PROLOGUE

140 6 5
                                    

Craven's POV

Nagkakasiyahan kami dito sa yateng pag-aari ko. It's still early pero dahil sa masama yung panahon, madilim ang paligid.

The waves are getting big, unlike kanina na kalmadong kalmado ang dagat.

Inom lang kami ng inom habang ang iba ay sumasayaw. Parang party in the middle of the sea kahit 'di pa naman ito yung pinakamiddle. Marami kaming kasama. There were also some girls around.

It was Bryan's birthday. My cousin. Nagdecide kami na i-celebrate ang birthday niya dito sa yacht na pag-aari nila para maiba naman ang atmosphere at hindi kami agad matunton.

Karamihan sa amin tumakas lang. Tumakas kami dahil ayaw kaming payagan ng mga magulang namin. Nasa tamang edad na naman kami pero kung tratuhin kami eh parang bata.

Isinama ko rin ang kapatid kong lalake. He's 3 years older than me. Wala siyang social life. Puro pag-aaral o 'di kaya ay pagbabasa ng libro ang pinagkakaabalahan nito. Pinilit ko lang itong sumama para naman maranasan niya ang mag-enjoy at makahanap na din ng girlfriend. Masyado kasing focus sa pag-aaral kaya hanggang ngayon hindi nagkakagirlfriend.

I know na the moment na malaman ni Dad na tumakas ako at isinama ko pa kapatid ko ay grounded na naman ako. Pero wala akong pake, I just want to have fun.

"Dude, I think kailangan na nating bumalik. Hindi na maganda ang panahon. Lumalakas na yung hangin. Even the waves are getting bigger." Sabi ni Trent. Isa sa kabarkada ko.

Hinayaan ko na lang siya na siya na lang ang magpaandar sa yate.

Lumabas na ako mula sa control room.

Pasuray suray akong naglalakad sa gilid. Hilong hilo na talaga ako. Parang any moment matutumba na lang ako.

Nawalan ako ng balanse ng isang malakas na hampas ng alon ang tumama sa yate na naging dahilan ng pagkahulog ko mula sa sinasakyan namin.

Tila nablangko ang isip ko ng mga sandaling yon. Parang nagslow motion ang lahat at naramdaman ko na lang ang pagtama ng tubig sa likod ko. Dahan-dahan akong nilamon ng karagatan.

Nagbalik ako sa katinuan at tila nawala ang epekto sa'kin ng alak. Pilit akong umaahon ngunit sa kasamaang palad dala ng mga malalakas na alon, nalulubog lang ako ulit. At sa kamalas malasan pa, pinulikat ako. Damn!

Nararamdaman kong kakapusin na ko ng hininga dahil hindi ko naman magawang umahon. Ramdam kong malalim na ang pagkakalubog ko sa dagat.

Tinanggap ko na lang na ito na ang katapusan ko. Kung sana nakinig ako kay Dad na 'wag na tumuloy, sana wala ako rito at hindi ako pagpipyestahan ng mga pating o kung ano pang mga lamang-dagat. Totoo nga ang kasabihan na, "Ang pagsisi ay laging nasa huli."

Pinikit ko na lang ang mata ko. Ito siguro ang karma ko. Sa pagiging isang suwail na anak. Sa pagkawalang respeto ko sa ama ko. And taking things for granted.

Naramdaman kong may pumulupot sa may bewang ko. Minulat ko ang mata ko. Isang maamong mukha ng babae ang nadatnan ko. May mahabang dark blue na buhok siya at sa tingin ko kulay asul din ang mata niya. Mahahabang pilikmata. Manipis ang kanyang labi. Tama lang ang tangos ng ilong.

Pero anong ginagawa niya dito sa malalim na parte ng karagatan? Wala naman akong maalala na may kasama kaming babaeng may asul na buhok.

Naramdaman kong parang may malakas na paghampas ng tubig ang tumama sa may paanan ko. Tiningnan ko ito.

Hindi ko alam kung namamalikmata ako o totoong buntot talaga itong nakikita ko. Tiningnan ko ulit ang babaeng patuloy akong hinihila papaibabaw tapos tiningnan ulit ang bandang paanan ko.

Natanga ako sandali. Di k-kaya... S-sirena 'to?! Pero imposible. There's no such thing as mermaids. Baka namamalikmata lang ako. Marahil epekto lang 'to ng alak. O baka panaginip lang ang lahat ng 'to pati yung pagkahulog ko sa yate.

Nararamdaman ko na naninikip na ang dibdib ko dahil sa kinukulangan na ko ng hangin.

Pero kung panaginip lang 'to ba't parang totoong kinakapos ako ng hininga. Na parang any moment ay magpapass out na ako.

Panaginip pa ba ito? O totoo na 'tong nangyayari at nakikita ko? Epekto ba 'to ng alak? O naghahallucinate lang ako na may nakikita akong sirena ngayon?

Bago pa 'ko tuluyang mawalan ng malay, narinig ko pa itong nagsalita.

"Ligtas ka na."

Then everything went black.

Enchanted by YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon