"Oh bakit ka nakasimangot?" Bungad sa akin ni Jared pagkalabas ko sa Gate namin. "Eh ikaw bakit ka nandito?" Balik tanong ko sa kanya, dahil nakakapagtaka naman talaga dahil hindi ako sinusundo ng taong ito.
"Susunduin ka malamang, bakit ka nga nakasimangot hah?" Tanong niya sa akin na may kasamang irap. "Pakielam mo kung nakasimangot ako, at tyaka ano nanamang sumapi sayo at sinusundo mo ako ngayon eh kagabi nga lang tamad na tamad ka na ihatid ako?" Sabi ko sa kanya habang nakataas ang kanang kilay ko, "Babawi ako syempre kaya nga kita sinusundo ea, ikaw naman masyadong mainit ang ulo mo. Kaya ka ba nakasimangot dahil hindi kita hinatid kagabi?" Tanong niya ng pangiti-ngiti pa.
Asa tong bakla na to, "Hindi noh! Hindi lang maganda ang gising ko at kita mo nga naman paglabas ko pa nang bahay nakakita pa ako ng pangit na Bakla." sabi ko sa kanya.
"Wow ha? Coming from you?" sabi niya at pumasok na sa loob ng sasakyan niya "Halika na ano pang tinutunga-tunganga mo diyan? Gusto mo nanaman bang malate sa meeting ng SL?" Sabi niya sa akin.
Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at kinabit ko na ang seatbelt. "Alam mo bang darating na ang Thompson?" Tanong ko sa kanya. "Yeah kagabi ko lang nalaman, may party nga sila sa dati nilang bahay sa kabilang Village, saan mo nalamang darating na sila?" Sagot at tanong niya sa akin, pero hindi pa rin siya lumilingon dahil nagdadrive siya.
"Sabi kasi sa akin ni Mama kagabi, natanong ko kasi kung saan mapupunta yung mga maid na aalis sa Biado kasi aalis na sila Taylor kaya mapupunta yung ibang maid sa Thompson. Alam mo ba kung bakit sila aalis?" Malay ko ba kung may alam siya, "Ah, so si Tita Farina mapupunta sa Thompson?" Tanong niya. "Hindi. Dali na sagutin mo na yung tanong ko" sabi ko sa kanya. "Saan na magtatrabaho si Tita Ferina ngayon?" Tanong niya.
Kainis natong bakla na to ayaw parin sagutin yung tanong ko, "Sa Biado parin. Ano nga alam mo ba kung bakit sila aalis?".
Napabuntong hininga si Jared bago sumagot "Sa pagkakaalam ko, nagpapasama yung lola nila sa Italy dahil na din siguro may sakit na yung lola nila. Masaya ka na alam mo na? Tara na nga mamaya malate pa tayo sa meeting." sabi niya pagkatapos ay bumaba na siya ng sasakyan.
"Hoy. Jared sungit mo ngayon, imposible naman na magkaron ka. Hahahaha." Biro ko sa kanya, paano ba naman kasi masyadong seryoso. Kinukuha ko yung libro ko sa bag ko bagong bili ko to noong nakaraang linggo pero ngayon ko palang babasahin, magbabasa muna ako mamaya para hindi ako masyadong mabored.
"Ha-ha-ha nakakatawa." sarcastic na sabi ni Jared at nagsimula nang maglakad palayo. "Oy! Sandali lang naman Jared, aray ko !! Bwisit naman tong libro na ito ayaw magpakuha!" Ayaw magpakuha nang libro sa akin dahil siguro ang gulo nang bag ko, sumabit pa nga ung kamay ko sa isang string na maliit ko na notebook. Hinawakan ko yung iba kong gamit sa kanang kamay at panghalungkat ko naman yung kaliwang kamay ko, nasa labas yung kaliwa kong kamay at sa bag lang ako nakatingin. Sa wakas, nakita ko na ang libro ko.
Ibabalik ko na sana yung mga gamit ko sa loob ng bag ko at hahabulin ko na si Jared nang biglang may nakabungguan ako, naglaglagan yung gamit ko kaya agad ako yumuko para kunin yon pero may kasabay din akong yumuko kaya ang resulta nagkabungguan yung ulo namin. "Aray ko!" Sabi ko sabay hawak sa balikat ko at tingin sa taong nakabungguan ko. "Sorry." sabi niya sabay bigay nang gamit kong nalaglag, pero ako tulala parin. "Thank You." wala sa sarili kong sabi bago siya umalis, 'narinig niya ba ako?', tanong ko sa sarili ko.
Matagal akong natulala at hindi umalis doon sa may pwesto ko at hawak ko parin ang mga gamit ko sa kanang kong kamay kasama nung libro kanina. Napabalik lang ako sa reyalidad nang may nagtap nang balikat ko "Anong ginagawa mo diyan kanina pa pinapatawag ang SL, teka si Storm ba yun?" Tanong niya habang nakatingin sa taong nakabungguan ko.
"Oo, nakabungguan ko siya ea. Habang hinahanap ko yung libro. Gwapo noh? Crush mo na?" Asar ko sa kanya, habang naglalakad kami ay binalik ko na yung mga gamit kong nilabas ko kanina sa loob ng bag, mamaya ko nalang siguro aayusin yung bag ko kapag sinipag na ako.
"Tigilan mo ako baka mamaya may makarinig sayo diyan" sabi niya sa mahinang boses. "Hala siya oh si Jared namumula, may crush pa yata kay Storm. Sabihin mo na sa akin may crush ka sa kanya noh? Huwag kang mag-aala safe sa akin ang sikreto mo." sabi ko sa kanya habang sinisiko siko siya nang bahagya.
"Kanina ka pang nang-iinis hah? baka hindi mo magustuhan pag ako na ang nang-inis. Isa ka pa namang dakilang pikon." sabi niya. "Sus crush mo lang si Storm ea kaya naiinis ka, baka mamaya mahal mo na si Storm. Alam mo na doon naman lahat nagsisimula pahanga hanga ka lang nang una pero pagtagal mahal mo na pala, ganyan din ako dati ea, kay Taylor" sabi ko kay Jared na may kasamang ngiting pang-aasar. Tumigil bigla si Jared at hinarangan ang dadaanan ko, nakatingin siya sa akin hanggang tumingin siya sa likod ko bigla, bigla siyang ngumiti at nagsalita.
"Taylor! Kanina ka pa diyan sa likod namin?" Tanong niya sa likod ko, feeling ko bigla akong nawalan nang kulay sa narinig ko mula kay Jared. Napaisip ako malakas ba ang pagkaka-usap ko kay Jared kanina?. Hindi ako lumilingon sa likod dahil nahihiya ako.
Nagulat na lang ako nang bigla kong narinig na tumatawa si Jared "Kung nakita mo lang yung itsura mo kanina Den," pinagpatuloy niya yung pagtawa niya at nang mahimasmasan na siya ay nagsalita uli siya. Pero bago siya magsalita lumingon muna ako sa likod ko at nakitang wala namang tao doon. "Basta yata talaga si Taylor ang pinag-uusapan nawawala ka sa pag-iisip Den, nakalimutan mo na bang may klase siya. Akala ko ba alam mo lahat ng ng schedule niya?" sabi ni Jared na nakatingin pa sa orasan. "Eh bakit mo sinabi na nandito siya?" Tanong ko. "Sabi ko naman sayo eh, hindi mo magugustuhan kapag ako ang gumanti." sabi niya na pataas taas pa ang kilay.
"Ewan ko sayo!" Sabi ko sa kanya at naglakad na papunta sa Student Leader's Office. Humabol naman siya at nagsalita "Kita mo na ikaw nag-umpisa pero pikon ka."
Nakarating na kami sa loob at napatigil ako sa pagpasok nang makita ko si Storm Red Mendeleer sa loob, bakit siya andito at nasaan si Sena? "Kumpleto na pala tayo, okay magsisimula na ako alam ko naman na kilala niyo si Storm. Since umalis na si Sena I decided na si Storm ang ipalit, pasok naman siya sa lahat nang requirements na hinahanap para maging SL hindi kasi tayong pwedeng makulangan nang isang leader dahil marami nang events ang darating. And speaking of events, two days from now darating na ang buong pamilya nang Thompson so kailangan nating magprepare para sa program. Okay so Simula na tayo?" Tuloy-tuloy na sabi sa amin ni Ma'am Grace.
Tuloy tuloy naman ang meeting nang dalawang oras. Natapos ang meeting nang puro plano at pagbibigay lang nang gagawin ang ginawa namin, ako na lang ang naiwan ngayon dahil halos lahat ng SL may susunod pang klase. Kasama ko si Ma'am Grace na naiwan sa loob ng SL's Office "Nakalimutan kong sabihin sayo kanina Den na pagkatapos nang Program ay kakausapin kayo ni Sir Charles at Ma'am Rebecca Thompson. Sige mauna na ako sayo, paki lock nang maayos yung pinto mamaya hah?" Sabi ni Ma'am at umalis na.
Pagkatapos nang dalawang taong pagpapaaral sa akin ng Thompson ngayon ko palang sila makikilala nang personal, hindi ko alam kung kinakabahan ako o masyado lang akong naeexcite kaya nakakaramdam ako nang pagkabog sa dibdib ko.
------------------
Third Person's POV
Location: London
Abala ang Pamilyang Thompson sa pagliligpit nang kanya kanyang gamit para sa pagbabalik nila sa Pilipinas sa susunod na araw, palaisipan man ang dahilan nang kanilang biglaang pagbabalik sa bansang kinalakihan nilang magkakapatid ay wala silang magagawa kung hindi ang sumunod sa pinag-uutos ng ama.
Isang katok ang nagpatigil sa pangalawang anak nang Thompson na si Francis Thompson, pinapatawag siya nang kanyang ama at ang kanyang Kuya na si Bench Thompson. Agad na pumunta ang magkapatid sa Office nang Ama sa loob ng Mansyon.
Nakita ng magkapatid ang Ama at Ina na seryosong nag-uusap "Bakit niyo kami pinatawag Dad?" Tanong ni Bench na agad umupo sa silya sa harap ng Office Table nang Ama, si Francis naman ay umupo sa Sofa na nakalagay sa gilid ng silid. "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, nakusap ko ang inupahan kong Private Investigator para sa paghahanap sa kapatid niyo." kung kanina ay tila walang pakielam ang magkapatid ngayon naman ay tutok na tutok sila sa pakikinig sa ama nila, dahil napasok na sa usapan ang nawawala nilang kapatid "Nadiskubre na nasa Pilipinas siya." pagpapatuloy ni Mr. Charles Thompson. "Kaya tayo pupunta sa Pilipinas para hanapin ang kapatid mo at kilalanin kung sino man ang sumasabotahe sa negosyo natin."
--------------------
-BulatengWorm48
BINABASA MO ANG
The Right One
AcakIs she ready to choose for the Right One? Four hearts, three lovestory, two broken hearts because of one decision... Year Started:2016 Year Ended:---- -BulatengWorm48 ㅠㅅㅣㅏ