Chapter 3

9 0 0
                                    

Tamad na tamad pumasok si Hanna ng umagang iyon dahil sa iniindang sakit ng balakang gawa ng pagkakahulog nya kagabi sa kama. Hawak nya ang balakang habang naglalakad patungo sa kanyang silid aralan...

Naupo siya roon at kinuha ang maliit na salamin sa loob ng bag at nagsimulang mag retouch. Dahan dahan nmn siyang nilalapitan ng kanyang mga "not so good friends forever" na puro kalokohan lang ang nalalaman. Gugulatin sana nila si Hanna ng bigla naman itong tumayo kaya napatulak sila dito at tuluyang nabagsak ang dalaga. Dala na rin siguro ng sakit niya sa balakang... Not so good friends tlaga noh.. Dahil ng mabagsak siya ay sabay sabay pang nagsitawanan ang mga ito... Naputol lamang ang tawanan ng nakita nilang iba na ang itsura ng kaibigan. At doon pa lamang nila ito dinaluhan at binuhat papuntang clinic...

Sa loob ng clinic...

"kaya mo na dito, cge na wala ka naman ng klase .. At mgbabantay ka lang nmn,for sure wala namang madadala ngaun dito kya tatambay ka lang muna dito habang nsa botika pa ko... Cge na bye...!"... Sabay labas ng school nurse at naiwan si Tim na hindi man lamang nakatutol..

Madalas din magtambay doon si Tim. Barkada nya ang nurse doon at isa ito sa nakaka alam ng totoong pagkatao ni Tim..

Naupo na lamang siya roon ng padabog saka inikot ikot ang lapis na hawak hawak nya...

Napatayo si Tim at nabitawan nya ang hawak na lapis ng may biglang pumasok sa loob ng clinic na isang bulto ng mga estudyante na may buhat na babae..

Agad niyang dinaluhan ang mga ito at iginiya sa may kama pra maihiga doon ang dalaga..

"miss anong masakit sayo?"... Tanong ni Tim na mejo natataranta pa. Hindi pa niya nakikita kung sino ang dalaga dahil nakatakip ang buhok nito sa mukha..

Napansin ni Tim na hawak ng dalaga ang balakang nito kya mukhang alam na nya kung anong masakit. Hahawakan na sana nya ito pra ma check ngunit bigla siyang sinampal ng dalaga...

"bastos!"...sabi ni Hanna sabay tabig ng mga kamay ng binata..

Napahawak nmn si Tim sa kanyang pisngi dahil napalakas ata ang sampal ng dalaga. At ng makita niya ang mukha ni Hanna ay napakunot ang noo nya...

"Hannabel?, napaano ka?"... Wika ni Tim...

Hindi n rin nakapalag si Hanna ng iniayos ni Tim ang pagkakahiga nya gawa na rin ng sakit ng kanyang balakang...

Hindi alam ng mga kaibigan nila ang tungkol sa nakaraan ng dalawa. Papalit palit ang mga ito ng tingin kina Tim at Hanna.. Mukha raw kasing bagay ang dalawa.. Nai match make na kaagad sila ng malilikot na isipan ng kanyang mga kaibigan..

Ang totoo ay mukha naman tlgang bagay na bagay sila.. At isa pa ay single naman itong si Hanna kaya pwedeng pwede.. Gusto n rin kasi nilang magka jowa ito dahil sa kanilang magbabarkada ay itong si Hanna na lamang ang walang boyfriend.. Hiyang hiya naman silang lahat dahil sa kanilang lahat ay si Hanna ang may pinaka charming na mukha.. Minsan nga iniisip nilang tibo itong si Hanna dahil sa dinami dami ng nanliligaw ay wala nmn pinapansin.....
.

Naputol ang pag bubulong bulungan ng mga kaibigan ng dalaga ng lapitan sila ni Tim. Mejo maayos na rin si Hanna dahil na rin sa tulong ng binata. Kailangan lamang nitong magpahinga saglit at maya mya lamang ay pwede na rin siyang umuwi at makapagpahinga..

"doc, ang galing mo naman at napakalma mo yang kaibigan namin. May pagka amazona talaga yan e at kahit kami hindi namin yan masalungat sa gusto nya.. Tsaka doc bagay kayong dalawa ha...,uuyyy!"... Wika ng isa sa mga kaibigan ng dalaga.. Binatukan nmn siya ng isa pa kya nahinto ang pagsasalita nito...

Napangiti lamang si Tim saka nagsalita..

"hindi pa ko doctor pero malapit na..."... Sabay labas nito ng clinic at naiwang nakanganga ang mga kaibigan ni Hanna...

"in fairness gwapo siya ha, kung sakaling hindi sila pra sa isat isa ng kaibigan natin,handa kong iwan ang jowa ko maangkin ko lang siya.."... Wika ng isa...

"gaga,tigilan mo n nga yang kamanyakan mo Peter.. Kilabutan ka sa sinasabi mo jan"... Wika ng isa..

"correction, its Patricia, not Peter..."...wika nito...

"ok Patricia na walang matres tumigil ka na jan at tatamaan ka na talaga sakin..." wika ni Joyce na isa pang kaibigan ng dalaga...

Tumagal rin ng dalawang oras sa clinic si Hanna. Nakatulog pla siya at pag gising nya ay mukha na ng nurse ang nakita nya..

Parang may kumurot sa puso nya. Parang may hinahanap ang kanyang mga mata pero ayaw naman ng katawan nya..

"Miss Cruz kumusta na ang balakang mo? Masakit pa ba?" nakangiting wika ng nurse kay Hanna..

"maayos na po.. Salamat pala ha"... Wika ng dalaga..

"huwag sa akin, kundi kay Tim. Siya ang nag asikaso sayo at pagdating ko natutulog ka na habang siya naman nakabantay sayo"....

Biglang nagtatalon ang puso ni Hanna. Gusto niya ang kung anumang narinig niya mula sa nurse. Hindi nya maitatangging mahal pa niya ang binata pero pinipigilan lamang nya ang sarili dahil mukhang wala naman ng gusto sa kanya si Tim... Wala ng pag asang magkabalikan pa sila...

Kung sa kasabihan dw ay malabo pa sa tubig ng imburnal ang pag asang muling may mabuong pagtitinginan sa kanila ng binata...

Ng mejo umayos na ang pakiramdam ni Hanna ay nakauwi rin ito sa kanila.. Hindi niya alam na nakatingin pla si Tim sa di kalayuan at binabantayan siya hanggang sa makasakay siya sa taxi.. Saka lamang ito umalis ng umandar na ang sasakyan...

Minsan tlga hindi mo maintindihan ang love. Yung tipong mahal nyo ang isat isa pero hindi na lang maging kayo.. Ang gulo noh..
Kasing gulo nina Hanna at Tim..

Paano ko kaya sila pagsasamahing dalawa?

Si Hanna na umaasa pa ring muli siyang mahalin ni Tim pero hindi maaaring mauna dahil isa siyang babae

At si Tim na takot ng magmahal at maiwang muli kahit sa puso nya ay alam niyang may pagtingin pa siya sa dalaga...

Kapag wala na ang takot sa puso natin, maaaring manumbalik ang pagmamahal kya ito ang misyon natin... Ang alisin ang takot sa puso ng binata...

.....

Bahala Na Si BatmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon