Chapter 4

29 3 0
                                    

AYA'S POV

Kasalukuyan kaming nasa silid ko. Hindi na naman ako pinapayagang lumabas ni ama. Hanggang maaari dumito lang daw muna ako sa loob.

"Hoy!" Tawag ko sa mga abnormal na 'to na hanggang ngayon hindi pa rin ako pinapansin. Nasa isang sulok lang silang apat at 'di man lang nag-abalang ibaling sa'kin yung atensyon nila. Nag-uusap sila ng hindi ko alam kung ano dahil hindi ko naman sila marinig.

"Aba, ayaw niyo talaga ako pansinin." Kumuha ako ng maliliit na snail saka ibinato sa kanila.

"Nagwawala na siya. Umalis na tayo. Bilis!" At ang Areon pa talaga ang namumuno sa kalokohang ito ah.

Akmang lalapitan ko na sila ng biglang sumigaw si Phin. "LANGOY!" At saka sila nag-unahang lumabas ng silid ko. Napailing na lang ako. Ako ba talaga yung nababaliw o sila? Lakas ng tama eh.

"Anong nangyari sa mga 'yon Prinsesa?" Narinig kong tanong ni Ama na kadarating lang.

"Nababaliw na po." Ang lakas ng loob nilang sabihan akong baliw pero sila naman 'tong parang tinakasan na ng katinuan. "Kumakain po ba ng maayos ang mga 'yon Ama? Mukhang nahanginan na ata mga utak ng mga 'yon." Natawa na lang si Ama.

"Hayaan mo na ang mga 'yon. Nagbibiro lang yun." Napangiti na lang ako sa sinabi ni Ama.

"Siya nga pala Ama. Pwede na ba akong lumabas?" Tanong ko. Nagbabakasakaling payagan na ako.

"Anak, dito ka na lang muna. Ayaw kitang ikulong sa palasyo pero gusto ko lang makasiguradong maayos ka."

"Naiintindihan ko naman yun ama. Medyo nababagot lang ako dito." Malungkot kong saad.

"Naiintindihan kita anak. Pero habang hindi pa natatapos itong gulong 'to ay dumito ka lang muna sa loob ng palasyo. Kapag natapos na ito at nahuli na namin ang mga espiya ay papayagan na kita." Tumango lang ako. Umalis na din si Ama pagkatapos.

Makalipas ang ilang minuto, isang matinding pagyanig ang naganap. Tumagal ito ng ilang minuto bago nawala ang pagyanig.

"Prinsesa okay ka lang ba?" Nakita ko si Prinsepe Caul na kakadating lang.

"O-okay lang. Ano ba ang nangyari?"

"Si Hara. Siya ang may kagagawan nun."

"Nagpakita na siya ulit?" Tumango lang si Kuya.

"Pero agad ding nawala. Sa tingin ko ginawa niya iyon para bigyan tayo ng babala sa pagbabalik niya."

"Prinsesa. Okay ka lang ba?" Saad ni Areon ng dumating siya.

"Oo. Ano? Nawala na ba ang sapak diyan sa utak mo dahil sa pagyanig?" Inirapan ko ito.

"Prinsesa naman. Nagbibiro lang kami." Saka niya ako tinignan na parang nagpapaawa.

"Wag mo kong matignan ng ganyan. Nagmumukha kang goldfish."

"Bakit? Kasi cute ako?"

"Hinde. Nagmumukha kang bubble eye goldfish. Tse!" Saka ako umalis. Leche siya.

"Prinsesa!" Tawag niya sa'kin.

"Bahala ka sa buhay mo." Sagot ko.

Mas mabuti pang magbilang ng maliliit na hipon kesa kausapin yung taong may sira ang ulo.

Craven's POV

Nagising ako dahil sa ingay sa baba. Agad akong bumangon at bumaba.

Naabutan ko sina Mom at Dad kasama si Zion.

"What are you doing here?" I said coldly.

"Binibisita ka namin." Sabi ni Kuya.

"Yeah right. Na para akong isang presong binibisita ng buo kong pamilya." Sarkastikong saad ko.

Enchanted by YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon