Minsang napapatingin si Tim sa kasamang naglilinis ng ground na si Hanna,.. Ibang iba na ang dalaga mula ng magkahiwalay sila. Kung noon ay halos hindi mo ito mapagsosoot ng palda at palagi lamang pants ang get up nito, pero ngaun palang dalagang dalaga na ito ay malaki talaga ang pinagbago.. Sa soot nitong miniskirt at long sleeve shirt ay hindi nababagay ang magwalis ng harapan..
Mas gumanda at mas kuminis ang kanyang balat na para bang hindi nadadapuan ng kahit na anong insekto...
Biglang naalala ni Tim ang nakaraan nila.. Ang pag iibigang nauwi sa wala..
At ito ang lubos niyang pinanghihinayangan sa lahat...
Oo mahal nya si Hanna pero ng makipaghiwalay ito ay nasaktan tlga siya. Ni hindi niya alam kung bakit, ano nga bang dahilan? Ganoon ba tlga si Hanna, na kapag ayaw na nya ay makikipaghiwalay na lang basta basta?...
Sumabay pa tlga ng mga panahong lugmok na lugmok si Tim. Ng maghiwalay ang parents nya at dahil sa nag iisa siyang anak ay nahirapan siyang pumili kung kanino siya sasama. At dahil sa pang iiwan noon ni Hanna ay nawalan na siya ng tiwala sa mga babae, na halos pati sa mismong ina nya ay nawala ang amor nya, na baka iwan lang din siya nito.. Yung tipong lahat ng babae ay iiwan lang din siya sa huli.. Kaya mas pinili niyang sumama sa kanyang ama..
Nangibang bansa ang kanyang ina at mula ng magkahiwalay ay hindi pa muling nagpaparamdam sa kanila. Kasama nya ngaun ang kanyang ama na siyang may ari ng eskwelahang pinapasukan nila...
Oo,anak siya ng may ari ng school pero wala ni isang nakaka alam nito. Sinadya niyang itago ang totoong pagkatao niya dahil ayaw nyang pintasan ng ibang tao. Gusto niyang tumayo sa sarili nyang mga paa... At gusto niyang mahalin siya bilang siya at hindi dahil sa estado ng pamumuhay niya...
Ang paglilinis nyang iyon ay naging daily routine na lamang nya kapag mayroon siyang free time.. Hindi dahil sa naparusahan siya kundi dahil sa gusto nya lang iyon at pra isipin ng ibang tao na badboy at warfreak siya, gaya na lang nga ng iniisip pala ni Hanna sa kanya...
Mas ok ng ganoon at least malalaman nya kung sino tlga ang totoong dapat pagkatiwalaan at sinong totoong magmamahal sa kanya...
Pangatlong taon na nila sa kolehiyo pero ni minsan ay hindi pa siya nagka girlfriend.
Oo hindi pa tlaga pero marami na siyang napaiyak na babae.. The truth is, si Hanna ang una at huli nyang naging girlfriend.. Kasi nga wala na siyang tiwala sa mga babae... Ang napakagwapong si Timothy Brosoto ay virgin pa pala?, parang mahirap paniwalaan noh dahil sa pagkakakilala ng iba sa kanya.. Ilan lang kasi ang kaibigan nya sa school at sila lang ang nakaka alam ng totoo nyang pagkatao...
..."Mr. Timang,tutunganga ka nalang ba jan? Hindi mo ba ko tutulungan ng matapos na ito at ng makauwi na ko, kanina pa kong nangangati dito..."... Wika ni Hanna sabay kamot nya sa kanyang leeg...
Napangiti lamang si Tim saka pinulot ang walis at nagsimulang magwalis... Tahimik lamang ito habang naglilinis.. Samantalang si Hanna ay kanina pang inis na inis sa binata pero hindi naman nya alam ang dahilan. Wala naman itong ginawang masama sa kanya ngaun...
Ngaun wala pero noon meron,,
Pero teka, si Hanna nga pala ang nakipagbreak kya dapat si Tim ang magalit db...
Pero kasalanan naman ni Tim kya ito nakipagbreak...
Hmmm.. Kahit ano pa yan wala ng mangyayari pa dahil hindi na maaaring ibalik pa ang nakaraan.. As in never... Like ever...
..
Matapos nila doon ay nagmamadaling umalis si Hanna at hindi man lang nilingon ang binata. Nakamasid lamang si Tim sa papalayo ng dalaga...
Napahawak siya sa magkabilang bewang nya at napahinga ng malalim. Sinabayan pa ng pag iling iling at naupo sa upuan sa likuran nya...
"I still love you Hannabel, pero hindi na maaari, ayokong maiwan muli.. Ayoko na..."....
....
Sa loob ng taxi kung saan nakasakay si Hanna ay napapatingin sa kanya ang mamang driver dahil kanina pang naka sambakol ang mukha ng dalaga at hindi maipinta ang mga mata nito...
"Miss beautiful.. Ang ganyang mukha hindi sinasayang.. Dapat palagi yang nakangiti dahil kapag nagkaguhit yang noo mo,halatang halata yan. Maputi pa naman at makinis.. Be happy !"... Wika ng driver ng taxi..
Napatingin nmn si Hanna sa driver pero ngbalik muli ng tingin sa labas ng taxi at nakasimangot pa rin...
Napangiti na lamang ang mamang driver sa ginawa ng dalaga...
Pagkauwi niya sa bahay ay dumiretso siya agad sa kwarto nya at padabog na isinara ang pintuan.. Nadaanan pa nya ang nakababatang kapatid na si Henry pero ni hindi man lang niya ito pinansin. Napakamot na lang sa ulo ang kapatid...
"ang mga babae tlga... Siguro may period un..."... Wika ni Henry sabay patalbog ng bola at lumabas ng bahay nila pra maglaro ng basketball..
"nakakainiisssssss!,, gggrrrrrhhh!,,, bakit ba kasi nakasama ko pa siya kanina.. Parang sinadya lang.. O tlga ngang nananadya ang lalaking yun... Humanda siya sakin bukas pag makita ko siya...,,... Bukas???? Makita???? As if naman gusto ko pa siyang makita pang muli, sa laki ng campus imposibleng magkita pa kmi ulit... Makatulog na nga ng matapos na tong worse day of my life...ever..!!!!" nagtalukbong siya ng kumot at nagsimulang matulog...
....
Sa di maintindihang pagkakataon ay nakita na lamang nya ang sarili na nsa isang madilim na lugar na walang katao tao. Natakot si Hanna dahil mukhang uulan pa ata. Malamig ang paligid doon.. Kahit kinakabahan ay naglakad siya at hinanap ang daan pauwi ngunit hindi nya makita.. Hanggang nagsimula ng pumatak ang ulan kaya nagtatakbo siya papunta sa isang waiting shed..
Pagdating nya doon ay nakita nya ang isang lalaking naka subsob ang mukha sa mga tuhod nito at umiiyak. Natakot man siya pero mas nangibabaw ang pagkahabag nya sa binata kaya unti unti nya itong nilapitan at hinawakan nya sa balikat...
Pagtunghay ng ulo ng binata ay napabitaw si Hanna sa pagkakakapit sa balikat dahil ang lalaki ay walang iba kundi si Mr. TIMANG...Nagulat si Hanna at biglang nagising sa pagkakatulog nya dahil nahulog na pala siya sa kanyang kama...
"panaginip lang pala"... Nawika ni Hanna sa sarili nya sabay takip ng unan at sumubsob sa carpet na sahig....
Hanggang sa panaginip dinadalaw siya ng binata..
Kung bakit ba kasi nagkahiwalay pa sila...Sabagay kasi kung hindi sila nagkahiwalay e di wala sana tayong aabangang kwento ngaun db..
E paano ko nga ba ikukuwento ang love story nina Tim at Hanna kung palagi akong nauubusan ng ideya at oras? Hmmmm bahala na nga si batman...
Pagbatiin ko na kaya sila para sa chapter 3 ending na?haha joke lang xempre...
Dadating din tayo jan..
Dahil db nga love can wait at kung love nyo ko makakapaghintay kau sa next updates... HeheIloveu all... Hanggang sa muli ...

BINABASA MO ANG
Bahala Na Si Batman
RomanceIt's not who we are underneath, but what we do that defines us..