Chapter 3

68 2 0
                                    

His past and His plan

UGH!

That damned girl!

Paano niya ba nalaman na naging kami ni tiffany? Walang nakaka-alam nun bukod sa mga kaibigan ko and siya ganun niya na lang ibulgar na may alam siya eh hindi ko nga siya kaibigan.

"Dude pansin namin lagi mo nang kasama si weird girl ha? Napapatunayan niya na ba sayo na masarap ngang mabuhay?" Daniel.

"Alam niya na naing kami ni tiffany." Nagulat naman ito at mayamaya ay tumawa.

"Stalker nga talaga. Oh ano naman kung alam niya?"

"Alam mo ng mahal ko padin si tiffany kahit iniiwasan ko siya."

Hindi ko lang kasi talaga matanggap na niloko niya ako ng ganun lang. Na napilitan lang siyang mahalin ako dahil sa kung anong meron ako.

Madaming nagsasabi na kalimutan ko na siya at mag hanap na ng iba pero hindi nila maintindihan

Mahirap kalimutan ang isang taong nakasama mo ng matagal.

2 years ago.

It was our 3rd anniversary. Pero magkakilala na kami since grade 6. Siya lang yung babaeng tinignan ko wala ng iba. Sinagot niya ako nung 3rd year kami sa 2 taong panliligaw ko sa kanya. The following days and years ay naging masaya. Nakalimutan ko na iniwan ako ng 2 sa importanteng babae sakin.

She always make sure na hindi ako nag-iisa o maramdamang nag-iisa ako. That I always have her. That she will stay no matter what happens. Pero nag iba ang ihip ng hangin nung gabing yun.

"Hi babe." bumeso ako sa kanya at saka umupo sa kabilang lamesa. Pag tingin ko sa kanya ay malungkot ang mukha nito.

"Hey something wrong?" hinawakan ko ang kaay niya pero iniwas niya ito sakin. Nanlamig naman ako bigla at kinabahan.

No.

"Ethan.."

"No. Wag ka nang magsalita parang alam ko na kung saan ito tutungo." napaiwas ako ng tingin sa kanya.

Really huh? On our anniversary?

"Ethan please makinig ka naman kailangan kong sabihin sayo to para di ka na mag mukhang tanga." What?

"Magmukhang tanga?" Napayuko naman ito.

"Ethan.. I'm sorry."

"Anong mag mukhang tanga? Anong sinasabi mo?" Humarap ito sakin at tinignan ako direkta sa mata.

"Look at you! Look at yourself ethan! Masyado ka nang dumedepende sa mga tao sa paligid mo! Paano pag nawala kami huh? Paano ka na?! Naaawa lang ako sayo kaya kita sinagot okay?! Hindi ko kayang ireject yung pagmamahal mo after what happened to you! Ayoko lang na maramadaman mo na rejected ka sa mundong ito kaya kita sinagot! Pero di ko na kaya ethan.. hindi ko na kayang magpanggap na mahal kita gaya ng pagmamahal mo sakin.. hanggang kaibigan lang talaga. I'm sorry."

"Naaawa? Masyadong dumedepende sayo? Kasi sinabi mo tiffany na di mo ko iiwan! Naaawa ka na pala sakin eh edi sana dati pa! Dati mo pa ako sinabihan na hindi mo ko kayang mahalin hindi yung pinaabot mo ng 3 taon! 3 FUCKIN YEARS!"

Fuck!

"Ethan.."

"Please tiffany wag mo naman akong iwan oh, tanggap ko kung hanggang kaibigan lang tayo wag mo lang akong iiwan di ko na kaya."

"Yan! Yan yung sinasabi ko sayo ethan! Hindi mo na kaya mag-isa. You need to learn kung paano mabuhay mag-isa. You need to grow up!"

And then she storm out the restaurant leaving me alone.

"Dude?" Napatingin naman ako kay michael.

"Naaalala mo nanaman?" tanong nila sakin. Napa-sabunot ako sa buhok ko at tumango.

"Come on dude! Move on!" Daniel.

"Di ko kaya masyado ko siyang mahal. I want her back. Pero di ko alam kung paano." Para naman silang baklang sabay sabay umirap.

"Di ba siya na mismo ang naghahanap ng way para kausapin ka? Bakit di mo kausapin?"

"Kasi masakit padin sakin, na sa ganung dahilan lang kaya niya ako iniwan." Dahil lang naaawa siya sakin at napilitan lang siyang mahalin ako. Natatakot ako na baka ganun ulit yung mangyari.

"Alam mo pre? Maghanap ka na talaga ng iba eh! Nandyan naman si weird girl! Siya nalang!" Christian.

"I'm not like you na gumagamit ng ibang babae para makamove on! Ayoko ngang lumalapit sakin yun naiinis ako"

"Tss. Bahala ka. Sayang siya. Cute but weird okay na yun!"

"Ewan ko sa inyo." Tumayo naman ako at naglakad palabas ng room.

"Walk out king ka talaga!"

Paglabas ko naisipan kong pumunta sa rooftop para magmuni muni. Kaso ang daming tao. Ang ingay pa.

Sumilip nalang ako sa paligid ng school at nagisip isip.

Gusto ko nga talagang maging kami kaso paano?

'kita kasi to dun sa rooftop ng school'

Agad naman akong sumilip sa kabilang area at nakita ko ngang may malaking bilog.

Agad naman akong bumaba at tumakbo papunta dun. At sakto nakita ko siyang nakatayo sa gitna.

"Akala ko ba ayaw mo kong nakikita? Eh bakit ikaw pa tong lumalapit sakin?"

Hindi ko din alam

"Stalker talaga kita at nakikinig ka pa sa usapan naming magkakaibigan." Natawa naman ito at tinalikuran ako.

"tutulungan kita." Huh? Humarap ulit ito sakin at nakangiti nanaman siya

"Tutulungan kitang magkabalikan ulit kayo."

Ma,

Nakaka-inis alam kong ayoko siyang nakikita pero bakit ganun? Ako pa mismo ang lumapit sa kanya nung sinabi kong gusto kong mapagisa. Hindi ko ba talaga kaya na walang kasama?

Bakit niya ako tutulungan? Akala ko ba gusto niya ako? Eh bakit hinahayaan niya sarili niya na tulungan niya ako? Hindi ba siya nasasaktan sa mga pinagsasabi niya?

Bakit ba ayaw nalang niyang umalis sa buhay ko para di siya masaktan ng todo?

If You StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon