Chapter 1

101 6 0
                                    

Denysse's POV

"Denysse anak mauuna na ako ha?" Paalam sa akin ni mama bago umalis papunta sa trabaho niya.

"Sige Ma, mag-iingat ka doon hah? Huwag ka magpapakapagod." Bilin ko naman Kay Mama
sabay halik ko sa pisngi niya.

Abala kasi ako ngayon sa mga homework ko. Mamaya na ang pasok ko ala una hanggang alas syete. College na ako sa Thompson University, isa sa kilalang University sa lugar namin. At maswerte ko na siguro maituturing ang sarili ko dahil nakakapag-aral ako sa Thompson University dahil sa pamilya na pinagtatrabahuhan ni Mama bilang isang kasambahay ang pamilyang Biado. Family Friend din nang Biado ang Thompson's Family kaya siguro nakakuha ako ng full scholar sa University. Mabait din ang Biado Family, tinuturing na nga nilang pamilya ang mga kasambahay nila. Ang Thompson Family naman sabi nila mabait din, hindi ko pa kasi sila nakikilala sa personal.

Kakain na lang muna ako nang almusal at maglilinis pa ako ng bahay namin ni mama bago ako pumasok sa eskwela.

Nagpunta ko sa lamesa, magsisismula na sana ako kumain kaso napansin kong naiwan ni mama ang cellphone niya. Madalas na naiiwan si mama na gamit niya lalo na pag paalis siya, Ewan ko ba kung bakit napaka makakalimutin ni mama. Kinuha ko na yung cellphone at kumain na mamaya ko na lang siguro ihahatid to kay mama, ngayon kakain na muna ako ng agahan at maglilinis nang kaunti sa bahay.

---------------

Papunta na ako ngayon sa bahay ng Biado Family para ihatid sa nanay ko ang cellphone niya.

Pagdating ko sa may tapat ng gate ng bahay nila nag doorbell ako, may nagbukas naman si Kuya Ben driver siya ni Mr. and Mrs. Biado pagmalayuan ang byahe pero kung sa opisina lang, sila na nagmamaneho para sa sarili nila.

"Asan po si Manong Fred, bakit po kayo nagbukas ng pinto?" Tanong ko kay Kuya Ben, si Manong Fred naman siya ang matagal nang security guard dito sa Pamilya ng Biado.

"May kausap sa telepono, tumawag si Ma'am Sena ea kaya pinakiusapan niya ako na ako muna ang magbantay ng gate saglit. Anong sadya mo dito Den?" Si Ma'am Sena ay ang babaeng anak ng Biado.

"May bibigay po sana ako kay mama pwede po bang pumasok?" Tanong ko kay Kuya Ben

"Oo naman" sabi niya at binuksan na ang gate

"Salamat po, sige po punta na muna po ako kay mama

Tango na lang ang isinagot sa akin ni Kuya Ben, tapos dumiretso na ako sa kusina magbabakasali baka nandoon si mama. Sa likod na ako dumaan dahil mas malapit ang kusina doon, isa pa hindi naman ako bisita para dumaan sa main door.

Pagkadating ko sa kusina nakita ko kaagad si Mama may dalang iilang Plato, kakatapos lang yata mag almusal ng mga Biado.

Nilapitan ko si mama at binigay sa kanya yung cellphone niya "Ayan ma, naiwan mo nanaman cellphone mo dapat lagi mo dala yan. Minsan pa naman late ako nakakauwi 'di kapag nagpaalam ako, hindi mo alam tapos papagalitan mo ako" sabi ko kay mama paano nang minsan ginabi ako nang uwi eh nagpaalam naman ako pero pinagalitan niya ako hindi daw ako nagpapaalam, ayun pala hindi niya nabasa ang text ko at ang malala hindi niya alam kung saan niya nalagay yung cellphone niya.

"Pasensya naman nagmamadali kasi ako kanina maaga aalis sina Ma'am Leryssa at Sir Harry" sabi naman sa akin ni mama

"Sige pala Ma, mauna na ako may dadaanan pa ako eh" paalam ko kay mama na kasalukuyang ngayong naghuhugas ng mga Plato. Paalis na sana ako nang may maalala ako, kaya binalikan ko si mama "Ma, si Taylor pumasok na ba?" Tanong ko kay mama. Antagal ko na kasing hindi nakikita yung lalaking yun kailan ko ba siyang huli nakita? Kagabi yata bago ako umuwi? Oo tama kagabi mga 16 hours nadin ang nakalilipas, mag-aalas onse naman na din kasi ng tanghali.

"Naku talagang 'tong batang 'to, hindi pa na sa itaas pa. Bakit ano nanaman gagawin mo? Huwag mo na siyang gagawan ng sandwich, iniwan niya lang dati yung ginawa mo." Sabi ni Mama.

"Ma naman masyado kang nega malay mo naiwan lang" sabi ko kay mama

"Hay naku, ano pa bang sadya mo at nang makakilos na ako dito nang maayos." sabi ni mama habang pinupunasan ang mga pinggan at kubyertos na nahugasan na niya "Parang pinapaalis mo na ako ma ah? Sige na pala mauna na ako bye." sabi ko kay mama sabay halik sa pisngi niya "Oh sige, mag-ingat ka" sabi niya

Naglakad na ako paalis nang kusina. Nandito na ako ngayon sa may gate "Manong Fred, hello! Parang tumataba kayo ah?" Tanong ko kay maong Fred. "Di naman ineng ikaw talaga, aalis ka na ba?" Balik naman na tanong sa akin ni Manong Fred "Opo, may pasok pa po ako nang ala una." sabi ko kay Manong sabay tingin sa relong pangbisig ko. 11:15 am na pala mahaba pa ang oras ko bago mag time "Sige po pala mauna na ako," palabas na sana ako nang mahagip nang mata ko si Taylor, kalalabas niya palang sa bahay nila. "Kuya Ben pahanda nga nung sasakyan ko." sabi niya kay Kuya Ben na nasa gilid lang ni Manong Fred kanina. 'Ang gwapo niya talaga, kaso kailangan ko nang umalis'. Kailangan ko nang makaalis dito ang lakas na nang tibok nang puso ko, grabe talaga ang epekto sa akin nang lalaking ito. Wala na talaga akong kawala, hulog na hulog na talaga ako sa kaniya.

Nagsimula lang talaga sa paghanga, hanggang sa naging gusto at ngayon tuluyan ng nahulog, pero ang masakit mukhang wala siyang balak na sambutin ako. Dahil mukha ngang kahit alam niyang nag-eexist ako, wala naman siyang pakielam.

--------

-BulatengWorm48

The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon