Nagpaalam na ako kay Manong Fred pagkakita ko kay Taylor. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko kapag nakikita ko siya, kung noon nga na humahanga lang ako sa kaniya natataranta na ako ngayon pa kayang higit pa sa pagkagusto ang nararamdaman ko.
Pagkatapos nang limang minuto kong paglalakad tumigil ako sa tapat nang isa pang bahay, apat na bahay ang layo sa bahay nang Biado.
"Galing ka nanaman kila Taylor 'no?" sabi niya na mababakas mo sa boses niya na sigurado siya sa sinsabi niya.
"Aba, syempre nandoon yung nanay ko." Sagot ko sa kanya. "Excuses, usapan natin 11 nandito ka na. 11:23 na."
"Atleast dumating ako." sabi ko sa maarteng lalaki na to. "Well kilala mo ako Denyse Lopez ayaw na ayaw kong pinaghintay ako kahit ilang segundo. Ang bawat segundo ay mahalaga." sabi niya.
"Alam mo Jared Hemsworth, ang arte arte arte mo kamo noh? Para kang bakla kapag nagsasalita. Huwag ka na lang kayang magsalit--" hindi natuloy ang sasabihin ko nang may nagsalita.
"Ang agang LQ naman yan anak?" sabay kaming napalingon ni Jared sa nagsalita, ang mommy ni Jared. Dali-daling umakbay sa akin si Jared at ngumiti sa mommy niya "Wala to ma, pinagsasabihan ko lang tong babaeng 'to na laging late." sabi niya sa mommy niya, "Eh ganon naman pala anak ea. Bakit kasi yung girlfriend mo ang pinapapunta mo? Bakit hindi ikaw yung sumundo sa bahay nila? Para kang bakla anak." sabi nang mommy ni Jared na ikinatawa ko ng palihim. Kahit mama niya bakla tingin sa kanya.
"Hindi ma ah! Lalaki ako noh! Ah mommy aalis na kami ni Den, baka malate pa kami." Sabi ni Jared. Nagpaalam na din siya dito at humalik sa pisngi nito "Bye mom." Paalam ni Jared sa mommy niya "Bye Tita Lory" sabi ko. "Bye, ingatan mo yang si Denysse ah? Ingat kayo."
-----------------
Nakarating na kami sa school ni Jared, pero hanggang ngayon nagtataray parin siya sa akin. Konti na lang talaga sasabunutan ko na tong bakla na to. "Ano bang problema mo?" Tanong ko dito at nagsimula nang maglakad "Wala akong problema, ang ayaw ko lang sa lahat ay yung pinaghihintay ako baka nakakalimutan mo ikaw yung nagtext kagabi at sinabi mong maaga kang darating kaya ako naman ako itong si uto uto naghintay nang maaga."
"Hinatid ko po yung cellphone nung nanay ko na naiwan niya kaya natagalan ako." Sabi ko habang naglalakad at hindi lumilingon sa likod habang nagsasalita.
"At syempre hinintay mo pa si Taylor." Pang-iinis pa ni Jared sa akin. "Syempre kasama na din y---" bigla akong napatigil sa pagsasalita nang makita ko kung sino na yung nasa likod ko, napatabi agad ako sa gilid at tumakbo pabalik kay Jared "Bakit hindi ka sumunod?" Tanong ko sa kanya sa mahinang tinig "Eh kasi po...." ginaya niya yung tono nang boses ko at lumapit pa lalo yung mukha niya sa akin. "..naiwan ko yung bag ko sa loob nang sasakyan pagkakuha ko nilingon kita pero nakita kita na doon na sa malayo. Akala ko malapit ka lang kasi ang lakas nang boses mo." Sabi niya sa akin.
"Sana man lang diba nagsabi ka, nagmukha akong ewan doon na nagsasalita mag-isa." Inis kong sabi sa kanya. Nilingon ko si Taylor dun sa pwesto niya kanina at nahuli ko siyang nakatingin sakin nang masama at mabilis ding umiwas nang tingin at pinagpatuloy ang paglalakad niya sigurado akong sa Music Room siya pupunta ngayon dahil wala pa siyang klase. "Oh nakita mo na ang sama nang tingin niya sa akin! Baka iniisip niya na sobrang daldal ko, nakakainis ka kasi ea."
"Hoy babae! Unang una ha?, Hindi ako ang may kasalanan non dahil ikaw tong madaldal at naka-earphone siya para sabihin ko sayo, kaya hindi ka niya maririnig." Sabi niya sa akin na may kasama pang irap.
"Eh bakit ang sama nang tingin niya sa akin? At pano ka nakakasiguradong may tugtog yun?"
"Hindi ko problema yan at 12:15 PM na."
-----------------
Dinismiss na kami nang Prof namin, nagliligpit na ako nang gamit ko hindi ko na pinagkaabalahang salansanin pa siya sa bag ko dahil nakakatamad.
Palabas ko nakita ko na si Jared "Aba, mukhang na-miss mo ako ah?"
"Ang kapal mo ah, ihahatid lang kita dahil pareho lang naman tayo ng daan." Sabi niya.
"Wow, ang bait mo ngayon ah? Anong nakain mo?" Curious kong tanong
"Bawal ba magmagandang loob?" Tanong niya
"Pwede naman, pero kapag sayo kahina-hinala eh." Sabi ko sa kanya
"Ang daming sinabi, kung ayaw mo 'di mag-commute ka" Sabi niya sabay talikod na sa akin at naglakad na papunta sa kotse niya. Pero syempre dahil makakatipid ako, sumabay ako sa kaniya. Tahimik lang yung byahe namin dalawa.
---------------------
-BulatengWorm48
BINABASA MO ANG
The Right One
De TodoIs she ready to choose for the Right One? Four hearts, three lovestory, two broken hearts because of one decision... Year Started:2016 Year Ended:---- -BulatengWorm48 ㅠㅅㅣㅏ