Chapter 94
Sarah's POV
5 o'clock in the morning palang gising na ako , para maghanda ng breakfast para sa mga bata at kay Gerald , since na surprise naman ako ni Gerald kahapon , ako naman ang mag susurprise sa kanya , tulog na tulog pa naman din sila , knowing Gerald hindi kasi siya morning person. Kaya sure akong hindi siya magigising kahit anong ingay ang gawin ko dito sa kitchen niya.
" Hija " tawag sa akin ni ate Marie , pinatulong ko na din kasi siya
" Po? " sagot ko pero hindi ako nakatingin sa kanya , busy kasi ako sa kakahiwa ng uulamin namin , kaya focus ako don baka kasi mahiwa pa yung daliri ko.
Pero hindi man lang ako sinagot ni ate kaya tiningnan ko siya , at naka smile lang siya sa akin yung smile na parang nang-aasar.
" Anong klaseng smile yan ate? " tanong ko sa kanya
" ALam mo para kang asawa ni Gerald sa inaakto mo ngayon .. yung tipong maaga ka talagang nagising para ipaghanda ng breakfast yung mga anak at asawa mo " sabi ni ate pero yung boses niya nang-aasar talaga
" Ikaw ate ha ..nilalagyan mo ng malisya , ginagawa ko lang naman to para makabawi din don sa tao .. si Gerald .. siyempre marami na siyang nagawa para sa akin .. simpleng luto lang naman to e para sa kanila " sagot ko dito
" Ohh siya sige , hindi na kita kukulitin sa bagay na yan!! " sabi ni ate pero halatang nang-aasar parin
After 30 minutes natapos din kami sa pagluluto , electric naman kasi ang gamit ni Gerald kaya mas madali lang talaga. Iinitin nalang din maya-maya pag gising na talaga sila. Iniwan na din ako ni Ate para bumalik sa unit ko , kailangan pa daw niya kasing maglinis e.
Nasa couch lang ako para tingnan yung tatlo na natutulog sa malaking higaan na nilagay namin kagabi hanggang sa may naalala ako , yung binigay ni Gerald sa akin na envelope , kaya ayund ali-dali kung kinuha yun kung saan ko nilagay. At dahan-dahan kung binuksan yung sliding door papunta sa terrace ng unit ni Gerald.
" Please read first the blue one " basa ko dun sa nakasulat don sa envelope , kaya ayun inuna kung kinuha yung blue .. yung isa kasi white e at binuksan ko na agad yung letter na blue " If I could have just one wish,
I would wish to wake up everyday
to the sound of your breath on my neck,
the warmth of your lips on my cheek,
the touch of your fingers on my skin,
and the feel of your heart beating with mine...
Knowing that I could never find that feeling
with anyone other than you. " basa ko don sa naka italized " P.S Lakas ko maka Pervert noh? Hehe .. " basa ko naman don sa naka bold , sa bandang baba ng letter
YOU ARE READING
Ready To Take A Chance Again
FanfictionReady To Take A Chance Again by MichyPot ang pagbabalik ko sa pag-gawa ng AshRald FF!! Sana magustuhan niyo po :)