Craven's POV
Nagising ako nang makarinig ako ng katok sa pintuan. Sino naman kaya 'to?
Hindi ko sana papansinin, pero lalong lumalakas ang katok. Napilitan akong bumangon. Agad kong tinungo ang pintuan.
"What the fvck do you -- Vana?" Gulat na gulat ko siyang tinignan. Bakit siya nandito?
"Craven." Saad nito saka ako niyakap. Pero agad din akong nakabawi at inalis ang pagkakayakap nito sa kanya.
"What are you doing here?" Walang emosyong tinignan ko ito. Matapos ng ginawa niyang pag-iwan sa'kin.
"I came back for you. 'Di mo ba ako namiss? Its been weeks na din." She pouted. Kung nung una gumagana yung mga ganyang pagpapacute niya sa'kin, ngayon hindi na.
"Leave." Wala akong oras para sa kanya. Tsaka magkikita pa kami ni Aya.
"W-what?" Naguguluhang tinignan ako nito. "Bumalik ako for you tapos itataboy mo lang ako?! No. Hindi ako aalis hanggat hindi tayo nagiging okay. Not until marinig mo na ang mga reasons ko."
"I don't care 'bout your fvcking reasons. I don't have time hearing your bullshits. Now. Leave." Saka ko sinara ang pinto. Nagsisisigaw ito sa labas at kinakalabog ang pinto. Nahilot ko yung sentido ko. Damn!
Huli na nang malaman kong hindi lang pala dahil sa career niya kaya niya ako iniwan kundi dahil din pala sa may dinedate na itong isang modelo.
Kaya yung kaunting pagmamahal na natira noon ay napalitan ng galit.
Now that she's back, hindi ko hahayaang guluhin niya ulit ang buhay ko.
"ISA NA NAMANG lalake ang nabalitaang nawawala. Magmula ng mamalaot ito kahapon ay 'di na ito bumalik. Isa sa kasamahan nito ang nakasaksi na isang sirena raw ang kumuha rito ayon sa nakita nito. Sa ngayon, nasa lima na ang nababalitaang nawawala, at lahat ay kalalakihan." Sabi ng news anchor sa balitang pinanonood ko.
Hindi naman siguro yun magagawa ng kauri ni Aya. Kasi kung oo, eh 'di sana pati ako naging biktima na.
I turned the TV off. Wala na talagang matinong mapapanood ngayon sa telebisyon. Isinisi pa sa sirena, baka mga malalaking isda lang yon o 'di kaya pating.
Nagdesisyon akong lumabas at mamasyal mag-isa. Buti na lang hindi kinuha ni dad yung motor bike ko. Naligo na muna ako saka nagbihis.
Pagkalabas ko mukha agad ni Vana ang bumungad sa'kin. "Hi." Sabi nito. "Saan ka pupunta?"
"It's none of your business." Saka ko siya nilampasan. Akala ko 'di na siya susunod pero namalayan ko na lang na nasa tabi ko na siya. Humakbang ako ng malalaki, patakbo itong sumunod sa'kin.
"Hey, slow down." Reklamo nito. "I said slow down."
Hindi ko ito pinansin at dali-daling naglakad pababa ng hagdan. Nakaheels ito kaya hindi niya ako agad nasundan. Paano ba nito nalaman ang kinaroroonan nitong rest house namin? Pati ba naman dito sa probinsya nasundan niya ako.
Pagkalabas ko ay agad akong nagtungo sa garahe. Naglakad ako palapit sa big bike ko at sumakay na agad dahil baka maabutan pa ako ni Vana.
Habang nagdadrive ako, napa-isip ako kung saan ba ako pupunta. I need a calm atmosphere. Isang lugar kung saan pwede akong mag-isip-isip ng walang sagabal.
Nagtungo ako sa isa sa mga lugar na pinupuntahan ko 'pag kailangan kong mapag-isa. Sa Park.
Naglakad lakad ako sa park hanggang sa marating ko ang isang punong medyo malayo sa mga tinatambayan ng mga tao.
Kumanlong ako sa ilalim ng puno. Nakaupong tiningala ko ang langit. Ito yung kadalasan kong ginagawa kapag nakakaramdam ako ng lungkot. Gumagaan kasi ang pakiramdam ko 'pag tinitignan ko ang kulay bughaw na langit.
BINABASA MO ANG
Enchanted by You
FantasyWhat if you encounter a mythical creature na akala mo di nag-e-exist at ito pa ang nagligtas sa'yo sa muntikan mong pagkalunod? Paano pag nahulog na ang loob mo sa kanya dahil sa kabaitan nito na taliwas sa inaakala mong mapanganib ito? Kahit al...