Chapter 6

5 0 2
                                    

"thank u Digo sa paghatid sa akin. Nag abala ka pa,pwede naman akong mag taxi na lang sana.."... Wika ni Hanna sa binata...

"Gusto ko to Hanna at pra mas sigurado akong makakauwi ka ng ligtas..."... Wika naman ng binata..

Napangiti si Hanna sa narinig.. Masarap din pala sa pakiramdam yung ganitong may nag aalala sayo. Huli nya kasi itong naramdama ay nung high school pa lang siya. Nung mga panahong may minamahal pa siya.. Nung mga panahong sila pa ni Tim...

Napatulala si Hanna at napansin ito ni Digo na nagpakunot ng kanyang noo..

"Hanna ok ka lang ba?"..wika ng binata...

Narinig siya ni Hanna na mejo nagulat pa ng bahagya. Tinitigan siya ng dalaga at napatango lamang ito..

"ok lang ako , salamat pala ulit ha... Ahmmm pasok na ko."... Sabay lahad ng kanyang kamay sa binata tanda ng pagpapasalamat...

Inabot naman ito ng binata at saka ngumiti kay Hanna at nagpaalam na rin....

..

Pangiti ngiti sa sasakyan si Digo habang hawak ang cellphone nya. Hindi hadlang ang matinding traffic pra ma badtrip xa dahil nag eenjoy naman siyang titigan ang pictures ng dalaga sa facebook account nito. Hiningi nya ito habang nsa sasakyan sila at inihahatid nya si Hanna pauwi...  Na accept na siya ng dalaga kaya ngaun ay mas marami na siyang nakikitang litrato ng dalaga...

Napakaraming followers ng dalaga na umabot na sa 6000+ .. Mas napahanga siya dito dahil pagtingin niya sa nsa friendslist nito ay nsa 400+ lamang ang friends nya.  Meaning pili lamang tlga ang ina accept nito at dahil hindi siya ignored ng dalaga ay naisip nyang may halaga din siya rito...

Nag browse pa siya sa timeline ng dalaga at ng may makita siyang video ay kaagad nyang pinindot ang play button nito. Napamangha siya ng makita si Hanna na nagsasayaw sa isang entablado. Pamilyar ang lugar at malamang ay doon yun sa campus nila. Napakagaling nitong sumayaw at sa sobrang dami ng naghihiyawan ay hindi na nya marinig ang background music... Mas lalo siyang namangha sa dalaga. Ibang iba ang personality nito kapag kausap mo lang at ang aura nya kapag sumasayaw na.

"Hanna, Hanna, you made my day, "... Wika ng binata sabay napangiti ito ng pagka tamis tamis.....

....

Si Tim naman ay balisa ang katawan at hindi mapakali habang hawak hawak ang isang bote ng alak na kanina pa nyang tinutungga. Nsa isang bar siya sa isang tambayan nya at doon siya malimit nagpapalipas ng oras. Wala naman kasi siyang pwedeng tambayan.. Pag uwi nya ng bahay ay pawang mga katulong lamang ang kanyang nakikita. Hindi madalas umuuwi ang kanyang ama at hindi naman nya alam kung saan ito nag e stay... Ang alam lamang nya ay busy ito sa negosyo at sa pagpapalakad ng unibersidad.. Kahit naman nakatago ang identity nya ay ramdam naman nya na hindi siya pinapabayaan ng kanyang ama.. Hindi man niya hawak ang apelyido ng ama ay masaya naman siya dahil hindi naman nagkukulang ang ama nya sa pagpapalaki sa kanya..

Oo, hindi nya dala dala ang apelyidong Valle dahil sa hindi kasal ang kanyang magulang...

Patong patong na ang nsa isipan ni Tim sa mga oras na iyon.. Naiisip nya ang kanyang ina. Gusto nya itong makita dahil sa totoo lang ay miss na miss na nya ito ngunit may bigla na lamang sasagi sa isipan nya na nagpapagalit sa kanya.. Yun ay ang bigla na lamang pag iwan sa kanya nito.. Kpg naiisip nya ito ay kaagad nawawala ang pagkasabik niyang makita at maramdaman ang anak.. Napapalitan kaagad ng pagka poot at hindi niya naiiwasan ang maluha kpg nsa ganoon siyang isipin....

Problema sa ina, at ngaun naman ay problema sa pusong naging kasing tigas na ata ng batong buhay...

Naguguluhan siya sa tuwing makikita nya si Hanna, lalo ngaun na npapadalas na ang pagkikita nila.. At ngaung nalaman nyang hindi lang pla siya ang nkakakita sa dalaga.. Maging ito man ay npapansin din pla siya sa campus.. Npangiti ang binata ng bahagya ngunit binawi nya rin ito kaagad sabay tungga sa kanyang alak...

Alam nya sa sarili niyang mahal pa niya si Hanna pero ntatakot na siyang pgbigyang muli ang puso nya...

Pero pgkakita nya sa kasama nitong lalaki ay takot at kaba ang bigla nyang naramdaman. Ayaw nyang may ibang mamahalin ang dalaga. Hindi nya napaghandaan ang ganitong sitwasyon. Nakalimutan nyang posible nga pla itong mangyari... At hindi niya mapipigilan ang dalaga.. At wala siyang karapatang pangunahan ang mga magiging desisyon ng dalaga...

Yung isipin pa lang nyang may ibang humahawak ng kamay ni Hanna ay baka mabuwang na siya, paano pa kung may iba ng hahalik sa dalaga?,...ano pang pwede nyang magawa....

Naibato nya ang hawak na bote na ikinagulat ng mga taong naroroon. Doon lamang nya napagtanto na nsa isang bar nga pala siya at maraming tao sa paligid.. Lumulutang kasi ang isipan nya sa mga oras na ito... Naisubsob na lamang nya ang ulo sa mesa at saka napapikit ng mariin...

....

Si Hanna naman ay nakadapa sa kanyang kama at nakaharap sa kanyang laptop. Nagsesearch kasi siya ng design na gagamitin nya sa presentation . May biglang nag pop out na message sa kanyang facebook.. In open nya ito at saka binasa...

"hi, Hanna. Nakaka storbo ba ako sayo?, i just want to thank u for accepting my friend request, Im lucky enough to be one of that 400+ on your friends list :) "..... Message from Digo..

Saglit na nag isip si Hanna ng irereply sa binata.. Natagalan rin siya bago nakapag type kasi sa totoo lang ay wala doon ang isip nya kundi nsa presentation na ginagawa nya pra bukas..

Almost 10minutes na atang naka abang si Digo sa irereply ni Hanna.. All he can see is a word "typing".... Hindi nga siya halos kumurap pra mabasa kaagad ang sasabihin ng dalaga....... Ngunit bigo siya dahil after almost 15minutes, it ended up........ "seen"........
(seenzoned)......

Nanlumo si Digo at napabuntong hininga na lamang siya saka nag lagout at pabagsak na nahiga sa kanyang kama....
....

Bahala Na Si BatmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon