Sobrang naging abala ang araw na ito dahil ngayon darating may ari ng school. Kaya kaming mga SL hindi magkanda ugaga sa pagkilos, lahat makikita mo gumagalaw dahil talagang ilang minuto nalang parating na sila.
"Hey guys!! Sino bang naassign sa pagkuha ng bulaklak mula doon sa pinagpagawaan? Pwedeng makuha na darating na sila Sir Charles at Ma'am Rebecca in 30 minutes." sabi samin nang pinakamataas sa amin na si Ma'am Grace.
Kaming dalawa ni Storm ang na-assign sa pagkuha ng bulaklak mula sa shop pero hindi ko pa nakikita si Storm, o hindi ko lang talaga siya napansin kaya hindi ko siya nakita. Nilapitan ko si Janelle para tanungin kung nasaan si Storm "Janelle nakita mo si Storm?".
"Ah oo, nagpaalam lang siya saglit may sinagot lang na tawag." Sabi niya sa akin at tinuloy niya na ang ginagawa niyang pagpapalobo sa ibang mga pangdesign na lobo.
Naghintay ako hanggang sa makabalik si Storm mula sa labas, pagkadating niya agad ko siyang nilapitan "Storm, kuhanin na daw natin yung mga Flower." sabi ko sa kanya. Tumango lang siya at nauna nang maglakad, ang suplado naman nito porket gwapo siya.
"Tatayo ka na lang ba diyan o sasama ka pa sa akin? Kaya ko namang mag-isa." walang gana niyang sabi sa akin.
"Ito naman nag-isip lang ako ng kaunti galit ka kaagad? At saka kapag hindi kita sinamahan baka mapagalitan naman ako ni Ma'am alam niya naman na tayo magkasama diba?" Sabi ko sa kanya habang sinusubukan kong sumabay sa paglakad niya, ang lalaki naman kasi ng mga hakbang niya.
"Hindi naman ako nagtatanong ng dahilan mo." sabi niya sa akin ng walang tingin tingin.
"Hindi mo naman kailangan magtanong, kasi magtanong ka man o hindi sasabihin ko pa rin sayo." Matapang kong sagot sa kanya, nakairita kasi yung pagka sungit niya.
Hindi na siya nagsalita pagkatapos ng sinabi ko. Kaya ako na lang uli ang nagsalita "Bakit ang sungit mo?"
"Pakielam mo bakit ako ba nagtatanong kung bakit madaldal ka?" Pabalang niyang sagot at tanong.
"Hindi ka lang pala masungit noh? Masama din ang ugali mo." Sabi ko sa kanya at sinubukang mauna maglakad papunta sa Eliza's Flower Shop, walking distance lang naman siya kaya tipid. Yun nga lang kahit walking distance siya feeling ko tinakbo ko siya para lang maunahan si Storm.
Pagpasok ko sa may Flower Shop ay binigay ko kaagad doon sa may counter yung resibo para sa Flower.
Inayos naman nung babae yung walong garland at yung dalawang maliit na bouquet, "Miss ito na po." abot sa akin ng babae sa counter. Kinuha ko yung naka paper bag na walong garland sa kaliwa kong kamay at sa kanan ko yung dalawang maliit na bouquet. Nasaan na ba kasi yung kasama ko? Nakakainis walang kwenta.
Paglabas ko sa Flower Shop nakita ko siya sa labas nakatayo, at dahil masyado na akong madaming bitbit pinabitbit ko sa kanya yung paper bag na may lamang garland.
Mayaman naman kasi yung school na yun Ewan ko ba at di na lamang nila sinabay sa pagdeliver ng ibang mga flower kanina itong mga bouquet at garland.
Sana talaga si Jared na lang ang pinasama ni Ma'am sa akin sa pagkuha ng Flowers ang boring naman kasi nitong kasama ko. Ang hirap pang kausapin, akala mo laging may kaaway.
NAKARATING na kami ni Storm sa school nang hindi nagpapansinan, hindi naman na din ako nagsalita mamaya kasi masabihan nanaman akong madaldal. Pagkadating namin agad kaming lumapit kay Ma'am Grace at binigay yung mga Flowers at agad naman binigay ni Ma'am Grace ang mga Flowers sa mga magsasabit ng flower sa Thompson at Biado Family. Balita ko kasi buong pamilya silang darating.
Maya maya lang ng kaunti napansin kong natataranta na si Ma'am Grace at inaayos na kami, inutusan ako ni Ma'am na kausapin na yung mga performer sa backstage para ihanda sila dahil within 3 minutes daw darating na ang Thompson Family.
BINABASA MO ANG
The Right One
RandomIs she ready to choose for the Right One? Four hearts, three lovestory, two broken hearts because of one decision... Year Started:2016 Year Ended:---- -BulatengWorm48 ㅠㅅㅣㅏ