"Hija, kamusta Na kayo ni Jared?" Pag-uumpisa ng mommy ni Jared habang kumakain kami. "Okay naman po kami, kahit minsan po inaaway niya ako.... Ay! Hindi po pala minsan madalas." Sabi ko kay Tita Sarah at pinagpatuloy ko ang pagkain. Buti pala dinala ako ni Jared dito, sarap ng luto ni Tita Sarah.
"Jared naman, bakit mo inaaway si Denysse. Bahala ka pag nagsawa yan iwan ka na lang niyan." Sabi naman ni Tito James. "Dad hindi ko naman siya inaaway siya ang nang-aaway sakin." Katuwiran naman ni Jared sa Daddy niya.
"Hala ka diyan ikaw kaya ang umaaway sa akin." Sabi ko sa kanya at tinutok ko sa kanya yung tinidor. Agad naman siya napaatras. Sabay kaming napalingon kay Tita Sarah dahil mahina itong tumatawa.
"Kayong dalawa ubusin niyo na nga yang pagkain niyo, at Jared ihatid mo si Den." Sabi ni Tita Sarah.
"Magbabanyo lang po pala ako." Paalam ko sa kanila pagkatapos kong kumain. "Sige Hija, nasa sala lang kami." Sabi ni Tita at dumiretso na ako sa CR nila dito. Naghugas lang ako ng kamay after ko mag-cr at lumabas na ako sa CR. Papunta na ako ngayon sa sala nila Jared, nang narinig ko silang nag-uusap.
Dumating ako sa sala nila at agad nilapitan si Jared.
"Tara na Jared antok na ako. Bye Tita Bye Tito." Paalam mo sa kanila at pumunta na kami ni Jared sa sasakyan niya.
Saktong 10 PM na kami nakarating ni Jared sa bahay. "Bakit madilim sa inyo? Wala ba si Tita?" Tanong ni Jared. "Oo don kasi matutulog si Mama sa Biado, alam mo na maaga sila aalis bukas ea." Sabi ko habang malungkot, aalis na si Taylor at hindi ko alam kung kailan ko uli siya makikita.
"Alam mo, okay lang yan. Malay mo hindi talaga kayo ni Taylor, kaya tadhana na gumagawa ng paraan para Makamove-on ka." Sabi ni Jared at niyakap ako. "Matulog ka na. Papanget ka niyan, pero panget ka naman talaga kaya hindi na halata." Sabi niya at bumitaw na siya sa yakap.
"Walang hiya ka talaga kahit kailan ano?" Sabi ko sa kanya sabay hampas sa braso niya. "Umuwi ka na nga." Sabi ko sa kanya. "Ito na uuwi na ako." Sabi niya at pumasok na sa loob ng sasakyan niya. Hinintay ko lang siya makaalis bago ako tuluyang pumasok sa loob.
-------------------
Nagmamadali akong nagbibihis dahil 20 minutes na lang late na ako sa first subject ko ngayong araw. Kasi naman, kung hindi ako nagpunta kila Jared kagabi Edi sana maaga akong magigising ngayon. 15 minutes pa naman mula sa bahay hanggang Thompson University.
Dali dali kong nilock yung bahay namin at pumara agad ng Tricycle. "Kuya sa Thompson University po." Sabi ko.
After 14 minutes nakarating na kami sa Thompson University, agad akong tumakbo at pumunta sa room ko pero si sungit ang naabutan ko sa loob.
"Nasaan yung iba?" Tanong ko sa sarili ko. "Wala. Obvious ba nagtatanong ka pa." Sagot ko naman sa sarili ko. Baka nagkamali ako ng pinasukan na room, kasi alam ko hindi ko naman kaklase si sungit na Storm sa subject na ito. Tama!
"Walang pasok ngayon, bakit ka nandito?" Tanong sa akin nung mongoloid. "Eh ikaw bakit ka din nandito kung walang pasok ngayon?" Tanong ko sa kanya. Sa kanya na nga diba nanggaling na walang pasok ngayon.
"Pakielam mo?" Pabalang niyang sagot sa akin. "Makaalis na nga dito." Sabi ko at umalis na sa room na iyon, doon na siguro ako pupunta sa SL's Office.
"Oh! Akala ko ba walang pasok, bakit kumpleto kayo?" Tanong ko sa kapwa SL ko. "Marunong ka bang magcheck ng cellphone mo?" Tanong sa akin ni Jared. "Oo marunong ako, ano ngayon sayo kung marunong ako?" Pambabara ko kay Jared. "Eh bakit hindi mo alam na imemeet tayo ngayon ng may-ari ng school kung saan ka nag-aaral?" Sarcastic na tanong sa akin ni Jared habang naka-taas ang kilay.
"Hindi naman ibig sabihin na oras-oras babantayan ko ang cellphone ko diba?" Tanong ko sa kanya habang binababa ko ang mga gamit ko. Nakakainis naman nagmadali pa ako kanina wala naman palang klase, Bad trip. Sayang pamasahe ko sa tricycle. Lesson learned ugaliin mag-check ng cellphone bago lumarga sa kung saan.
"Hulaan ko, hindi mo nabasa yung message sayo noh?" Nagdududang tanong sa akin ni Jared. "Ay ang galing mo naman pala manghula! hindi pa ba obvious?" Tanong ko naman sa kanya na may halong pagka-sarcastic.
"Manahimik ka na nga lang nakakairita yung ingay mo." sabi ng isang boses at nung nilingon ko ito nakita ko si Sungit, andito na pala tong kumag na to. Hindi ko siya na pansin.
"Tama si Storm, Den--" sagot ni Loisa na kasama ko sa SL pero hindi ko na siya pinatapos magsalita at agad na akong nagsalita. "Alin na maingay ako?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi, na manahimik ka na mamaya kasi abutan tayo nila Mr. and Mrs. Thompson na maingay magkaroon pa sila ng bad impression sa atin. Alam mo na, 'first impression last.'" Sabi naman ni loisa. "Ganon ba? Hindi niyo naman kasi agad sinabi sa akin na darating sila di sana kanina pa ako nanahimik dito." Sabi ko at lumapit na sa upuan sa tabi ni Jared.
"Ayan kasi napaka ingay. At saka sinabi namin di ka lang talaga nakikinig" bulong sa akin Jared na may halong pang-aasar sa boses. "Ewan ko sayo." sagot ko na lang kay Jared na may kasamang irap para matapos na yung sagutan namin, baka mamaya magkaroon pa ng round 2.
Mga ilang minuto lang nang katahimikan ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa non ang aming kasama sa SL na hinihingal. "Guys andito na sila."
Iyon lang yung sinabi niya pero feeling ko tumigil ang mundo ko. Hindi ko alam kung bakit pero wala naman akong kasalanan sa mga Thompson para kabahan ako ng ganito sa tuwing nalalaman ko na makikilala ko na sila sa personal. Pero promise hindi ko talaga maiwasang kabahan.
------------
![](https://img.wattpad.com/cover/45165402-288-k143283.jpg)
BINABASA MO ANG
The Right One
RandomIs she ready to choose for the Right One? Four hearts, three lovestory, two broken hearts because of one decision... Year Started:2016 Year Ended:---- -BulatengWorm48 ㅠㅅㅣㅏ