Hindi alam ni Hanna kung mg aalala o ite treasure n lamang ang moment na ito with this guy..
Nag aalala siya dahil for sure ay hindi na mapakali ang mga magulang nya dahil sa pag aalala sa kanya.. Ni minsan kasi ay hindi pa nya nagawang hindi umuwi ng bahay ng hindi man lamang nag papa alam sa magulang niya...
Pero ang isiping kasama nya ngaun si Tim,prang naisantabi na nya lahat ng pangamba at takot.. At sa puntong ito ay mas nkakatyak na nga siyang mahal pa nya ang lalaking ito..
Biglang tumayo si Tim at akmang lalakad ng hawakan ni Hanna ang kamay ng binata at hilahin ito pabalik sa kanya..
"huwag kang umalis, please.. Natatakot ako.." malumanay na salita ni Hanna at bakas din sa tinig nya ang takot...
Takot? Takot na maiwan sa dilim o takot na muling iwan ni Tim? Sa palagay nyo?....
Muling umupo si Tim at tinabihan si Hanna saka hinagpos nito ang buhok ng dalaga... Kahit munting liwanag lamang ang nag iilaw sa dalawa at ramdam nila sa bawat isa ang ginhawa kapag mgkadikit ang mga ito... Feeling safe ika nga, lalo sa part ni Hanna...
"huwag kang matakot Hanna, Im here,hindi ka mpapahamak,promise.. Kailangan ko lang makahanap ng outlet plug pra makpag charge ka... Mukha kasing drained na yang battery ng cellphone mo na knina mo pang hawak hawak.."... Wika ni Tim
Napatingin si Hanna sa kanyang cellphone at doon nya lamang muli naalala ang mga magulang nya kya bumalik muli ang pangamba sa puso nya.. Dali dali siyang pumayag sa gusto ni Tim at kaagad naman itong nakahanap kung kayat nakapag charge ang dalaga...
Agad naman nyang tinawagan ang kanyang ina na noon ay alalang alala na nga sa kanya... Ikinuwento nya ang nangyari at sinabi na rin nya na walang dapat ipag alala dahil my kasama siya roon...
Ngunit hindi pumayag ang kanyang ama na kinabukasan p sila mkaka alis doon lalo pa nung malaman nito na lalaki ang kasama ng anak sa loob..
Mgkatabing nakaupo lamang ang dalawa sa isang sulok... Mga buntong hininga lamang ang maririnig sa bawat isa... Parang kapwa gusto mgsalita ngunit hindi alam kung saan magsisimula...
Napatingin si Tim sa mukha ng dalaga at ganundin ang dalaga sa kanya ngunit kaagad na nagbaba ng tingin si Tim.. Ngunit nakatitig pa rin si Hanna sa mukha ng binata...
"bakit??..." wala sa loob na wika ni Hanna....
Nagulat si Tim sa sinabi ng dalaga....
"anong bakit?"...wika ng binata...
"bakit parang balewala lang sayo ang lahat?" muling wika ni Hanna...
Kahit hindi masyadong nakikita ay naramdaman ni Hanna na sumeryoso ang mukha ng binata.. Isang buntong hininga ang pinakawalan nito saka nagsalita...
"halos apat na taon na ang nakalipas Hanna,kalimutan na natin yun.. Maayos naman na tayo db, ikaw,naka moved on ka na... Wala ng dapat problemahin..." wika ni Tim
Hindi nagsasalita ni Hanna hanggang sa maramdaman ni Tim na lumuluha na pala ang dalaga... Napatitig siya dito...
"Hanna, ano ba... Kagustuhan mo naman yung nangyari db, at alam mo kung gaano kita kita kamahal.. Pero anong ginawa mo, iniwan mo ko.. Hindi kita sinusumbatan dahil alam ko may dahilan ka kaya mo yun ginawa. Pero hindi ko ini expect na until now apektado ka pa rin gaya ng pagiging apektado ko..".... Malumanay na wika ni Tim...
Napatingin si Hanna sa binata. Hindi niya napaghandaan ang sinabi ng binata.. Apektado pa rin pla siya sa nangyari.... Biglang tumalon ang puso niya sa saya ngunit napawi ito ng malaman niyang siya nga pla ang nang iwan sa binata...
"Tim, im sorry kung nkipg break ako sayo dati. Im sorry kung naging immature ako noon. Masyado pa tayong mga bata kya siguro hindi p ko marunong mg desisyon... Pero my kasalanan ka rin kung bakit ginawa ko yun.. Binabalewala mo na ko at hindi ka na tulad ng pgkakakilala ko sayo. Nawala ang sweetness mo at parang nanlalamig ka na sakin.. Kya naisip ko na makipag break sayo dahil umasa ako na ipaglalaban mo ko.. Pero nagkamali ako. Mabilis ka lang sumang ayon sa kagustuhan ko.. Kya nagkahiwalay tayo..."... Rebelasyon ni Hanna...
Matagal bago nagsalita si Tim.. Tinitigan nya muna si Hanna saka hinawakan nya ang pisngi ng dalaga..
"hindi mo alam kung gaano nadurog ang puso ko ng mga oras na sabihin mo sa akin na nakikipag hiwalay ka na, na yung inaasahan kong babae na malalapitan ko sa mga oras na iyon ay iiwanan lang din pala ako... Sa mga oras na kailangang kailangan kita dahil sa pag iwan sa akin ng ina ko.. Pero anong nangyari,kasabay ng pagkawala ni mama ay ang pagkawala mo rin sa buhay ko. Kya matapos ng nangyari, isinumpa kong hinding hindi na ko muling magtitiwala sa mga babae. Hinding hindi na ko muling magmamahal pa. Kinimkim ko ang galit na yun sa dibdib ko. Hanggang ngaun hindi ko pa rin mapatawad si mama at sa tuwing susubok akong magmahal muli ay mukha niya ang nakikita ko,kya nangingibabaw ang galit sa puso ko. Hindi ko mabuksan muli ang puso ko...... Hanggang sa makita kitang muli.. Aaminin ko na galit ang nangibabaw sa akin sa tuwing nakikita kita...pero napapalitan ito ng pagkasabik ngunit pilit kong nilalabanan dahil ayoko na muling masaktan pa.. Pero ng makita kitang kasama ng ibang lalaki, aaminin ko, hindi ko kya na mkita kang iba ang kasama mo, na hindi ako, na hindi tayo.. Galit sayo ang isipan ko pero itong puso ko, ikaw lang ang isinisigaw nito.. Hanggang ngaun..."....
Napaluha ni Hanna sa mga naririnig niya mula kay Tim. Hindi niya inaasahan na mgtatapat ito ng nraramdaman nito sa kanya. Kilala nya ito sa pagiging tahimik lalo na sa totoo nitong feelings pero this time ay ibang Tim ang humarap sa kanya.. At ng malaman nya ang lahat lahat ay bigla siyang nakaramdam ng pgkaguilty dahil kailangan pla siya ni Tim ng mga oras na iyon pero iniwanan lang niya ang binata...
"Im sorry Tim, kung nagtanong lang sana ako, kung alam ko lang sana hindi tayo humantong sa ganito..." niyakap nya ang binata at gumanti nmn ito sa mga yakap niya....
Nagtagal silang magkayakap hanggang sa si Tim ang unang kumalas. Nagulat si Hanna ng hawiin ni Tim ang buhok niya at punasan ang mga luha sa kanyang mga mata...
Mas bumilis ang tibok ng puso niya ng maramdaman niyang unti unting lumalapit ang mukha ni binata sa mukha niya..napapikit na lamang si Hanna at ni walang bahid ng pagtutol sa kanyang buong sistema sa kung anumang susunod na gagawin ng binata...
Kasabay ng paglapit ng mukha ng binata sa mukha ni Hanna ay ang pagbukas naman ng ilaw sa buong silid kaya ikinagulat nilang pareho at sabay na napatayo sa pagkakaupo...
....
BINABASA MO ANG
Bahala Na Si Batman
RomantizmIt's not who we are underneath, but what we do that defines us..