Chapter 28 -- Issues

7.2K 55 5
                                    

Chapter 28

~ Sarah Geronimo may mysterious boyfriend ~

~ Popstar Princess dating non-showbiz guy ~

~ Sarah , inishapwera na si Rayver ~

~ Sarah huling-huli may ibang lalaki ~

~ Sarah G .. Playgirl? "

~ Sarah Geronimo spotted na lumabas sa sasakyan ng di nakikilalang tao ~

Ilan-ilan lang yan sa mga headlines sa mga dyaryo at websites sa internet. May isa pang picture na kakalabas lang niya sa sasakyan ni Gerald. Naisip niya national naba talaga ang lovelife ko ngayon. Binansagan pa akong play girl.

" B*llshit " asik nitong katabi niya na busy sa kaka tingin ng websites sa internet

" Huminahon ka nga! "

" Anong huminahon? Binansagan kang playgirl tas huminahon? " naiinis na ang boses ni Gerald

" Sanay na ako sa ganyan Gerald! "

" O'cmon Sarah , sa tanang buhay mo never ka pa nilang tinawag na playgirl .. ito lang ohh! Ito lang " sabi niya sabay duru-duru don sa tabloid

" Siguro ganon lang ang nasulat nila kasi all they know may something sa amin ni Rayver tas bigla nalang may nakakuha sa akin na lumabas sa sasakyan mo! "

" So? Hindi nila ginawang basehan yun .. ang kikitid ng mga utak ng mga writer at bloggers na yan "

" Para ka namang di nakaranas ng ganyan .. alam mo naman ang showbiz masyadong marumi "

" Okay lang sa part ko e ..pero ikaw? Alam nilang ikaw ay isang good daughter tas biglang Playgirl .. and its b*llshit! "

" Sa tingin mo naniniwala ang mga tao sa bansag ng mga writers , bloggers o kung sinong poncho pilato pa yan sa akin? .. " 

" Kahit na .. " matigas niyang sabi " Yung mga taong makikitid ang utak , bashers at haters ano nalang ang masasabi "

Ready To Take A Chance AgainWhere stories live. Discover now