Chapter 18

47 2 0
                                    

The pusher

"Ahh! Ayoko na uwi na tayo." Saad ni conor habang binabato yung lapis niya kung saan.

"Sige puntahan na natin si lauren." Pagod na din kasi ako eh.

Pag dating namin sa room ni lauren nakita naming buo sila dun kasama si tiffany at ibang lalaki pa, anong meron?

"Ay chi! May laban sila nuod tayo? Matagal pa naman." lauren. Tumingin naman sila sakin na parang hinihintay sagot ko. Parang tanga naman kasi si lauren eh.

"Ah.. pag-iisipan ko pa." sagot ko.

Naghintay naman kami ni conor sa labas at nung natapos sila nagulat ako dahil bigla akong tinulak ni conor sa mga lumalabas na tao, may natamaan tuloy ako.

"Oh, I'm sorry." aalis na sana ako sa harapan niya pero pareho kaming gumilid.

And again.

"Uhm, dito ko dyan ka." pagkagilid ko, hindi na siya gumalaw, napabuntong hininga naman ako.

Pag lingon ko kay conor wala na siya. Hala? Tumingin ako sa paligid para hanapin sila ni lauren pero wala na sila kaya naisip ko baka nasa gate sila ng school, pero pag dating ko dun wala din sila. Sakto naman at pa-alis na din sila daniel kaya lumapit ako.

"Daniel!" napalingon  naman sila sakin at nagulat pa ang mukha.

"A-ako?! T-tawag mo ko?"

"O-oo bakit bawal ba?"

"Hindi! Hindi!! Nakakagulat lang kasi ngayon mo nalang kami kinausap after nug baguio trip. So.. ayun namiss lang kita. Anong satin?" natawa naman ako sa bilis niyang magsalita.

"Uhmm. Namiss ko din naman kayo. Pero nakita niyo ba si lauren? Sabay kasi kaming uuwi." 

"Na-una na siya kasama nga si conor eh." saad ni nathan. Napakagat naman ako sa labi ko sa inis.

"Ah ganun ba? Thank you." Aalis na sana ako pero nagsalita pa si ethan.

"Hatid na kita."

"H-hindi kaya ko nama--"

"Di ako nagtatanong kung kaya mong umuwi mag isa, ang sabi ko hatid na kita."  nauna naman siyang maglakad sakin.

Napatingin naman ako kila daniel pati sila ay nagtataka sa ginawa ni ethan.

***

"Bakit ko kailangan manuod ng practice nila? Pwede naman sa mismong laban na?"

"Girl! Ilang araw nalang laban na nila di ka nga manlang nanunuod ni isang practice eh." lauren.

"Ayoko lauren tuturuan ko pa si conor."

"Ayan tuturuan mo oh." nakita ko naman si conor na tumatakbo palapit samin.

"Kanina pa kita hinahanap san ka nag--" may inabot naman siyang cartolina sakin.

"hawakan mo. Kukuhain ko yung bag natin."  sabay takbo niya.

Pag-upo naman namin sa bench nakita naming nginitian kami nila daniel at etong katabi ko grabe makatili. Pero ako may na aninag ako sa kabilang side ng court, si conor na nakatayo at may hawak na papel na nag sasabing 'buksan mo paharap sakin'

Asan yung mga bag namin?

So ginawa ko nga. Nakita ko siyang tumawa at umalis at sila michael naman huminto sa pag takbo at nakatitig sakin kaya medyo nagtaka ako.

"Omy.." dahil sa nireact ni lauren nataranta akong tinignan yung cartolina.

'Go ethan! Hart hart!'

Conor!

***

"So para makuha mo to kailangan mong idiv-- Conor!" 

"Saglet lang bibili lang ako pagkain." Pipigilan ko pa sana siya pero di ko na naabutan.

Napasandal naman ako sa upuan at nag check nalang ng messages. Nakakapag taka na talaga tong si conor. Napalingon naman ako sa pinto nung biglang bumukas to.

"Ang bili--" napahinto ako nung nakita ko si ethan, na halatang nagulat din nung nakita ako.

"Pinapapunta ako dito ng dean." pakita ni ethan yung phone niya. Napa-iling naman ako. 

"Wala yung dean dito.  Ts--wait ethan." hinawakan ko naman yung phone niya at medyo napansin ko yung number ay..

"Conor.." bulong ko. Napatingin naman ako kay ethan at nakatingin siya sa kamay kong nakahawak sa kanya

"s-sorry." bitaw ko dito. Tumalikod naman ako sa kanya pero humarap din agad.

"Nasa room niyo ba si lauren?"

"Nasa room nila daniel, why?" nagtatakang tanong niya sakin.

***

"Nakita niyo sila lauren at si conor?" tanong ko sa mga estudyante sa loob, tinuro naman nila yung dalawang tao na nag uusap sa room.

"Ayoko, tantanan mo na conor."

"Onting push nalang sila ren! Maki-sama ka naman parang di ka tropa."

"Ako tropa, gusto mo tulungan kita?" tanong ko kay conor. Tumingin naman siya sakin na parang nakikita niya na ang katapusan niya sakin.

"Sabi ko na nga ba unang tatakbuhan mo si lauren eh. Halika nga." Hinila ko naman siya sa tenga palabas ng room kung saan walang tao.

"Ano sa tingin mo ginagawa mo?" tanong ko sa kanya hinawakan naman niya yung tenga niya at hinimas himas niya.

"gusto ko lang naman maging masaya ka eh, gusto ko magkabalikan kayo sa kung anong nabuo niyong friendship dati kasi alam ko dun ka sasaya." napa-buntong hininga naman ako. 

"Alam mo kaibigan talaga kita. Na aala ko dati ganito din ginawa kong paraan para maging close at magka-balikan si tiffany at si ethan dati, nahuli pa nga nila kami eh." natatawang saad ko.

"Pero conor." tumingin naman ako sa kanya at ganun din siya.

"Tama na."

If You StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon