Chapter 104
Sarah’s POV
“ I miss you MANILA “ sigaw ni Ken ng makalabas na kami sa may Gate 3 , hinihintay nalang naming yung magsusundo kasi sa amin
“ E kayo ba kids na miss niyo ang Manila? “ tanong naman ni Gab sa mga bata
“ Yes tito! “ sagot ng dalawa
“ Teka saan si Kuya? “ tanong ni Ken
“ Ayon ohh may kausap sa phone “ turo ko kung saan si Gerald
Nasabi na din sa akin ni Gerald kung ano ang sitwasyon niya ngayon. At alam kong kausap din niya yung tunay na ina ni Akira. Wala na naman din kaming magagawa eh .. may karapatand din naman kasi yung tunay nitong ina , yun nga lang limited time lang. Sabi ko nga kay Gerald gusto ko maging assistant yung ina ni Akira sa gagawin kung birthday party ng bata sa May . At pumayag naman si Gerald.
“ Si Kuya lagi nalang busy sa phone niya “ puna ni Ken sa kapatid
" Oo nga .. di kaya may iba na yan! " gatung naman ni Gab , agad naman akong napatingin kay Gab , nakatingin din sila sa akin halatang mang-aasar lang
" Kita mo mukha ni ate , sumimangot " pang-aasar ni Ken
" Kayong dalawa ha tigilan niyo ako .. noong isang araw pa kayo " lagi nalang kasi nila akong inaasar
" Chill ka lang ate! " sabi naman ni Gab , minamasahe pa yung mga balikat ko
" Ewan ko sayo .. " sabi ko sa kanya " Oh ayon na pala sila e " nakita ko na kasi si buntis na kumakaway sa amin
" Yun ohh .. " si Gab at Ken
" Sige na mauna na kayo ..dalhin niyo na yung mga bata .. susunod na kami ni Gerald " utos ko sa kanila pati na din sa mga katulong
" Sige " sagot naman ng dalawa , yung mga katulong tumango naman
Pinuntahan ko naman si Gerald kung saan siya ngayon , halatang naste stress siya , panay himas kasi sa batok nito e.
YOU ARE READING
Ready To Take A Chance Again
FanfictionReady To Take A Chance Again by MichyPot ang pagbabalik ko sa pag-gawa ng AshRald FF!! Sana magustuhan niyo po :)