Craven's POV
Nakaupo lang ako sa may dalampasigan at nakatanaw sa karagatan.
Halos mamatay na 'ko last week pero wala siyang pake. Sa bagay, kailan ba nagkaroon ng pake sa'kin si Dad?
Si Kuya lang naman ang laging magaling para sa kanya. Ako? Ako lagi ang mali sa kanya. Ako yung laging tingin niya na isang malaking disappointment.
Nang mangyari ang insidenteng 'yon last week, dito niya ako kinulong sa resthouse namin. Walang gadgets, hindi pwedeng gumala, lahat na lang ng tanging nakakapagpasaya sa'kin inaalis niya.
Sinusubukan ko namang gawin ang gusto niya pero laging hindi enough. Lagi akong nakukumpara kay Kuya.
Hindi ba pwedeng may patunayan ako ng hindi nakukumpara sa kahit na sino?
Bumuga ako ng malalim na hininga.
Lahat na lang sila, mga walang pake at nang-iiwan.
Si Vana. Iniwan ako para sa career niya.
We've been in a relationship for almost three years pero ganun-ganon lang niya ako iwan.
Ilang weeks na din ang nakalipas.
I felt so unwanted, unimportant and useless.
Siguro nga wala na 'ko sa tamang pag-iisip dahil nakikita ko na lang ang sarili kong naglalakad patungo sa dagat hanggang sa marating ko yung malalim na parte.
Hinayaan ko na lang ang sarili kong tangayin ng alon. After all, no one cares.
Hanggang sa tuluyan na 'kong tinakasan ng kamalayan.
NAGISING AKO dahil sa talsik ng tubig na tumama sa mukha ko. Agad akong bumangon at napaubo.
Napadako ang tingin ko sa nasa harap ko. May isang babaeng kalahating isda ang naabutan kong pilit na lumalangoy palayo. Tuwa at pagkamangha ang naramdaman ko.
Nang medyo nakakalayo na ito ay agad akong tumayo at hinuli ang braso niya.
"Bitawan mo ako, pakiusap." Pagmamakaawa niya.
"Nakakapagsalita ka? Wow." Manghang sabi ko
"Malamang! Narinig mo naman siguro. Bitawan mo nga ako!" Pambabara niya. Pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak ko.
"Don't worry! Hindi kita sasaktan. Gusto ko lang makipagkilala." Saka ko siya binitawan. "Ako si Craven. Ikaw?" Pagpapakilala ko.
"Thenaia."
"Kinagagalak ko ang makilala ka Thenaia. Gusto ko pa sanang makipag-usap sa'yo pero mukhang gusto mo nang umuwi." Nalungkot ako, pati ba siya. "Sige na, umalis ka na. Baka may makakita pa sa'yong iba. Mag-ingat ka." Kumaway ako sa kanya ng magsimula na itong lumangoy palayo. "Sana magkita tayo ulit."
Kahit papaano'y gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kanya.
Nang nasa malayong parte na ito, lumingon siya sa 'kin. Kumaway ulit ako sa kanya.
Nakita ko ang pagngiti nito at nagpatuloy na sa paglangoy.
"Sana makita ulit kita." Mahinang sambit ko bago ako naglakad papasok ng bahay.
Katahimikan ang sumalubong sa'kin pagpasok ko. I have to stay here for a month bilang punishment sa pagiging pasaway ko. With no one around, just myself.
I sighed. Sana namatay na lang ako para hindi na ako maging pabigat pa.
Kaya ayaw kong nag-iisa. Ramdam na ramdam ko na naman yung lungkot.
BINABASA MO ANG
Enchanted by You
FantasyWhat if you encounter a mythical creature na akala mo di nag-e-exist at ito pa ang nagligtas sa'yo sa muntikan mong pagkalunod? Paano pag nahulog na ang loob mo sa kanya dahil sa kabaitan nito na taliwas sa inaakala mong mapanganib ito? Kahit al...