AYA'S POV
"Aya."
Napalingon ako sa tumawag sa'kin. Nakita ko itong nakasandal sa malaking bato.
Hindi ako nagsalita. Parang natatakot ako sa mga salitang maaaring lumabas sa bibig ko.
Lumapit ito sa'kin at umupo sa tabi ko.
"Patawad sa nangyari kanina. Alam kong sumobra ang panenermon ko sa'yo. Nag-alala lang naman ako. Ayoko lang may mangyari sa'yong masama. Yun lang 'yon."
"Naiintindihan ko naman 'yon. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako galit." Napabuntong hininga ako. "Baka ikaw nga dyan yung galit pa rin sa'kin."
"Oo nagalit ako sa'yo kanina. Masyado ka kasing pasaway. Hindi ka nakikinig sa'min. Lagi mo lang sinusunod yung gusto mo. Ayoko lang mapahamak ka sa mga ginagawa mo."
"Alam ko. Patawad din." Tumingin ito sa'kin. Ngumiti siya saka bigla akong niyakap.
"Bawasan mo lang pagiging pasaway mo. Pwede ba 'yon?" Tumango lang ako at niyakap siya pabalik.
"Uy. Ang sweet niyo naman." Narinig kong sabi ni Kuya.
Agad kami napahiwalay sa isa't isa.
"Para tuloy akong nanonood ng isang romantic na palabas." Sabi ulit nito. Nasa may likuran namin siya kaya di agad namin napansin.
"Tse! Manahimik ka nga." Sabi ko saka siya binato ng kung anong nadampot ko.
"Uy galit. Nasira ko ba ang moment niyo?" Pang-aasar nito.
"Hindi!!." Sabay naming sabi ni Areon. Napatingin kami sa isa't isa saka nag-iwas ng tingin.
"Yiee. Kinikilig ako sa inyong dalawa. Sabay pa talaga yung pagkakasabi. Bagay na bagay talaga kayo." Nakangising saad nito.
"Tumahimik ka nga!" Saka ko ulit siya binato pero nakailag ito.
"Kailangan ko na bang sabihin kay Ama na madaliin ang kasal?"
"Eh kung isaksak ko kaya sa baga mo itong malaking bato?" Saka ko kinuha yung malaking bato sa tabi ko.
Natawa lang ang loko. Saka binalingan si Areon. "Oh Areon. Ba't pulang pula yung tenga mo?" Napatingin ako kay Areon na nasa baba nakatingin. Wala itong imik.
"Ah sige. Alis na 'ko." At dali-dali itong lumangoy palayo.
"Wrong timing ka talaga lagi, ano?"
"Bakit? Magkikiss na ba dapat kayo? Ay sayang! Sana nagtago na lang muna ako." Binato ko siya ng binato ng kung anong mapulot ko.
"Aray naman Aya! Ang brutal mo talaga. Aray! Tama na! Ang gwapo kong pagmumukha baka masira. Aray!"
"Ewan ko sa'yo!"
"Bakit ba galit na galit ka? Bawal ko ba kayong makita? Aray! Tama na. Ang sakit na ng macho kong katawan."
"Oh ano na naman problema niyong dalawa?" Nakita kong dumating si Ama kaya agad akong tumigil sa pagbato sa kanya.
"Galit si Aya kasi sinira ko date nila ni Areon." Agad nagtago sa likod ni Ama si Kuya pagkasabi niya nun.
Aba!
Natawa naman si Ama. "Aba mukhang nagkakamabutihan na kayo ah? Kailan pa?"
"Huwag kang maniwala diyan Ama. Nag-iimbento lang yan."
May ibinulong naman si Kuya kay Ama na nagpatawa sa kanya.
Tinignan ko lang ng masama si Kuya. Alam kong nag-imbento na naman ito ng kalokohan na pinagsasabi kay Ama.
BINABASA MO ANG
Enchanted by You
FantasyWhat if you encounter a mythical creature na akala mo di nag-e-exist at ito pa ang nagligtas sa'yo sa muntikan mong pagkalunod? Paano pag nahulog na ang loob mo sa kanya dahil sa kabaitan nito na taliwas sa inaakala mong mapanganib ito? Kahit al...