Chapter 30

7K 46 8
                                    

Chapter 30

 

 

 

Sarah’s POV

 

 

 

“ Hindi mo pa rin ba sinasagot?! “ si Mommy

Kakarating lang nila galing Paris .. Sakto naman na pagdating nila na birthday ni Gerald ngayon. Tsaka andito kami ngayon sa bahay ng ate ko , dito kasi mag celebrate ni Gerald , dahil sa mga bata para hindi na daw bumyahe ng malayo . Ang dami niyang arte kung saan-saan na nga niya dinadala ang mga bata e.

“ Hindi pa po My! “ sagot ko naman sa kanya

Tanaw na tanaw namin ni Mommy ang mga tao sa garden nina Ate . Kanya-kanya kasing trabaho ang mga tao , ako naman ayaw nilang patulungin since kakadating ko lang from work.

“ So hanggang kailan?! “

“ Minamadali mo naman ako Mommy! Dati sabi po tagalin ko para dun makita kung worth it ba siya “ nagbago na talaga ang hangin ngayon

“ Ito naman , tinatanong lang anak.. “ sabi ni Mommy

" Mahal mo naman diba? "

" Oo My .. sumobra na nga e "

" So anong problema? "

" Wala namang problema Mommy .. naghahanap lang ng perfect timing "

' Perfect timing?! " seryosong tanong ni Mommy nakatingin pa nga siya sa akin e

" Oo .. basta isang araw mababalitaan niyo nalang na kami na! " sabi ko kay Mommy

" Ikaw Sarah ha! Minsan di na talaga kita maintindihan .. kung ma sekreto ka dati , mas ma sekreto ka ngayon "

" Siyempre Mommy kailangan yun " sabi ko sabay tawa at niyakap si Mommy " Aray ha! " hinampas kasi ako sa balikat

" Umayos ka nga! " sabi ni Mommy

" Umayos naman ako ha! " sabi ko kay Mommy , yakap-yakap pa rin siya

Ready To Take A Chance AgainWhere stories live. Discover now