Chapter 1

151 3 0
                                    

How we met.

"Sir ethan pinapabangon na po kayo ng tatay ni-ay petchay!!"

Tinignan ko ang maid namin. Psh! Mabagal siya masyado dahil nakabihis na ako. Bumaba na ako at pinuntahan si papa na busy sa pagbabasa ng papeles, nandun din si tita lea kasama si haru at si eli na 11 years old na.

"Pa. Aalis na ako."

"Di ka na magaalmusal?" Umiling na ako at hinalikan ko na sila haru at eli at bumeso kay tita.

"Malalate na ako." Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse ko.

Habang nasa byahe ako di naman ganun ka traffic. At sakto may tumawag sakin.

"Hello?"
[...]
"Hello? Wala ako sa mood makipaglokohan ngayong umaga"
[Ethan. I-Its me tif-]

Agad kong binaba ang tawag niya, ayoko pa siyang kausapin dahil nawawalan ako ng gana at baka masira ang araw ko,

Pero putang ina! May isang estudyante ng eskwelahan namin na nagmumuni muni pa habang nagbibike papasok!! Ano ba to?!

Binusinahan ko siya pero hindi siya natinag. Di ako makapag overtake dahil na din traffic yung pabalik na lane! Tsk!

Binaba ko ang bintana ko para sigawan siya pero nabigla ako nung humarap ito sakin at ngumiti at sinabing

"Ang sarap mabuhay no?" What the fu-

"Well ingat ka papasok! May mga nagaabang pa sayo!" Bigla itong nagbike ng mabilis.

What the heck is she saying?! Nababaliw na ba siya? Kung makapagsalita siya akala mo nasa cloud nine siya! At walang dinadalang mabigat na problema! Naka-drugs ba yun?

Kung siya masaya sa kung ano mang rason niya pwes ako hindi! Subukan niyang magmuni muni ulit habang nagbibik-

"Fuck traffic na oh!!"

Napalingon naman ako sa likod ko at nagcause na nga ako ng traffic! Psh! Kung minamalas ka nga naman! Malas siguro yung babaeng yun!

NAKARATING ako sa school ng badtrip! Yung mga estudyanteng nagalit sakin dahil sa nangyaring traffic ay di ko pinansin.

"DUDE! I heard nagcause ka ng traffic! Lutang ka nanaman!"

"No! I just bump into someone and she's full of life! Natanga ako sa mga sinasabi niya. Na maganda daw ang mabuhay!"

"Maganda naman talaga! Maling tao lang ata yung nasabihan niya ng quotation na yun." Michael

"Oo si boss unico sibangot ang nasabihan niya." Christian

"Pero maganda naman ba yan pare?" Nathan.

'Ang sarap mabuhay no?'

I don't fukin' know what happened at biglang umulit yung imahe ng babaeng yun habang sinasabi niya sa akin yun!

"So she is pretty!! Anong itsura! Hahanapin ko!" Nathan. Naglabas pa ng ballpen ang gago.

"Wag na mamalasin ka lang!"

"Come on dude kailan ka pa naging madamot? Babae lang yan! May tiffany ka naman eh!" Christian.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag mong babang-"

"MICHAEL!!" Napalingon naman kami sa malakas na boses na tumawag kay michael.

Lumapit siya samin at parang nagtataka siya. Siya pa ngayon nagtataka?

If You StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon