Chapter 5

6 0 0
                                    

Nagmamadaling pumasok ng pintuan ng silid aralan sina Joyce at Peter kasama si Digo. Saktong wala pang klase ng dumating sila.. Classmate sila roon ni Hanna pero sa ibang units ay mgkakaiba sila..

Wala pa si Hanna doon at malamang ay naglalakad pa lamang ito dahil nsa kabilang floor ang unang subject nito..

Kaagad na naupo ang dalawa sa gawing unahan samantalang si Digo naman ay umupo sa likurang upuan ng dalawa..

Pumasok na rin ang professor nila at isa isang nagsiupo ang mga estudyante.

Wala pa rin si Hanna. Kinakabahan na tuloy ang dalawa dahil itong prof na ito ang dahilan kung bakit napaglinis si Hanna ng bakuran ng campus... Pinag iinitan siya parati nito sa hindi maintindihang dahilan. Konting mali lamang ng dalaga ay parusa na agad ang naghihintay sa kanya..

Sakto namang talikod ng guro ay siyang pagpasok nitong si Hanna. Nakita nya agad ang guro kaya doon na siya napaupo sa likuran pra hindi mahalatang late siya ng dating...

Nagsimulang magsalita ang guro...

"before tayo mag start at bgo ako mag attendance, let me introduce to all of you first your new classmate.. Mr. Rodrigo Valle..." sabay lahad ng kamay sa binatang tumayo pra magbigay galang sa lahat..

Napatingin naman si Hanna sa binata pero nag alis din ng tingin. Umupo na si Digo at hindi niya napansin ang dalaga na nsa likurang upuan..

"ok class, attendance lang tayo ngaun ha dahil may important meeting akong dadaluhan.."... Wika ng guro nila...

Nagsimula na itong mg roll call at isa isa namang nagsitaas ng kamay ang mga estudyante..

"miss Hannabel Cruz"... Wika ng guro at doon nagtaas ng kamay itong si Hanna..

Slow motion pang napatingin si Digo at ng makita nya ang dalaga ay bigla siyang nabuhayan ng loob.. Biruin mong mgka kurso pa pala sila at mg classmates pa.. Napangiti ang binata saka muling dumako ang tingin sa gawing unahan.. Nagulat pa siya ng mkitang nakangiti sina Joyce at Peter sa kanya.. Hindi nmn maalis ang pagngiti ng binata...

Eto n ba ang hinahanap niyang forever? Mabubuo na kayang muli ang nawasak na puso ng isang Rodrigo Valle? ...

Oo,tama.. Nawasak ang puso nya ng iwanan siya ng kanyang pinakamamahal na babae.. Ang babaeng pinag alayan nya ng buong pagkatao nya.. Ang babaeng sa walang kadahilanan ay iniwan na lamang siya at hindi na muling nagpakita pa..

Mula ng mawala na parang bula ang kasintahan ni Digo ay hindi na siya muling nagmahal pa dahil kahit ganoon ang nangyari ay mahal na mahal pa rin niya ito.. At sa hindi maipaliwanag na sitwasyon ay muling tumibok ang puso niyang akala nya ay hindi na muling makakaramdam ng ganito.. Sa isang iglap at isang sulyap pa lamang nya kay Hanna ay iba na agad ang naramdaman nya.. Gusto niyang mapalapit sa dalaga at mas makilala pa ito ng lubusan.. At mukhang umaayon sa kanya ang kapalaran..

Magsisimula na ang pagbabago sa buhay ni Hanna...

...

Matapos mg attendance ng guro nila ay isa isa ng nagsilabasan ang mga estudyante.. Agad namang nilapitan nina Joyce at Peter si Hanna at hinila hila papalapit kay Digo..

"ano bang ginagawa nyong dalawa?"... Naiinis na wika ni Hanna...

"Hanna, hi again, Digo, remember?"... Wika ni Digo...

"oo natatandaan kita,, biruin mong magka klase pa pala tayo noh..."...

"ah oo nga e,masaya akong makita kang muli. Akala ko hindi na tayo mgkikita pa dahil sa laki ba naman ng eskwelahang ito...".....

Napapangiti at nagkukurutan ang dalawang tropa ni Hanna na nsa gawing likuran ng dalaga...

"ay Digo maiwan ka na namin ha kc may group study pa kming tatlo, cge see you tomorrow..."...sabay talikod ni Hanna..

Bigla namang nagsihawakan ng telepono ang dalawa at animoy may kausap sa phone nila...

"ah Hanna,hindi pla ako pwede ngaun kc nag aya si jowa, maybe next time nlng ha.."wika ni Joyce..
Napatingin nmn si Hanna kay Peter na napapangiti sa kanya..

"me,too kc may lakad kami ni mommy.."...wika ni Peter..

Tinaasan niya ng kilay ang dalawa sabay talikod..
"jan na nga kayo"...

Sinundan siya ni Digo sa paglalakad habang ang dalawa naman ay mgkahawak pa ang kamay na kinikilig... Nag appear pa ang mga ito...

Samantalang si Hanna naman ay padabog dabog na naglalakad sa hallway ng paaralan habang nakasunod sa kanya si Digo..

"Hanna"...wika ni Digo at doon napahinto sa paglalakad si Hanna at nilingon ang binata...

Lumapit si Digo at nagtanong sa dalaga..."may klase ka pa ba ngaun?"...

"wala na bakit?."....wala sa loob na wika ng dalaga..

"pwede ba kitang makasama saglit,kasi naliligaw pa talaga ako sa campus,gusto ko sanang malaman ung tamang mga daanan,kung maaari lang?"... Pakiusap ng binata...

"dahil sa wala naman din akong gagawin kaya cge samahan kita,pero daan muna tayo sa clinic kasi follow up check up ko ngaun.."....

Tumango at ngumiti ang binata kay Hanna..

Doon magkasabay silang naglakad papuntang clinic.. Habang daan ay ikinuwento na rin ni Hanna ang nangyari kung bakit siya papuntang clinic ngaun. Napapatango nmn si Digo. Sinabihan pa nitong mag iingat na ang dalaga sa susunod..

Ng makarating sila sa clinic ay naabutan nila roon ang school nurse at ang kausap nitong lalaki na nakatalikod sa kanila..

Pumasok sila sa loob at nagulat si Hanna ng makita ang binata..

Si Timothy,,, naroroon na naman siya sa clinic at masayang nakikipagkwentuhan sa nurse.. Nainis siya ng makita ang mga ito.. Hindi rin niya lubos maipaliwanag kung para saan ang pagka inis niya... Galit ba yun o selos!.....

Maging si Tim din naman ay nagulat ng mkita si Hanna na may kasamang lalaki.. Alam niya na follow up check up ngaun ni Hanna kaya nga siya naroroon ngaun.. Pero hindi nya napaghandaan ang pagkakita niya sa dalaga na may kasamang binata na hindi pamilyar sa kanya...

Lumapit si Hanna sa nurse at doon ay pumasok na sila sa loob. Naiwan ang dalawang binata sa labas at sabay pang naupo sa upuan na naroroon...

Walang imikan ang dalawa at naghihintay lamang sa paglabas ng dalaga..

Si Tim na hindi na nakatiis ay nagtanong na sa binata...

"pare,boyfriend ka ba nya?"....wika nito..

Napangiti si Digo sa tanong ni Tim..
"sa ngaun hindi pa,pero gagawin ko lahat magkatotoo lamang ang sinabi mo.. Siguro next time masasagot ko na ng oo yang tanong mo."... Confident na sagot ni Digo..

Naikuyom ni Tim ang kanyang mga kamao at umiba na lamang ng tingin..

..

Mukhang may kaagaw na sa puso ng dalaga itong si Tim.. Magagawa na kaya niyang muling buksan ang puso niya at alisin ang takot dito, o hahayaan na lamang na mawala ng tuluyan ang dalaga...

Sinong pipiliin ni Hanna, ang dating pag ibig o ang bagong may pag asang mgpatibok ng puso niya..?...
....
..

Bahala Na Si BatmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon