Chapter 7

23 1 0
                                    


Craven's POV

Ilang araw na ang nagdaan magmula ng huling pag-uusap namin ni Aya at pagkatapos non ay hindi na siya nagpakita pang muli. Ilang araw na rin akong pabalik balik sa tagpuan namin pero walang bakas na nagpunta si Aya doon.

Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko. Gusto lang naman niyang makipagkaibigan pero anong ginawa ko? Ako pa mismo ang nagbigay ng rason para sumama ang loob niya.

Kasalanan ko naman eh. Kung inexplain ko lang sana sa kanya ng maayos 'yong pinupunto ko hindi sana kami magkakaroon ng 'di pagkakaunawaan. Sana okay kami ngayon.

Saka ko lang napagtanto kung ano ang mali kung makipagkita siya sa'kin kahit kasal na siya. Magkaibigan naman kami. Wala naman kaming relasyon.

'Siguro dahil na rin sa may nararamdaman ka na sa kanya kaya ganun yung nasabi mo, kaya iniisip mo na mali. Para kay Aya magkaibigan kayo pero para sa'yo ano nga ba siya? Ayaw mo lang tanggapin na magkaibigan lang kayo at ikakasal na siya sa iba.' Saad ko sa isip ko.

"Hay! Ewan ko! Hindi ko na alam." Sinabunutan ko ang sarili ko.

Malamang galit 'yon ngayon dahil sa sinabi ko at kawalan ko dahil nawala siya sa'kin.

Tatlong araw na akong nakakulong lang rito sa loob ng bahay dahil sa nagkasakit ako nung isang beses na buong araw akong nasa may batuhan at hinihintay si Aya na nagkataong umulan. Kaya eto, hanggang ngayon nanghihina pa rin ako. Hassle rin 'pag nagluluto ako ng makakain ko tapos bigla akong mahihilo dahil sa mataas ang lagnat ko.

"Achooo!"

Medyo naiirita na rin ako dahil panay ang bahing ko. Gustuhin ko mang bumili ng gamot ay di ko naman magawa dahil nahihilo ako 'pag may katagalan sa pagtayo.

Nagdesisyon akong magpahinga na lang at baka yun lang yung kailangan ko.

Hindi naman ako nahirapang makatulog dahil sa nanghihina na rin ako kaya agad akong dinalaw ng antok.

Gabi na ng magising ako. Rinig ko ang malakas na hampas ng alon. Kumukulog at kumikidlat din.

Bumangon ako para sana maghapunan pero dahil nanghihina ako sa taas ng lagnat ko'y napahiga na lang ako ulit.

"Asar! Ang hirap namang ganito." Inis na saad ko.

Pinilit kong bumangon.

Para akong lasing na naglalakad dahil sa umiikot talaga ang paningin ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng makarating ako sa kusina.

Ininit ko ang niluto ko kanina at yun lang ang kinain.

Habang kumakain ako napatingin ako sa main door.

Bukas ito.

Hindi ko naman naalalang iniwan ko itong nakabukas.

Tumayo ako at naglakad patungo doon para sana isara ang pinto nang mahuli ng atensyon ko ang isang nakadapa sa may buhangin.

Hindi ko ito masyadong naaaninag dahil sa dilim at tanging ang liwanag galing sa kidlat lang ang nagbibigay kakayahan sa'kin na makita ito.

Sa muling pagkidlat ay mas nakita ko na ng maayos ito.

Babae ito at tila walang malay.

Iniisip ko kung pupuntahan ko ito. Nag-aalangan ako dahil sa mataas pa ang lagnat ko at malakas pa ang ulan.

Pero bahala na.

Agad akong lumabas at naglakad papunta doon sa babae.

Nagulat ako ng makita kung sino ito.

Enchanted by YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon