Nang makarating ako sa bahay ng mga Biado ay nagdoorbell na muna ako sa maliit na gate katabi nang malaking gate na pinapasukan at nilalabasan ng mga sasakyan nang Biado. Agad naman binuksan ni Manong Fred ang Gate, "Akala ko kakausapin kayo ni Ma'am at Sir, Manong Fred?" Tanong ko kay Manong Fred kasi sabi ni mama kakausapin daw sila ng mga amo nila "Ang mga kasambahay lang ang kinausap ineng, pupuntahan mo ba ang mama mo?"
"Opo, sabay na sana po kaming umuwi. Kanina pa po ba sila kausap?" Sabi ko kay Manong matapos niya ako papasukin "Oo ineng sa tingin ko nga patapos na din naman sila." sabi ni Manong habang hinihipan yung kape niya na umuusok pa na halatang bagong timpla palang. "May ideya po ba kayo bakit sila pinatawag?" Tanong ko kay Manong, "Wala ineng mamaya pa kasi kami kakausapin nila Ma'am at Sir nauna na yung mga kasambahay." sabi ni Manong.
Naisipan ko na lang na baguhin yung mga tinatanong ko, kay mama ko na lang tatanungin sana lang hindi pa siya inaantok. "Wala pa po ba si Kuya Jed?" Si Kuya Jed ay anak ni Manong Fred na pumapalit sa tatay niya tuwing gabi, para makatulog at makapagpahinga ang tatay niya. Pinapaaral din naman siya nang Biado, gaya ko. "Wala pa, nagsabi sa akin na dadaan muna daw siya sa bilihan nang school supplies." sabi ni Manong. "Ganon po ba? Mauna na po pala ako andiyan na po si Mama." sabi ko kay Manong sabay turo kay Mama na papalapit na sa direksyon namin ni Manong Fred. Sinalubong ko na si Mama nung malapit lapit na siya.
"Una na po kami Mang Fred" sabi ko na may kasamang kaway. Lumabas na kami ni Mama nang may tumawag sa kanya "Farina saglit lang!" Sigaw ni Aling Maria para maagaw ang pansin ni mama, asawa ni Mang Fred si Aling Maria kasambahay rin siya ng Biado katulad ni Mama. "Bakit Maria?" Tanong ni Mama hindi ko na pinakinggan pa ang pinag-uusapan nila dahil tungkol ito sa trabaho nila. Itimuon ko na lang ang atensyon ko sa bahay na nasa harap ng bahay ng mga Biado. Doble ang laki nito kumpara sa bahay nang Biado.
Pero aanhin ko naman ang malaking bahay na yan na may apat na palapag at malawak na bakuran kung ang titira naman ay tatlong Tao at sandamakmak na katulong. Mas gugustuhin ko pang tumira sa maliit na bahay kung saan may malaking tyansa na magkita pa kami ni Mama.
"Tara na anak, pagod na ako gusto ko nang magpahinga" tawag pansin sa akin ni Mama, hindi ko alam na natulala na pala ako sa bahay nang Mendeleer. Nagsimula na kaming maglakad ni Mama hanggang sa may labasan ng mamahaling Village na ito. Masyadong mahigpit ang Village na ito, syempre ba naman hindi lang basta ang mga pamilyang nakatira dito.
Pagkalabas namin ni Mama na tyempo naman na may Taxi doon kaya sumakay na kami ni Mama at sinabi na ang Address sa Driver. "Ma, bakit kayo kinausap ni Ma'am Leryssa at Sir Harry?" Tanong ko kay Mama "Aalis kasi sila Ma'am pupunta muna sila sa Italy kasama sila Sir Taylor at Ma'am Sena" sabi ni mama.
Agad naman ako nakaramdam nang lungkot sa sinabi ni Mama, hindi ko nga lang makita si Taylor ng isang araw hinahanap hanap ko na siya, paano pa kaya kung abutin ng isang linggo. Isang linggo nga lang ba? Kadalasan kasi nagbabaksyon lang ang Biado isang linggo lang naman ang tinatagal nila. "Ilang Linggo sila doon ma?" Tanong ko kay Mama "Ewan ko, baka daw matagalan sila doon kaya nga sa akin at kay Maria ipinagkatiwala ang pagbabantay sa Mansyon." sabi ni mama na papikit pikit na sa sobrang antok. "Eh paano yung Iba ma? Saan sila magtatrabaho?" Tanong ko kay mama, kahit na ang totoo gusto ko magsabi pa siya ng tungkol sa pag-alis nila Ma'am Leryssa. "Sa mga Thompson, parating na ang Thompson sa susunod na linggo ayaw kasi hayaan ni Sir Harry na walang trabaho ang mga kasambahay kaya ipinakausap ni Sir Harry ang iba sa Thompson." sabi ni Mama na nahihimigan ko nang pagkairita, hindi ako sigurado kung saan siya naiirita sa akin ba dahil tanong ako ng tanong o sa mga Thompson dahil sa tuwing babanggitin niya ang apelyidong iyon ay nag-iiba ang tono niya.
Gusto kong tanungin kay Mama kung kailan aalis sila Taylor. "Kailan sila aalis ma?" Kalabit ko kay mama. "Sa makalawa, diyan lang sa may yellow na gate Manong." sabi ni mama kay manong nang matanaw na niya ang gate ng bahay namin at saka inabot ang bayad sabay baba niya sa taxi. Hindi na lang ako umimik iniisip ko kung gaanong katagal mag-iistay sila Taylor sa Italy. Sana naman hindi sila tumagal doon.
"Kumain ka na ba anak?" Tanong sa akin ni Mama nang makapasok kami sa bahay "Tapos na po kila Jared po ako kumain, kayo po?" Nagtanong pa ako alam ko naman na kumain na sila dahil hindi pumapayag si Ma'am Leryssa na umalis sila nang hindi kumakain "Tapos na sige na maglinis ka na nang katawan mo at magpahinga ka na." sabi ni Mama at dumiretso na siya sa kwarto niya. Chineck ko muna yung ibang gamit at pinto bago ako matulog. Umakyat na ako sa kwarto ko at naglinis na nang katawan para maghanda na sa pagtulog ko.
----------
-BulatengWorm48
BINABASA MO ANG
The Right One
RandomIs she ready to choose for the Right One? Four hearts, three lovestory, two broken hearts because of one decision... Year Started:2016 Year Ended:---- -BulatengWorm48 ㅠㅅㅣㅏ