Chapter 8

35 2 0
                                    

Aya's POV

"Ito, inom ka muna." Inabot sa'kin ni Craven ang baso na may lamang tubig.

"Salamat."

"Namumugto na yang mata mo. Ano ba ang nangyari? Bakit ka umiyak?" Tanong niya.

Panay ang tanong niya sa'kin kanina pa pero hindi ko siya masagot dahil panay ang iyak ko.

Nasasaktan pa rin ako pero kaya ko nang kontrolin ang emosyon ko.

"S-si Areon kasi..." Naramdaman kong parang may bumara sa lalamunan ko habang sinasabi ko 'yon.

"Anong ginawa niya?" Nahihimigan ko ng galit sa boses niya.

"Wala siyang ginawa. A-ako ang may ginawa." Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na huwag umiyak habang nagkukwento.

"Nasaktan ko siya." Huminga ako ng malalim. "Inamin niyang mahal niya ako. Nasaktan ako para sa kanya. Hindi ko alam na ganon. Akala ko magkaibigan lang kami. Na kaya hindi siya tumututol eh dahil sinusunod niya lang si Ama pero hindi, iba pala ang dahilan." Pinunasan ko ang isang butil ng luhang lumandas sa pisngi ko. "Ayokong nasasaktan siya. Kaibigan ko siya eh."

"Mas mabuti siguro kung pag-usapan niyo 'yan. Mas maganda kung ipaintindi mo sa kanya Aya. Umalis ka ng walang paalam para tumakas sa kasal, kailangan niyong magkaliwanagan."

Tumango ako. "Siguro nga kailangan ko siyang kausapin."

"So kailan mo siya pupuntahan?"

"Bukas na siguro. Palilipasin ko muna yung sitwasyon baka kasi sarado pa isip nun ngayon." Bumuntong hininga ako. "Sana maayos ko pa ito."

Naramdaman kong may pumatong na kamay sa balikat ko. "Maaayos niyo din 'yan."

Kinabukasan, agad akong naghanda para sa pag-uwi ko.

Alam kong magagalit si Ama dahil sa ginawa kong pagtakas pero tatanggapin ko yung galit niya. Masyado akong naging padalos-dalos at ni hindi ko man lang muna siya sinabihan tungkol sa biglaang desisyon ko.

Buong buhay ko wala pa akong ginawa para sa kaharian. Naturingan akong isang prinsesa pero wala akong nagawa ni isa na magmamarka sa isip ng mga nasasakupan namin, maliban na lang sa isa akong pasaway na anak.

Nakatayo na ako sa tabi ng dagat at nasa tabi ko si Craven.

"Babalik ka pa ba?" Tanong niya.

"Sana makabalik pa ako. Sana hindi ako ikulong ni Ama. Pero kung ganon man ang mangyari, nagpapasalamat ako sa kabutihan na pinakita mo sa'kin. Akala ko noon lahat ng tao masasama, pero hindi pala lahat. Kaya salamat na tinrato mo ako ng maayos."

Umupo ako sa buhangin at tinanggal ang kwintas ko saka bumulong dito, "Gusto kong maging sirena."

Naramdaman ko na parang tinitusok tusok ang binti ko hanggang sa napalitan na ito ng buntot.

Inabot ko kay Craven ang kwintas. "Ikaw na muna ang bahala diyan. Kukunin ko kapag nakabalik na ako." Tumango siya. Saka ako gumapang papunta sa tubig.

"Aya!" Tawag niya ng makalayo na ako. Lumingon ako sa kanya. "Ingat ka. Sana makabalik ka pa." Nginitian ko siya saka lumangoy na palayo.

Habang lumalangoy ako, napansin ko na walang mga isdang lumalangoy sa paligid.

"Nakakapagtaka naman. Bakit wala ni isang isda."

Patuloy ako sa paglangoy hanggang sa malapit na ako sa palasyo.

Agad kong napansin ang isang pagtitipon.

"Anong meron?" Tanong ko nang makalapit ako.

"Kayo ho pala Prinsesa." Nagbow ito. "Ngayon po ililipat ang trono kay Prinsepe Caul. Kanina pa nagsimula ang seremonya."

Enchanted by YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon