku CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon