Chapter 1

45 3 2
                                    

Aya's POV

"Prinsesa saan po kayo pupunta?" Tanong ni Carmel sa'kin. Pero 'di ko siya pinansin. Alam ko namang pipigilan lang ako nito 'pag nalaman niya.

Aalis na sana ako ng harangan niya ako.

"Hahanapin ko lang sina Filly. Okay na?"

Magsasalita pa sana siya pero tinikom na lang niya ulit bibig niya nang tingnan ko siya ng masama.

Ako nga pala si Thenaia, Aya for short. Bunsong anak ng hari ng kaharian ng Calleon. Dalawa lang naman kaming magkapatid. Si Prinsipe Caul, ang nakakatanda kong kapatid na kasalukuyang nasa pagsasanay. Siya kasi ang susunod na mamumuno sa kaharian ng Calleon.

Habang ako, laging patakas takas lang at pumupunta malapit sa dalampasigan. Pinapanood ko yung mga kakaibang ginagawa ng mga tao. Gaya nung mga pag-inom nila ng isang likido na ang epekto ay parang nagiging baliw. Tawa ng tawa wala namang nakakatawa. Tapos maya maya magsasapakan. Napakaabnormal.

Nang mahanap ko na sina Phin ay umalis na kami. Nakarating kami sa mabatong bahagi ng dagat malapit sa dalampasigan na madalas naming paglipasan ng oras.

Nakuha ng atensyon ko ang isang batang naglalaro sa tubig dagat. Walang nagbabantay sa kanya. Mukha pa naman 'tong walang kamuwang muwang sa maaaring mangyayari sa kanya 'pag lumusong siya sa tubig.

Luminga-linga ako para tignan kung may tao bang makakakita ng gagawin ko bago ginamit ang kapangyarihan ko.

Inangat ko ang bata gamit ang kakayahan kong kontrolin ang tubig. Wala itong kamalay malay sa nangyari. Tuwang-tuwa ito nang makitang umangat siya. Inilapag ito malayo sa tubig.

Ang mga mahaharlika, tulad ko, ay may kakayahang kontrolin ang tubig, panahon at magpagalaw ng mga bagay. Ang mga hindi nabiyayaan ng kapangyarihan ay sinasanay na gumamit ng mga armas para sa oras na may lumusob ay handa sila. May mga ilan din naman sa kanila ang nabiyayaan din ng kakayahang kontrolin ang tubig.

Maya-maya ay dumating na rin ang ina siguro nito at agad siyang kinuha mula sa kinauupuang buhangin.

Tsk! Masyadong pabaya.

"Prinsesa sa tingin niyo walang nakakita sa ginawa niyo?" Tanong ni Filly. Kaibigan kong dikya.

"Tinignan ko muna yung paligid bago ko ginamit ang kapangyarihan ko. Wala namang nakakita dahil abala sila sa kanya-kanyang gawain."

Hindi man kami madalas nakikihalubilo sa mga tao, marami naman kaming alam na mga bagay patungkol sa kanila. Lahat ng mga bagay na may kinalaman sa tao. Para 'pag kinailangan naming makihalubilo sa kanila ay 'di kami magmukhang mang-mang.

Sino ang nagturo? Si Yra, isa itong taong piniling maging sirena dahil sa pagmamahal nito sa kauri ko. Nung una tinutulan ito ni Ama dahil baka raw nililinlang lang nito si Kael at gusto lang nitong makarating sa kaharian para magmatyag.

Pero pinatunayan ni Yra na hindi siya ganon. Nakuha nito ang tiwala ni Ama at ito na ang boluntaryong nagturo sa mga kagaya ko ng mga kaalamang tao lang ang nakakaalam.

Nagsimulang ituro sa amin ang mga bagay na 'yon ng minsang may mga taong nagtangkang pasukin ang kaharian.

Dahil kay Hara, sirenang itinakwil ng kaharian dahil sa kasamaan nito at tangkang pag-agaw sa trono at pagpatay sa hari. Sinuhulan nito ang ilang tao na makakakuha ang mga ito ng sandamakmak na kayamanan 'pag nakipagkasundo ito sa kanya na tulungan siya sa pag-agaw ng trono at pagpaslang sa hari. Dahil sa pagkasilaw ng mga ito sa kayamanan, pumayag sila sa gusto nito. Pinagkalooban niya ito ng kapangyarihan para maisagawa ang gusto nito.

Ngunit 'di sila nagtagumpay. Masyadong malakas ang konseho at si Ama kaya agad na natalo nila ang mga alagad ni Hara.

Sa ngayon, walang nakakaalam sa kinaroroonan ni Hara. Hindi ko alam kung nagtago ito o naghahanda sa susunod na pag-atake. Pero alam kong laging handa ang mga kawal ng kaharian at ang konseho, na kilabibilangan ng mga makakapangyarihang nilalang.

Enchanted by YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon