BEGIN

209 3 1
                                    

HER POINT OF VIEW

Its been years. 13 years to be specific since we last talked.

Di mo na nga siguro ako maalala kasi bata pa tayo nun at nagiba na din naman ang itsura ko.

You promised me something. You said you will find me and we will live in our own castle and continue our fantasies together. It sounds childish but I did hold on to that promise.

It took me 8 years to find you. Di mo ko kilala at di mo ko maalala. Did you know that our brain has its own capabilities to forget people or things that really do not matter to us?

I guess di ako importante sayo. Pero it does not mean that if our mind forget about that certain people or things our heart will not remember it.

Umaasa ako na magsasama tayo at tutuparin natin ang mga pangakong binuo mo.

Kung dati pinapanuod lang kita sa malayo dahil sa takot kong ipagkatulakan mo ko. Ngayon gusto ko nang maging parte ng mga bukas mo kahit sa maikling panahon lamang.

HIS POINT OF VIEW

Hindi ko alam.

Hindi ko paboritong salita yan pero yan ang laging lumalabas sa bibig ko tuwing kasama kita. Sa mga panahong kinikilala kita.

Sino ka ba? Bakit ka ba biglang pumasok sa mundo ko kung iiwan mo lang din pala ako pag dating ng panahon?

Tinanong kita kung bakit ba may mga nangiiwang tao sa mga panahong ang saya saya mo na kasama sila?

Ang sagot mo lang sakin ay

'Kung iniwan tayo ng isang tao kahit ayaw pa nating iwan nila tayo, ibig sabihin lang nun ay tapos na ang purpose nila satin. Pero wag nating kakalimutan ang mga itinuro nila satin.'

Hindi ko naintindihan. Ang simple ng sagot mo pero di ko maintindihan kung anong purpose yung tinutukoy mo gusto kitang tanungin kung ano yung tinutukoy mo pero bago pa ako magtanong pinapakita mo na sakin ang sagot sa mga katanungan ko.

Sino ka ba?

Ikaw ang nagpaintindi sakin ng mga kumplikadong bagay sa madaling paraan.

Bakit ka ba biglang pumasok sa mundo ko kung iiwan mo lang din pala ako pag dating ng panahon?

Kasi may purpose ka din pala kaya ka dumating.

Anong purpose?

Ang ipaunawa sakin na hindi ako nagiisa, dahil nandyan ka padin pala

Kahit sa mga panahong iniwan kita.

Pero bakit ganun?

Bakit parang ikaw naman tong iiwan din ako bandang dulo?

Saan ka ba pupunta? Bakit mo ba ako iiwan?

If You StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon