Todo ang kabog ng dibdib ko habang naka tingin sa pinto na papasukan ng may-ari ng school mamaya. Sinabihan na kasi kami ni Ma'am Grace na papunta na sila.
"Huy bakla," tawag ko kay Jared na katabi ko ngayon. "Ano na naman?" Tanong niya sa akin na bakas na ang pagkairita. Kunsabagay sino ba naman ang hindi maiirita eh segu-segundo yata tinatawag ko siya. "Bakit ako kinakabahan?" Tanong ko sa kanya. Nagulat nalang ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at pinagsiklop ang mga daliri namin.
"Ano yan?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa kamay namin na magkasiklop. "... at subukan mo akong pilosopohin, papatamain ko sa mukha mo iyang hawak hawak mo." pagbabanta ko sa kanya. Para hindi niya ako barahin, malakas pa naman siyang mambara.
May binulong lang siya at tatanungin ko pa sana kung ano yung binubulong niya ng bumukas ang pinto at iniluwa noon ang mga taong dahilan kung bakit ako kinakabahan ngayon na hindi ko naman dapat maramdaman o dapat nga ba? Dahil mayroon akong utang na loob sa kanila?
"Good Morning Sir, Ma'am." Bati ng pinaka mataas sa aming SL bukod kay Ma'am Grace. Ipinakilala na siya ni Ma'am Grace dito at inisa-isa ni Ma'am Grace ang pagpapakilala hanggang sa umabot na sa akin.
"And Ma'am, Sir this is Denysse Lopez, she's one of your scholar." Pagpapakilala sa akin ni Ma'am Grace at agad naman akong bumati "Good Morning po. It's nice to finally meet you." Sabi ko at nagbigay ng nahihiyang ngiti.
"Good Morning din Hija, so isa ka sa Scholar ng Thompson. How come?" Tanong sa akin ni Mr. Thompson. "Sir?" Napamaang ako sa tanong niya, hindi ko alam kung nakaka-ooffend ba yung tanong niya? O sadyang sensitive lang talaga ako?
"Paano ka nakapasa as scholar? Just a simple question hija. Now I'm really having a second thoughts kung paano ka pumasa." Nakakainsulto niyang sabi.
Napalunok na lang ako ng laway at yumuko. Sa totoo lang palaisipan nadin sa akin iyon, minsan naiisip ko siguro dahil sa amo ni Mama.
"Nagiging harsh ka nanaman. I'm sorry Hija." Sabi ni Mrs. Thompson at ipinagpatuloy ni Ma'am Grace at para medyo gumaan ang tensyon ay ipinakilala na ni Ma'am ang iba. Tuluyan ng nilipad yung isip ko at huli ko ng napansin na nakaalis na pala ang Thompson. Pumunta lang pala sila para kilalanin kami.
Dapat na ba akong matakot dahil andiyan na ang may-ari ng Thompson? Nanganganib na ba ang Sholarship ko? Napagtanto ko na siguro ganon na kang ang kaba ko dahil, sa loob ng mahabang panahon ngayon ko lang sila nakilala. Hindi ko naman alam na kapag humarap ako sa kanila kailangan nagreview ako para mapatunayan na deserving ako.
"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Jared at nung tinignan ko siya nakita kong nag-aalala siya. "Ayos lang ako noh!" Sabi ko sa kanya at ngumiti.
Sana ayos nga lang talaga ako.
-----
THIRD PERSON'S POV
"Sir gusto ko lang po malaman galit po ba kayo kay Ms. Lopez? tanong ni Grace kay Mr. Thompson.
"Oo nga hindi ko nagustuhan ang inakto mong iyon. Ano bang problema mo sa bata, mukhang mabait naman siya." Dugtong naman ng Mrs. Thompson.
Hinintay ng dalawang babae ang sagot at tanging isang malalim na buntong hininga lamang ang pinakawalan nito.
---------------
-BulatengWorm48
BINABASA MO ANG
The Right One
CasualeIs she ready to choose for the Right One? Four hearts, three lovestory, two broken hearts because of one decision... Year Started:2016 Year Ended:---- -BulatengWorm48 ㅠㅅㅣㅏ