Chapter 102

3.9K 70 26
                                    

A/N : Honestly wala talaga akong ma think kung saan ko or i mean ano ang gagawin ko sa part kung saan SINO ANG MOMMY ni Akira .. sadyang pumasok lang talaga sa isip ko yung idea na ilagay si Akira sa story .. Hehe .. pero magdi deep pa ako ng idea paano ipasok ang Mommy ni Akira .. kung wala man akung maisip assume nalang nating dedu na talaga yun :D

Chapter 102

Sarah's POV

" Kamusta na kayo anak? " si Mommy

Andito kasi kami ngayon sa recognition ng mga bata , siyempre kasali na don si Akira , si Zeth and Pyro .. andito kaming lahat para sumuporta sa mga bata. Buti nga e walang may lakas ng loob na magpa picture sa amin ni Gerald , to think na artista kami dati , kasi kung sa ibang sitwasyon meron pa talaga ang nagpapa picture.

" Okay naman kami My " sagot ko kay Mommy habang nakatingin sa mag-ama ko na nasa bandang stage kasi sila yung aakyat para kabitan ng medal si Akira. Prep palang ito pero honor student na sa class.

" Thats good .. so kailan ang kasalan? " tanong ni MOmmy sa akin , napatingin tuloy ako sa kanya

" Anong tanong po ba yan My .. siyempre hindi pa sa ngayon! " sagot ko sa kanya

" Aba anak dapat magmadali na kayo " singit ni Daddy , pinag gitnaan kasi nila ako ngayon

" At bakit naman po? "

" Para may another baby girl na naman kami " natatawang sabi ni Daddy ..

" Andyan naman si Akira ahh .. si Pen pa! " ani ko

" E kasi naman malalaki na sila ..iba naman yung maka karga namin ng Daddy mo .. alam mo naman si Pen napakatabang bata , di na kaya ni Mommy tapos si Akira naman , simulang naging Mimi ka niya aba tumaba na din .. " pagda drama ni Mommy

" Dont pre ---- " di ko natapos ang sasabihin ko kasi tinawag ang name ni Akira kaya tumayo kaming lahat para pumalakpak para kay Akira " Huwag niyo nga akong i pressure My .. dadating at dadating din kami diyan " sabi ko habang nagka clap hands parin

" Sabagay pero sana huwag niyong tagalan .. " singit ulit ni Daddy " Mamaya kakausapin ko si Gerald " dagdag pa ni Daddy , ang kulit talaga e

" DADDY!  " medyo napa sigaw ako don buti nalang talaga medyo maingay , natawa tuloy silang dalawa ni Mommy 

" Ikaw talaga pikon palagi .. e kahit hindi ko naman sabihan si Gerald may plano din naman yang isang yon! Yon pa mahilig yon mag surprise baka isang araw pagising mo kasal na pala kayo " 

" That will never happen ..ano yon lalasingin niya ako? "

" Pwede para maging kanya kana ng tuluyan " sabi ni Mommy

" Mag-aaway talaga kami pag ginawa niya yon " sabi ko , seryosong pagsasabi ko sa kanila

" Ito naman jino joke kalang namin eh " si Mommy 

" Ay naku Pot di kana nasanay .. lumalabas lang naman yang pangungulit ni Mommy't Daddy sayo pag ikaw na pinag-uusapan " singit ni Ate Shine na katabi ni Daddy

" Oi Shine next na ang mga Kinder 1 ohh .. sige na punta kana don " sabi ni Daddy kay Ate Shine

" Dont worry Dy andon naman si Lance ohh .. " sagot naman ni ate

" Ikaw Johna? " tanong ni Mommy kay ate na nasa gilid niya

" Andon na din si Cris ma ..kaya dont worry! " sagot ni ate Johna

Si Gab naman at si Ken ayon taga kuha ng picture sa mga bata. Sabi pa nga nila Partners in Crime daw silang dalawa e. Ang Mama naman ni Gerald e hindi nakapunta kasi sa susunod na araw e pupunta na din kami don para sa 2 weeks vacation namin don. Gusto nga sumama nina ate pero hindi pumayag si Lance kasi buntis ito , si ate Johna naman gusto din niya pero since andito daw si ate Shine , sasamahan niya ito. Pa Pampanga nalang daw sila , si Gab naman sasama sa akin. Di pa daw kasi siya nakakapunta ng GenSan. After ng recognition ng mga bata , dumiretso na kami sa resto , don kasi namin isi celebrate. Nag convoy na din kami, kanya-kanya kasing dala ng sasakyan e.

Ready To Take A Chance AgainWhere stories live. Discover now