Chapter 17

41 2 0
                                    

The moon.

Nanlaki ang mata ko at napatakip ng bibig ko.

"Its okay kung di mo ko na-aalala. Just like him di ka din naman niya kilala so quits na tayo. H-hoy! U-umiiya--"

Hindi ko siya pinagsalita at niyakap siya.

"H-huy wag kang dumapa sa lamesa madudumihan ka."

"Wala akong pake. N-namiss kita fortz." 

Naramdaman ko namang yumakap din siya sakin pabalik. Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan siya ng maige.

"Di kita namukhaan." saad ko.

"Yup. Obvious naman eh. And.." lumapit naman siya sakin "pinagtitinginan ka na kaya bumaba ka na dyan sa kinauupuan mo."

Napatingi naman ako sa paligid ako at nakita ko nga ang pagtataka sa mukha nila. Bumaba naman ako sa lamesa at inayos sarili ko, napatingin naman ako sa lamesa ni ethan at wala na sila dun.

"This will be fun." bulong ni conor sakin.

***

"Its been years di ka man lang nakipag keep in touch." away ko sa kanya. 2nd day na to ng tutoring session namin at pinapasagutan ko sa kanya yung history habang pinapagalitan siya sa bigla niyang pag balik.

"Bata pa tayo nun cassandra. Tska lumipat kayo, pwede ko na bang sagutan to?"

"Pa moon, moon ka pa."

"Pero naintindihan mo, naalala mo nga ako di ba?"

"Conor, kung may balak kang--"

"Wala. I'm just here kasi, dito na kami for good. Now.. can I answer this without you interrogating me?" tumango naman ako at sumandal.

Conor Fortaleza. My best friend. My partner in crime sa pag gawa ng kalokohan at sa pag ligtas sa mga umaaway kay lauren dati. Kilala ko na siya since I was  years old nagkita kami sa slide, sa slide mismo, nastuck kasi kami dun dalawa dahil may matabang nag slide dati na hinarangan yung end ng slide and di ko alam kaya pagkaslide ko na stuck din ako at ganun din si conor.

Typical friendship, always starts with bad impression. Mayabang kasi siya. At ako may pagka-lalaki dati. So to make the story short naging mag bestfriend kami after naming magsapakan habang naka-stuck sa slide. Hindi na kami mapaghiwalay nun, kami nila lauren at ni conor. Pero bigla silang umalis pagpasok namin ng 3rd year highschool. 

Bakit ang dami niyang alam sakin? Specially yung sakit ko? Si ethan?

Kasi sabay naming nakilala si ethan. And that's another story.

And..

"naalala mo yung panahong binuhat kita mula sa playground hanggang sa ospital?"

"yeah."

Siya ang unang naka-alam na may sakit ako, hindi si lauren.

"I just can't believe, bumalik ka. Akala ko si lauren lang magiging kaibigan ko hanggang sa mamat--" nagulat naman ako sa pagbagsak niya ng lapis sa lamesa.

"Nandito na nga ako di ba? So shut up." natawa naman ako sa react niya para siyang si la--

"CONOR!! BAKLA KA!!"speaking of the devil. 

"KUNG I PA--ANO BA BITAWAN MO KO DANIEL!!! CONOR!" Nagtago naman si conor sa likod ko kaya natawa ako. Nakita ko naman ang pagpasok ni ethan sa kwarto.

"Dyan ka na cass!" tulak sakin ni conor kaya napapunta ako kay ethan. CONOR!

"CONOR!! ANO BA?!" Nagulat naman kami nung biglang sinapak ni lauren si daniel.

"DANIEL!!" Sigaw namin nakita naman naming tumakbo palabas si lauren at hinabol siya ni nathan at kami naman pumunta kay daniel na nakahiga ngayon sa sahig.

"Anong meron sa kaibigan mo?"

"Well yung isa abnormal talaga, and si lauren sabihin natin.. tinatakbuhan siya ng lalaking ninakaw ang first kiss naming dalawa bago pumunta si conor sa america."

"ANO?!!" Sigaw nilang 4 sakin. Napakagat labi naman ako.

"Humanda sakin yung lalaking yun. Aray!" Daniel. 

"Pero ngayon kailangan mong pumunta sa clinic hatid niyo na siya." Tumango naman si michael at christian sakin

Tumalikod ako para ayusin yung gamit ni conor at para din sundan sila at naramdaman kong nasa likod ko si ethan.

"Can we talk now?" tanong sakin ni ethan. Tumango naman ako. Umupo naman ako sa upuan at sumandal siya sa lamesa pareho kaming nakatingin sa labas.

"So.. wala kayong tutor session ni tiffany?"

"I don't need it. Okay lang na di muna kami magkita."

"Eh bakit ka pa nagbayad para--"

"Para sana makasama ka ng buong bakasyon" tinitigan niya ako at tinitigan ko din siya naghahanap ako ng sagot sa mata niya and all I find is

takot.

"I-I mean kayo. I-I'm sorry."

"Okay lang."

"Iniiwasan mo ba ako? Did I do something?"

"W-wala. A-actually ako itong tangang nag oover think. Naisip ko na.. sapat na siguro yung alam mo na, and I should stay out of the way, let you think for yourself. Na baka everything na natakbo sa utak mo ngayon, yung pagiisip na baka gusto mo na ako?" tumingin naman ako sa kanya at umiwas siya.

Tama ako.

"Maybe, just maybe because kasama mo ko, nasa paligid ako"

"Di ba sinabi ko sayo na hintayin mo?"

"Hanggang kailan ethan? Hanggang kailan? What if that person that's been waiting for you doesn't have enough time? What if?"

"Tell me.. gusto mo ba ako?" 

"Mahal kita." 

"Bakit?" halatang di niya naintindihan yung sinasabi ko.

"Cause you deserve it." ngiti ko sa kanya.

"And you deserve it too!" Napahinto naman ako sa mga naisip ko. 

"And I should be giving this love for someone else?"

"yes! Anyone! Not me. I don't want that. I don't--"

"You still love her, na-aawa ka sakin. I get it. Di mo kailangan isampal."

Agad naman akong tumayo at umalis. For the first time naisip kong umalis agad pero bumigay din yung tuhod ko. 

Okay lang ako, di naman masakit eh sanay naman na ako.

"does it really not hurt?" napatingin naman ako sa harapan ko at nakita si conor na gulo gulo ang buhok at damit.

"Are you really okay? Cass di kita iniwan sa kanya para maging martyr. Are you sure that it doesn't hurt?" 

"N-nasabi ko ba yun ng malakas?"

"Nope. But I don't need to hear it." Tumakbo naman ako sa kanya at yumakap.

"You know you're supposed to be like.. not stressed right?" tumingin naman ako sa kanya at pinunasan yung luha ko.

"Yeah." nanlaki naman yung mata ni conor pagkakita niya sakin.

"Cass nagdudugo ilong mo." hinawakan ko naman ito at nakita ang dugo sa daliri ko.

"Cassandra don't chsoh dsoid okay?" napatingin naman ako sa kanya at ang labo ng paningin ko at di ko siya marinig

"conor"

"Fuck it!"



If You StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon