Amerika......
"Mam, pasok na po tayo ha,mejo lumalakas na yung hangin. Hindi na ito makakabuti sa inyo..".. Wika ng isang nurse sa isang babae na nakaupo sa wheelchair..
Pumasok na sila sa loob ng isang hospital kung saan naka admit ang isang babae. . Nakatulala lamang ito at halata ang pagkalungkot sa mga mata. Ngunit halata mo rin ang pagiging matatag nito at pursige na gumaling sa sakit na kanyang pinagdadaanan...
Pagpasok nila sa loob ay sinalubong sila ng isa pang nurse at tinulungan ang isa pa na maihiga siya sa kama ngunit......
"ako na mga iha.. Kaya ko na ito"... Wika ng nakangiti ngunit halatang mahina pa na babae...
Napahinto ang dalawang nurse at napangiti na lamang din sa babae.. Binitiwan nila ito ngunit nakaagapay pa rin sila habang tumatayo ang babae at humiga sa kanyang kama.....
"mam, napapahanga nyo po kami, bibihira sa katulad nyo ang itinutuloy ang laban.. Inspirasyon po kayo sa lahat ng pasyente dito..." wika ng isang nurse..
Napangiti lamang ang babae at napatingin sa hawak nitong litrato ng isang binata. Bahagya pa itong napaluha pero pinunasan nya agad ito at muling ngumiti at tumingin sa kanyang nurse...
"siya lamang ang tanging nagbibigay sa akin ng dahilan para ituloy ang buhay ko. Siya lamang ang dahilan kaya gusto ko ng gumaling. Gusto ko na siyang makasama.. Gusto ko na siyang mayakap....."sabay halik nya sa litrato ng binata....
......
Biglang napabangon si Tim dahil sa lakas ng tunog ng kanyang alarm clock.. It's almost 7 in the morning. Pikit mata nyang ini off ang alarm clock at muling bumalik sa pagkakahiga at nagtakip pa ng unan... Naparami ang nainom nya kagabi dahilan ng pagsakit ng kanyang ulo at mukhang ayaw pa nitong bumangon... Kung hindi nga lang sa depense niya mamaya ay malamang na mag aabsent na lamang siya ngaun...
"depense?? O my??!"... Gulat na wika ni Tim sabay bangon nito at dumiretso sa banyo...
Pagdating doon ay animong isang buntis na babaeng nagduduwal ito hawak pa ang kanyang dibdib..
Hindi ata naging maganda ang pagkakainom nya kagabi. Napasobra ito at sobrang sakit ng kanyang ulo ngayon...
Napatitig n lamang siya sa nsa harapang salamin at saka at napapikit ng bahagya saka nagsimulang maligo...
....
..
Sa loob ng kotse habang tinatahak ang daan patungong campus ay my bigla siyang nakita sa si kalayuan..
Kasabay ng paghinto nya sa sasakyan ay ang pagkabog ng kanyang dibdib dahil sa di magandang nakikita nya. Habang papalapit ito sa gawi ng kotse nya ay mas lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib....
..Si Digo at Hanna... Magkasamang naglalakad at nagtatawanan pa...
Napahawak siya ng mahigpit sa manobela ng kanyang sasakyan at hinampas pa nya ito ng malakas na siya namang pagtunog ng bosina nito.. Sumakto nmn na nsa tapat na ang dalawa ng kanyang sasakyan... Napatingin si Hanna sa taong nsa loob ng kotse at kitang kita nya si Tim sa ganoong ayos. Halata sa mukha nito ang galit.. Hindi nmn siya tiningnan ng binata...
Pinatakbo na ni Tim ang sasakyan patungo sa parking lot ng campus. Bahagya pang nilingon ni Hanna ang papalayo ng sasakyan ng binata..
Hindi alam ni Hanna kung matutuwa,matatawa,kikiligin o maiinis kay Tim.. Naghalo halo na ang nararamdaman nya sa mga oras na iyon dahil lamang sa isang reaksiyon ng mukha na nakita niya kay Tim..
Ganito ba talaga kalakas ang epekto ng taong ito sa kanya? Malamang sa malamang db??...(hayyyy pag-ibig)....
Dahil sa pangyayari ay halos makalimutan n nya na may kasama nga pla siya roon.. Si Digo...
Aksidente lang nmn silang nagkasabay ni Digo papasok ng campus... At isang aksidente rin na makita sila ni Tim...
Pero teka.. Bkit ba apektado much itong si Hanna? E hindi nmn sila ni Tim,.. E ano nmn db kung my makasabay siyang lalaki, single nmn siya at walang my nag ma may ari sa kanya......
....
"Hanna,,,, nakikinig k b?"... Wika ni Digo sa nakatulalang si Hanna..Ni hindi nga nito namalayan na nsa loob na pla sila ng classroom..
"ah,oo Digo,sorry ha my bigla lng akong naisip..."..wika nmn ni Hanna...
Isa isa n silang nagsiupo at sabay hatak naman kay Hanna ng dalawa niyang katropa...
"uyyy girl,, alam mo ba,my nalaman kami about dun kay soon to be Doctor na si papa Timothy..."...wika ng dalawa na kinikilig pa...
Biglang nanlaki ang mga mata ni Hanna sa narinig.. Hindi man nya aminin ay halata namang curious din siya sa kung anong chismis ang sasabihin ng dalawa... Nagpanggap n lamang siyang hindi interesado.. Kinuha nya ang make up at saka nag retouch...
"uyyy, napaka.. Mo naman girl.. As if nmn hindi ka tlga interested malaman,hmmmm"...wika ni Peter...
Saglit siyang huminto saka tumingin sa dalawang kaibigan.....
"sino b siya sa buhay ko pra paglaanan ko ng time and effort?"....."ang taray girl ha,,sabagay hindi ka nga pla chismosang katulad namin... Kasi naman tong ex-gf ni Timothy,napaka tanga pra iwanan siya.. Pag makilala ko siya,sampal ang abutin nya sakin pra sa pag iwan kay fafa..!" wika ni Joyce...
Napahinto sa ginagawa si Hanna at napabuntong hininga saka nagawang magsalita...
"bakit ganyan n lang kayo kung mang husga ng tao?kilala nyo ba ang ex nya?paano nyo nasabing siya ang may sala? As if nmn kilalang kilala nyo yang si Tim at alam nyong hindi niya magagawang manakit ng babae..."... Galit na wika ni Hanna sa dalawa....Nagkatinginan ang dalawa na parang nagtatanong ang mga mata.. Hindi na nila naituloy ang usapan dahil dumating na ang prof.nila at nagsimula na silang mag aral....
...
Natapos n rin ang defense ni Tim.. Nagawa nya ito ng maayos sa kabila ng sama ng loob na itinatago nya sa puso nya..
Kapag talaga sa ibang bagay ay maaasahan itong si Tim at kaya nyang ipaglaban ang lahat..
Maliban sa laban ng puso... Palagi na lamang siyang naduduwag at nauuna ang takot at galit....Kailan kya muling mapapawi ang sugat sa puso ng binata? Anong dapat gawin? Maghintay sa dating pag ibig? O buksan na lamang ang puso sa ibang babae?....

BINABASA MO ANG
Bahala Na Si Batman
RomanceIt's not who we are underneath, but what we do that defines us..